To Win His Heart Again Chapter 14

197 11 0
                                    

To Win His Heart Again

Chapter 14 - Reality

Napasampa ako sa kama. Tulala pa rin ako. Kanina pa akong wala sa sarili kaya himala na nga lang na nakauwi pa ako sa hotel na tinutuluyan ko.

Hinigop na ata ng kalawakan ang buong energy ko. Di ko kayang tanggapin agad agad ang nakita ko kanina. Ramdam kong sya talaga yun. May nagsasabing ang taong hinahanap ko at ang taong nakita ko kanina ay iisa lang. Pero bakit ganun ang nangyari?

Flashback.

"Jush.",nasabi ko. Patuloy pa rin sa pag agos ang mga luha ko kasi nakita ko sya. Na tama ako na buhay talaga sya. Nakatitig lang sya sakin. Napakunot noo sya.

"Jush? I'm Kieth. Do I know you?",sabi nya.

Nabigla ako sa sinabi nya. Lumapit ako sa kanya.

"Jush ako to! Si Shai. Ako yung-",naputol ang sasabihin ko pa sana.

"Sorry Miss but I don't know you.",sabi nya. Anong nangyayari sa kanya? Di ko sya magets kung ano ang inaakto nya ngayon. Nagkakamali ba ako? Pero magkamukhang magkamukha talaga sila.

Niyakap ko sya.

"Ano ka ba?! Bat di ka man lang nagparamdam. Alam mo bang ang saya saya ko ngayong nahanap kita. Akala namin wala ka na.",sabi ko. Nawawala na ako sa katinuan. Ang tumatakbo lang sa utak ko ay nakita kong buhay si Jushtine. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Wala syang imik.

Nagulat ako sa ginawa nya. Medyo tinulak nya kasi ako papalayo sa kanya.

"Jush. Anong nangyayari sayo?",naguguluhang tanong ko. Teka naiintindihan nya naman siguro ako diba? Kasi kanina pa sya english ng english.

"Teka baka di mo ko naiintindihan. Ah. Baka di ka na marunong magtagalog.",nasabi ko na lang.

"Miss ikaw ang di ko ma gets. Di ako si Jush. Si Keith ako okay?!",sigaw nya sakin.

Galit ba sya sakin? Baka nga. Pero ayos lang mamaya ko na lang iisipin ang mga bagay na yan. Ang importante nahanap ko na sya.

Aalis na sana sya pero pinigilan ko. Hinawakan ko ang braso nya kaya napahinto sya.

"Jush sorry. Galit ka ba sakin?",tanong ko. Kelangan kong gawin ang mga bagay na dapat ginawa ko agad dati. Di ko na kaya pang maghintay pa ng dalawang taon bago ko magawa to.

"Bitawan mo ko. Di ako ang hinahanap mo.",sabi nya at tinabig ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

Naiwan akong tulala at pinapanood syang umalis papalayo sakin. Di ako makagalaw. Di ko inaasahan na mangyayari to. Ang nasa isip ko lang kasi ay magiging maayos ang lahat pag nagkita na kami. Naguguluhan ako.

End of flashback.

Huminga ako ng malalim. Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung dapat ba akong maging masaya dahil nakita ko sya. Kung malulungkot ba ako dahil sa naging reaction nya sakin. O dapat ba akong magalit sa kanya dahil sa loob ng mahabang panahon ay di man lang sya nagparamdam.

Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pag iisip ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello.",sagot ko. Di ko alam kung sino ang kausap ko kasi diretso lang ako sa pagsagot. Sana di to si Kris. Ayoko pa syang makausap sa mga gantong panahon.

"Shai. Kamusta?",si ate Sunny. Sa di ko malamang dahilan ay humagulgol na ako ng iyak. Di ko alam kung dahil ba sa napakakalmadong boses ni ate na para bang nangcocomfort o dahil gusto ko lang talagang ilabas ang nararamdaman ko kaya bumuhos agad ang mga luha ko ng marinig ang boses nya.

"Sige iiyak mo lang yan. Ilabas mo lahat lahat hanggang sa maubos.",sabi nya.

Ginawa ko naman ang sinabi nya. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala ng tumulo ni isang patak. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Okay ka na? Sige ikwento mo na.",sabi nya. Huminga ako ng malalim.

"Ate nakita ko sya. Buhay sya.",sabi ko.

"What?! Good news yan! Teka wait bakit parang malungkot ka at umiyak ka pa?",tanong nya.

"He acts as if he doesn't know me. At iba na ang pangalan nya. Di nya raw ako kilala. Naguguluhan ako ate. Sa loob ng dalawang taon di man lang sya nagparamdam sakin. Ginagantihan nya ba ako? Ganun ba sya kagalit sakin?",sabi ko.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay nasasaktan ako ng sobra.

"Mahal na mahal ka ni Jushtine. Saksi ako dun. Ginawa nya ang lahat para sayo Shai. Kaya sobra syang nasaktan sa nangyari sa inyong dalawa. Kung di man sya nagpakita sayo sa loob ng dalawang taon may rason sya. At may mga rason na kahit kelan di natin maiintindihan. Pero diba ang mas mahalaga ngayon ay ang nakita mo na sya. Ang tanong kaya mo bang gawin ang lahat para sa kanya? Tulad ng ginawa nya sayo dati?",sabi ni ate.

Napaisip ako. Tama baka nagkukunwari lang syang di ako kilala. Baka ito yung paraan nya para ipakita sakin ang galit nya. Kelangan kong gumawa ng paraan para magkaayos kami. Pero kaya ko ba? Naisip ko ang mga nagawa ni Jushtine dati para sakin. Mahirap pero ginawa nya para lang sakin. Siguro ngayon panahon naman para ako ang lumaban para sa aming dalawa.

"I will win his heart again.",sabi ko.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now