Chapter 2

1.3K 31 25
                                    

30 Days To Win Her Heart Ag

Chapter 2- The Hair Clip

Jushtine's POV

"Bilisan mo best!",hingal na hingal na sabi sa akin ni Shaina. Ano ba yan para kaming sumali ng marathon sa pagkakatakbo namin.

Nagmamadali kasi kami dahil late na kami sa class namin.Aisshhh kasi naman tong babaeng to mantika kung matulog.

"Kung pagmadaliin ako oh parang ako yung may kasalanan?" , reklamo ko. Kasi ang bilis niyang tumakbo ,racer kaya yan! Parang di babae kung tumakbo oh.

"Tsss. Takbo ba yang gingawa mo?!" , pang aasar niya.

Tsss. Halata naman na inaasar na naman ako ng babaeng ito. Siya kaya sa kalagayan ko ha!

Hingal na hingal kaming  nakapasok sa campus. Hindi naman talaga kami ma la-late eh kung sana hindi kami nasiraan sa daan. Puno ng kamalasan nga naman. Kung nakikita niyo lang naman ang itsura namin parang naulanan kami ng pawis. Sus ang gwapo kong image para yatang magiging dugyot nito.

Nasa pinto na kami.

"Why are you late the two of you?" , striktang tanong nung terror naming teacher sa history. Nasabi ko ba sa inyo na iba sa school namin kapag 2nd day na ng class ay proper na ang lahat. Hindi tulad ng ibang school ay parang wala pang nagawa sa second day pero dito discuss agad.

"Ahm Ma'am nasiraan po kasi kami." , sabi ni Shaina na mukhang kinakabahan. Eh sino nga bang hindi kakabahan niyan eh bruha naman talaga tong teacher namin na kung makatingin ay para kang lalamunin.

"Sorry we will never do it again." , at nag bow kaming dalawa ni Shaina para maipakita na sincere kami.

"Before you come in. Fix yourselves first. I'll give you 5 minutes." , yun ang sinabi niya at humarap na ulit sa whiteboard.

Buti nalang talaga at di pa kami medyo nakatikim ng words of wisdom nya.

Shaina's POV

Grabe akala ko World War III na!Yung feeling na nakahinga ka ng maluwag after ng awkward scene na yun.Ah andito ako sa cr ngayon kasi nga daw i fi-fix muna daw yung mga itsura namin.

At ginawa ko na rin yung mga seremonyas ko. Naghilamos muna ako. Atsaka nagpowder. Nagpunas ng pawis syempre. Aissh ano ba tong buhok ko ang gulo gulo. Masuklayan nga.

At lumabas na ako. Feeling fresh lang. Nasa labas na pala si Jushtine.

"Ano ba yang buhok mo.",puna niya. Nakasimangot na naman. Napatingin ako sa kanya. Bat ba ang unfair? Kahit anong gawin nya gwapo pa rin sya.

"Maganda!" ,sabi ko.

"Tss yan ba ang maganda?? Ang gulo kaya!" ,sabi niya.

Yan na naman sya sa unlimited lait nya.

"Aissh problema na yun ng titingin sa akin." ,sabi ko.

"Oh." ,sabi niya at may inabot sa akin na maliit na red box. Ano naman kaya to? Napataas ang kilay ko.

"Oh ano naman to?",sabay kuha ko sa box.

"Try mo kayang buksan yan para malaman mo.Kahit kelan ang hina hina talaga ng braincells mo." ,pikon ata. Ang taray naman nito ngayon, bad trip kasi. Tss. Pero dapat di nya rin laitin ang braincells ko kahit bad trip pa sya.

Padabog kong binuksan ang box. Napatameme ako sa nakita ko.

Grabe ang ganda nito. Kumikinanag pa ito. Tumingin ako sa kanya na parang naluluha.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now