"Mataas ang emotional intelligence ko. Matagal bago ako magalit nang husto," sabi ko sa kaniya, "Ayoko lang talaga ng ginawa mo. Bakit hindi ka nagsabi ng totoo?"

"Nalaman ko kung paano ka mag-isip. Humupa ang takot mo nang makita sa dilim ang kaluluwa ko. Matatakot ka ulit kapag sinabi ko na naririnig ko ang iniisip at nararamdaman ko ang emosyon mo. I mean, you just can't admit it because you don't know how to say it. The patterns of your thoughts, the shades and colors of your emotions...no one has been this close you. You're afraid to be seen as you truly are," yumuko si Maki sa sahig at kumurap, "Please, understand. I thought it was the only help I can give you: an illusion of privacy."

Ang dami ko din inisip na kahiya-hiya. Pero hinayaan ko na lang mawala ang inis, hiya, at iritasyon ko. Wala naman akong magagawa. Huhupa din ito. Bukas lang, tatatawan ko na lang ang sarili ko. Pinapatawad ko na si Maki.

"Sir Maki..." bigla ako nahiya, "Uhm..."

"Pwede mo sa aking sabihin kahit ano," sabi niya, "I told you. What we have is more than sexual tension..."

"This is something spiritual," duktong ko, "I know. Naiinitindihan ko na kung bakit."

Ang lamig matapos umihip ng hangin sa basa kong mga palad. Matutuwa ba ako o sisigaw sa kaisipan na may isang katulad niya, nakalkal ang memorya, emosyon, at isip ko? Mula pagsilang, pagbagsak, at pagbangon...walang salita, alam ni Maki ang kwento ko at naiintindihan niya ang dahilan sa bawat desisyon ko.

Halos dalawang linggo na siya sa tabi ko. Gaano na kaya kalawak ang nahukay niya sa utak ko?

"Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo?" ngumisi si Maki, "There is a lot in you. I can say that you are a balance of black and white. A blend of Yin and Yang. You choose good, and perform evil both at the same time, allowing your strong sense of morality to dictate your choices. You are a responsible thinker. Malimit kang mag-isip nang masama tungkol sa kapwa mo."

"Yeah, but...I misjudged you. Remember?"

"There was nothing to forgive," bumuntong-hininga siya, "Kasalanan ko din naman 'yon. Pinakalat ko ang masamang reputasyon para matakot ang tenants, respetuhin ako, at magbayad sila sa tamang oras."

Tinitigan ko siya sa mga mata. "Sir Maki, kahit si Deedee, hindi ito alam. Pwede ko bang i-kwento sa 'yo kahit alam mo na? Never have I put into words what occurred since I vowed never to tell a soul."

"Why don't you just pretend I'm one of your family? I know how badly you wanted to tell them, but you cannot group the right words. Hindi mo alam kung saan ka magsisimula. So let's practice now."

Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Salamat, sir."

Silence. Lumipad ang mga ibon at lumapag sa bubong ng gazebo.

"Sa history ng human trafficking, ako na ata ang pinaka swerte," simula ko.

Tumawa si Maki. "That's good. You can start with that."

"Madaming OFW na gustong umalis para sa pamilya nila. Wala akong ganoong klaseng mentality kasi galing ako sa may kayang pamilya. Gusto kong magtrabaho sa Malaysia kasi gusto ko. Wala akong pinapalamon tulad ng ibang OFW. Maganda ang educational background ko. Kaya gamit ang ipon kong pera, lumapit ako sa recruitment agency at nagbayad," pause, "Tapos binigyan nila akong lahat ng despedida party. Kaya ang hirap bumalik ng Pilipinas matapos kong malaman na walang trabahong nag-aantay sa akin doon. Isang buwan akong tambay sa motel. Tapos pinakilala ako ng recruitment agent sa isang pamilya bilang bago nilang domestic worker."

Silence.

"Domestic worker," pag-ulit ko, "Yaya, katulong, mutsatsa—domestic worker. Mayroon akong degree sa Nursing at Education. Dagdag mo pa ang masters degree ko. Pero nandoon na ako. Binigay ko na ang pera ko sa kontrata at plane ticket. Hindi na mababawi."

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now