"Ahh. Oo, boyfriend ko siya." Tapos nagulat siya.Napatingin na lang ako kay Eycee.

"Eycee, kilala mo ba siya?" Tanong ko tas parang napansin ko lumaki mata nung babae.

"HINDI MO KO KILALA ?!" Nagulat naman ako sakanya bigla bigla na lang sisigaw.

"Uhmm. Ms, naaksidente po kasi siya kaya di ka niya po maalala.May amnesia siya." Sabi ni Eycee.

"Ahh, di ko alam yun.Sorry Fajuzia ha. Ako si Hannah Raven Santos na kailan lang nagpakasal at ngayon ay Chua na. Parang kailan lang nag-abot ako sayo ng invitation sayo tas nagka-amnesia ka na. Grabe anong nangyari sayo?" Nginitian ko siya.

"Invitation?Invitation ng kasal mo ba? Sorry kung di ako nakapunta ha. Tsaka sorry kung di kita maalala. Pero kung di mo mamasain? Pinsan ba kita o kaibigan ?" 

"Hmm. sabihin na natin Enemy mo ako dati pero naging friends din tayo. So it's up to you kung anong iisipin mo sa akin ngayon dahil hindi mo nga ako maalala. At yung invitation na yun hindi yun sa kasal ko din sa engagement party ng iba." Tas tumingin siya kay Eycee para bang sinusuri niya.

"Nagka amnesia ka lang Fajuzia may boyfriend ka na palang iba. Nice! Alam din kaya ng boyfriend mo kung ----" 

" Uhmm. Fajuzia, pinapauwi ka na ni Tita. Tara na." Biglang singit ni Eyce tas tumingin lang ako kay Hannah na nakangiti lang sa amin.

"Ah sige na Fajuzia. Ingat kayo, sana magkita tayo ulit." Sabay tingin ni Hannah kay Eycee at umalis na sila. Tumingin ako kay Eycee.

"Ano kaya ibig sabihin nun ni Hannah?" Tanong ko.

"Ewan ko dun. May gusto ata yun sa akin e laging tumitingin sa akin." Bigla ako natawa sa sinabi niya.

"Ang feeler mo naman, may asawa na siya  di ba. Ang sabi niya pa nga kailan lang siya kinasal." Tapos bigla siyang nag-ayos.

"Eh ano magagawa mo kahit may asawa pa siya, kasalanan ko bang ang gwapo ng boyfriend mo." Sabay kindat sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapal ng mukha mo Eycee.Minsan iwas-iwasan mo naman yung pagiging hangin ha baka tangayin ka na eh." Tapos tumawa siya sinabi ko.

"Ewan ko sayo. Tara na iuuwi na kita sa ospital mong bahay." Nang-asar pa toh sa akin.

"Dyan ka magaling e, mang-asar sa akin."

"Sus, kinikilig ka naman paginaasar kita di ba?" Inirapan ko lang siya.

"Ayiee. Gusto mo asarin pa kita lalo para kiligin ka." Bigla ako napatigil sa sinabi niya at tumingin sakanya.. AHHH~ ang sakit ng ulo ko. Bigla akong may naalala pero parang hindi si Eycee ang kasama ko dun.

"Chummy, ayos ka lang ba?" Niyakap niya ako.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now