Nandito sa roof deck ang vegetable garden at laundry area ng aming bahay. Nakadirekta sa mukha ko ang araw na lulubog na sa Manila Bay. Kinokokontra ng sariwang hangin galing sa aming mga halaman ang usok at carbon monoxide dito sa Nieto Street, Paco, Maynila kung saan kami nakatira.

Nilampasan ko ang wooden fence gate at tumambad sa akin ang sinag ng papalubog na araw, nagkalat sa buong deck. May konting bubong ang entrance ng roof deck at nandoon ang washine machine at sampayan ni Mama. Paglagpas sa bubong, open na area at nakababad sa ilalim ng kalangitan ang mga gulay at bulaklak.

Mayroon kaming tanim na lettuce, pechay, kamatis, talong, at kung anu-ano pang gulay na nasa kanta ng Bahay Kubo. Lumampas ako sa bubong at naamoy ko ang bulaklak ng kalamansi at lemon. Gumaan kaagad ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang green water hose at pinihit pabukas ang gripo.

Sa street namin, ang bahay namin ang isa sa pinakamataas. Kahit pa harangan ng mga building sa Roxas Boulevard, kita pa din ang glint ng sunset sa Manila Bay. Maliit na portion nga lang. Pero sapat na ito para uminit ang puso ko.

Diniligan ko ang mga paso ng halaman, umaasa na sa pag-agos ng tubig, aagos din ang takot palabas ng damdamin ko.

Bakit sa lahat ng bibigyan ni Lord ng third eye, sa mga katulad ko pa na scream queen? Sisigaw ako kahit pa borotic, fake, at corny ang effects ng isang underbugdet thriller movie. Kasi matatakutin ako. Hindi naman ako katulad ni Juno, Jiro, at Jenny na malakas ang loob. Kayang i-marathon sa gabi (walang ilaw) ang The Conjuring Trilogy. Unang beses kong napanood ang music video ni Michael Jackson na Thriller, umiyak ako.

"I am so sorry," sabi ng boses lalaki, "Please... please... please..."

Nanikip ang dibdib ko.

"I'm not gonna hurt you, Jaja. And it's not only because I cannot but because I will not. The last thing I want to do is to make you cry. Please, don't be afraid. Sa totoo lang, mas natatakot ako kaysa sa 'yo."

Nabitiwan ko ang hose at umagos ang tubig sa sahig. Yumanig ang kamay ko sa takot.

"Ch-Chua Ma Qui?"

"I was baptized as a Roman Catholic. But I chose to be an atheist until five minutes ago. To be honest, nagdasal din ako ng rosaryo kasama ang nanay at kapatid mo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sa tingin ko..."

Napalunok ako.

"Humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko."

Suminghap ako.

"The gold chains we are both wearing shrunk and became our hand cuffs, Jaja. My soul is tied to you."

Awtomatikong dumiretso ang paningin ko sa gintong punseras na suot ko. Lumiit ito simula kaninang umaga at sinubukan kong padulasin gamit ang liquid hand soap. Walang ubra. Ayaw maalis.

"So how about this?" tanong ni Chua Ma Qui, "You have a living body, and I am just a fleeting soul. I feel bad about you, but I have every reason to be more afraid. I left my body sleeping."

The sun went down, coloring the sky with orange and purple colors. The stars began to glint, and so did the moon witn its paper thin light. Walang masama sa dilim. Kapag nagpahinga ang araw, doon makikita ang mga bagay na sinasapawan niya. Kabilang na doon ang buwan, sattelites, constellations, planets, stars...at ang kaluluwa ni Chua Ma Qui.

Sa mismong segundo na binalot ng kadilim ang hardin, tumigil ako sa paghinga matapos kuminang ang kaluluwa niya sa tabi ko.

Ang kaniyang buhok na bumabagsak sa kaniyang noo, ang bilog na mga mata, ang maliit pero matangos na ilong, makapal pero manipis na mga labi, ang kaniyang mga tainga, mataas na cheekbones... Kung ano ang suot niya noong huling beses ko siyang makita, iyon pa din ang suot niya ngayon.

Magkatabi ang kanan kong kamay sa kaniyang kaliwang kamay, ginagapos ng gintong mga punseras.

Hindi siya buong imahe. Kita ko sa kabuuan niya ang maliit na puno ng bayabas na nasa kaniyang likod. Yumayanig, inangat ko ang kamay para hawakan ang kaniyang pisngi. Tulad ng usok na binuwag, nasira ang imahe niya at nabuo ulit. Inangat niya ang kamay at walang alinlangan na hinawakan ako sa pisngi. Di tulad ng sabi sa pelikula, wala akong naramdamang malamig matapos tumagos sa mukha ko ang haplos niya.

"Jaja?" tawag ni Mama. Umakyat siya sa roofdeck at binuksan ang outdoor lights. "Bumaba ka na. Malamok."

Sa sandaling bumukas ang mga ilaw, naglaho ang kaluluwa ni Maki Reyes sa aking paningin. Sinapawan ng mga ilaw na tumama sa berdeng dahon ng mga gulay at puno.

Nakagapos ang aming mga kamay. Kasama ko siya buong araw. Pero hindi namin mahahawakan ang isa't-isa.

"Call me Maki Reyes from now on," sabi niya, "Like it or not, I will be your best friend starting now."

Kumabog nang malakas ang puso ko. 

Cage My SpiritOnde histórias criam vida. Descubra agora