Chapter 5

1.2K 36 19
                                    

30 Days to Win Her Heart Again

Chapter 5- The Unexpected Truth

Shai's POV

Isang linggo na ring wala sila Jushtine at si Shara.I -heheld kasi yung contest sa Cebu. Aissh ewan ko ba parang kinakabahan ako na nag aalala. Nawala ako sa pagmumuni -muni ko nang..

"Ano ba kasi ang tinutunganga mo dyan?!" ,at sabay binatukan ako.

Tss..Ganyan ba talaga yung TUTOR?! Kailangan marahas?!

"Ano ba kasi?" ,reklamo ko habang hinihimas ko yung ulo ko.

"Eh nagtatanong ka pa KAMAHALAN!! Exam na po bukas nasa chapter 1 pa rin tayo eh ang coverage hanggang chapter 9!" ,pasigaw na niyang sabi sakin.

Ayy.. oo nga pala!Bukas na pala yung long examination namin sa Trigonometry. Naku naman!Eh ang hirap naman kasi ng subject na to eh.Sino ba kasi ang nag imbento ng subject nato?Lagot talaga siya pag nakita ko siya,papatayin ko talaga siya.Wala pa naman akong talent sa pag aaral.

Teka wait.Kelangan nya ba talaga akong sigawan? Bat ba high blood na high blood tong taong to sakin. Tss.

"Eh nasan na ba tayo?",naasar kong tanong.

Umiling lang siya at mukhang iritado na. Kanina pa kasi kaming umaga nag aaral eh.

Umupo ulit at sinimulan niya ulit ang pagtuturo sakin.

Kristan's POV

Hindi naman talaga ako napapagod sa katuturo sa kanya.  Eh gusto ko nga na matagalan pa kami. Yung gusto kong hindi niya makuha lahat agad-agad.Para akong abno ako lang siguro yung tutor na gustong matagalan ang pagtuturo. Ewan nakakapraning i analyse kaya di ko muna i-evaluate kung ano man tong nararamdaman ko.

"Baka matunaw ako niyan ha." , sabi ko nang na feel ko na nakatitig siya sakin habang nag eexplain ako sa kanya. Kasi naman pag nagtuturo ako ay nasa mga books yung mga mata ko.

"Tss. Hindi ako nakatitig sayo no!" , depensa niya na parang namumula.

Kaya nag angat ako ng mukha at hindi ko inaasahan na sobrang lapit lang pala ng mga mukha namin.

O/////O

Mga ilang seconds pa ang lumipas at nakatitg pa rin kami sa isa't isa at.. at ..

sobrang lapit na nun. Nagkatitgan kami.

Mas maganda pala siya sa malapitan.

Yung mga mata niya...

Yung cute niyang ilong..

Yung napakainosenteng labi..

All I can say is she's an Angel!

Binawi niya yung mga mata niya. Ganun din ako. Umayos na yung position namin.

Teka bat ang bilis ng tibok ng puso ko? Parang sasabog any moment. Kinakabahan ako na di ko alam kung bakit. Dahil ba sa nangyari? Pero bakit? Sa iba naman wala namang effect pero iba ang naramdaman ko kay Shai.

Aisshh.. Yan tuloy napaka- awkward na.

AWKWARD SILENCE.

"Ahm.. ito!Hindi ko to maintindihan!" , sabi niya na mukha talagang nataranta. Habang ako nakatingin sa tinuturo niyang page.

"Ah...eh hindi mo talaga yan maiintindihan kasi chapter 20 na kaya yan." ,sabi ko na pinipilit na hindi tumawa.

Namumula siya ngayon.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Where stories live. Discover now