His eyes were done roaming around the corners of my face—Maki blinked slowly as our gaze met. I saw him gulping, and I cowered from his stare. Being this close to him, I wanted to hide like a tortoise inside its shell. Sa dami ng hindi ko makontrol sa mundo, kasama na doon ang tibok ng puso.

"Gaano ka na katagal sa tabi ko?" pagbasag ko sa katahimikan, "Anong mga nakita niyo, sir?!"

Maki bit his lips before looking away. Taas-noo, "Wala akong kasalanan. Hindi ko ginusto ang mga nakita at narinig ko. For the record, I kept my eyes closed when you were naked as a bear."

Wooshoo!! Utot mo, gago. Kahit kaluluwa ka, lalaki ka pa rin na may titi at bayag. Tinamasa ko kanina ang huling shower na gagawin ko hangga't hindi natatanggal ang gintong punseras.

Sumimangot si Maki sa akin.

Bigla tuloy akong naging conscious sa kanang kamay ko kung saan kami nakagapos. From now on, ilalayo ko na ito sa katawan ko. Baka mamaya, gamitin ko pa ito pangkamot sa maseselang bahagi. Tatagos sa akin ang kamay niya.

In fact, tumatagos siya sa mga solid na bagay. Lumulutang ang kaluluwa niya, hindi umaapak sa lupa. Lalo siyang tumangkad kaysa sa akin.

"This is not just some hand cuffs," sabi ni Maki, tinutukoy ang sumikip na gintong punseras, "For some reasons, I think it connects my soul to your body. Nararamdaman ko kapag naiihi ka, nadudumi, nagugutom... Basically, I can feel the physiological needs of your body for survival: air, water, food and you get the picture."

"Can you also feel this?" inangat ko ang kaliwang kamay at kinirot nang husto ang aking pisngi. Aray!

"Ouch!" reklamo ni Maki, "Yes. I felt that. Don't do that again."

"Interesting," tinignan ko ang punseras, kumikinang ito sa liwanag ng kaluluwa ni Maki, "It's not just some hand cuffs. It serves as an umbilical cord that connects my body to your soul. Like a mother to its child."

"Umbili...what?"

"Umbilical cord. Kapag ang sanggol nasa sinapupunan ng nanay niya, kinokonekta ng umbilical cord ang sanggol sa placenta ng nanay. Doon ang palitan ng nutrition, dugo, at kung anu-ano pa."

"Oh, that!" bumakas ang rekognisyon sa mukha ni Maki, "Yeah. I remember. Umbilical cord."

"It's not 100% proven by medical research. But I think babies can hear the emotions and thoughts of their mothers. Kaya masama sa buntis ang masyadong stressed," sabi ko, "You said you can feel my body's physiological needs. Can you feel me emotionally? What about my thoughts? Can you hear them?"

Tinitigan ako ni Maki—mata sa mata. "No, Jaja. No. Just your physical needs. I don't know what you feel and what you think. I have my own emotions and thoughts."

Phew! Salamat sa privacy, Lord! Mabuhay Ka.

"Sir Maki? Kung nandito ka sa tabi ko, nahimatay ka ba kasi humiwalay ka sa katawan mo?"

Huminga siya nang malalim. "Paano ko malalaman ang sagot sa tanong mo? Wala akong alam. Kailangan mong humanap ng paraan para makabalik ako sa katawan ko."

"Ano kaya kung putulin natin ang punseras?"

"Pumunta ka sa tool box ng Papa mo," utos ni Maki, "Maghanap ka ng plies."

Tumango ako. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng kwarto. Nakita ko sina Mama at Jenny na naka-upo sa sofa, nanonood ng balita. Nilampasan ko sila para bumaba sa hagdan.

Ang first floor ng bahay namin ay isang malawak na garahe kung saan pinaparada ni Mama, Papa at Jenny ang mga kotse nila. Sa aming pamilya, ako lang walang driver's license. Hindi ako marunong magmaneho. Madalas akong biruin ng mga kapatid ko na kung mag-aaral daw ako ng driving, gamitin ko daw ang kotse na walang airbag. Sa laki daw ng boobs ko, ligtas na raw ako.

Matarik ang hagdanan pababa. Mataas ang ceiling ng buong garahe. Tipong ang daming spider web sa kisame. Hindi namin masungkit sa sobrang taas. Dumikit na doon ang mga alikabok at gumagalaw—lumilikha ng anino sa rubberized flooring ng garahe kapag nasisinagan ng liwanag at umiihip ang hangin.

Puti ang pintura ng mga pader—dumidikit doon ang alikabok na hindi namin malinis. Sliding ang mataas na green iron gates. Kasing taas nito ang kisame ng garahe. Kailangan itong itulak para buksan at isara.

Apat na sasakyan lang ang nakaparada sa garahe. Gamit ni Papa ang Honda City.

Pagbaba ko ng hagdan, agad akong tumuloy sa cabinet ni Papa. Dito niya tinatago ang kaniyang toolbox. Malakas ang loob, pinatay ko ang switch ng ilaw at ginamit ang liwanag ng kaluluwa ni Maki para hanapin ang proper tools.

My lips parted slightly the moment his soul illuminated the dark garage with his soft silver glow.

Tumikhim si Maki at nag-iwas ng tingin. "Jaira, focus. Maghanap ka ng pliers."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kumurap-kurap ako at bumalik sa katinuan.

"Right. Pliers." Kinalakal ko ang tool box at hindi mahirap hanapin ang kinakalawang na pliers. Hinawakan ko itong maigi at binukas sara.

"Shit," mura ni Maki, "Ang taba ng bunganga. Subukan mong ipasok 'yan sa punseras hanggang sa dulo ng pliers. Ipitin mo, tignan mo kung mababali."

"Okay po, sir!" Binukaka ko ang plies, sinubukan ipasok ang isang bunganga sa pagitan ng punseras at balat ko.

"Aray!" sigaw naming dalawa ni Maki matapos kong ipilit na isiksik ang plies sa pagitan.

"It hurts your skin, Jaja. Get it out!"

Binitiwan ko ang pliers at napalunok. Maliit ang espasyo sa pagitan. Sinubukan kong isulot ang pinky finger ko. Kasya pero ipit.

"Okay, plies doesn't work," sabi ni Maki, "Sinubukan mo na din siyang padulasin kanina sa bathroom gamit ang liquid hand soap. Hindi pa rin gumana kasi masyadong masikip."

Kinuha ko ang maliit na lagare. "Ito kaya?"

"Wag. Baka mahiwa ang kamay mo."

"We have to exhaust all methods!" pinwesto ko ang lagare. Inuwang ko ang gintong punseras.

Aztec geometrical lines ang disenyo ng punseras na binigay sa akin ni Lolo Pepe. Suot pa din ni Maki ang gintong punseras. Kinokonekta ng isang transparent link chains ang punseras naming dalawa—katulad ng posas. But just like his soul, the bracelet and link chains looked like a transparent crystal water. Hindi ko sila mahawakan. Tumatagos si Maki sa lahat ng mga solid na bagay. Kayang-kaya niyang lumutang na parang usok. Pero ang link chains ang hindi niya matakasan. Kinakabit siya nito sa katawan ko.

"Teka!" awat ni Maki, "Marunong ka bang gumamit ng lagare? Magpractice ka kaya muna?"

"Ano ba kayo, sir? Anak ako ng dalawang arkitekto. Malamang, marunong ako gumamit ng lagare." Inuwang ko ang gintong punseras at pinwesto ang lagare. Kiniskis ko ang blade sa ginto.

Tumahimik lang si Maki.

"Gumagana!" sigaw ko matapos makita ang gasgas. Ganado, kiniskis ko pa ang lagare sa ginto, maingat na hindi sasayad ang blade sa balat ko. Isang pihit ko pa sa lagare, may umalsang kirot kasabay nang malakas na tibok na sumasabay sa tibok ng puso ko.

"Aw!" sigaw naming dalawa.

Pinilit ko pa ang lagare sa ginto at lumalim ang kirot, parang sarili kong kamay ang aking hinihiwa.

"Enough! Enough!" sigaw ni Maki.

Nabitiwan ko ang lagare at bumagsak ito sa sahig. Kinapa ko ang ginto. Guni-guni ko lang ba...?

"I feel it too, Jaja. The gold has its own heartbeat, mirroring your heart's." Unti-onting nawala ang gasgas sa ginto na parang may sarili itong mekanismo: kusang naghilom at tuluyang nawala ang kirot.

Nagkatinginan kami ni Maki.

Dulo ng kuko at buhok ang mga pwedeng gupitin sa katawan at wala tayong mararamdaman. Sinubukan kong hiwain ang ginto, at para kong hiniwa ang sarili kong buto. It wasn't just a gold—the precious metal on Earth. The jewelry became a part of my body. Cutting it would mean cutting my own flesh and blood. 

Cage My SpiritWhere stories live. Discover now