......

Lalo akong natakot kasi hindi siya nagsalita. Malaking assets ang aking boobs. Di ako inosente na walang ideya sa iniisip ng mga lalaki kapag tumitingin sa akin. Kung walang epekto sa kaniya, siya ang may problema. Paano kung totoong bakla siya? Ako ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko sa sahig. Nahuli ko si Deedee na ngumiwi.

"Miss Jaja?" namulsa si Chua Ma Qui, "Takot ka ba sa akin? Galit ka ba matapos mong makita ang nangyari sa food court kanina?"

Tumabingi ang ulo ko sa narinig.

"Sagot," utos niya.

Hindi niya magugustuhan ang sagot ko. Ako ang susunod niyang ihahagis sa trash can kapag sumagot ako. Bumuga ng hangin si Chua Ma Qui at umatras. Suot pa din niya ang golden bracelet ni Lolo Pepe at natutukso akong patayin siya sa sindak.

"Fine," sabi niya, "I'm not gonna come here tomorrow. Pay me next month." Iyon lang at tumalikod na siya. Umalis si Deedee sa dadaanan niya at tuluyan na siyang lumabas ng tindahan ko.

Literal na bumagsak ako sa upuan ng cashier, tunaw na tunaw na parang ice cream. Pinagpawisan ako sa init.

"Akala ko ba limang buwan akong hindi magbabayad ng renta pag ngumiti ako sa kaniya?"

"Gusto mong subukan?" tanong ni Deedee, "Wag kang magbayad ng renta ulit sa susunod na buwan."

"Hashtag Never Again." Sumimangot ako. Tumayo na ako at kinuha ang first aid kit sa ilalim ng counter. "Magsasara muna ako sandali. Kakain lang ako ng meryenda sa bakery."

"Okay."

"Sisilipin ko pati si Lolo Pepe. Baka tumaas ang blood pressure niya dahil sa nangyari."

Nirolyo ni Deedee ang mga mata. "Iyan ka na naman kay Lolo Pepe. Tinatakot mo na naman ako. Bahala ka nga. Sige. Enjoy. Wag ka na magsara. Babantayan ko tindahan mo. Kapag kumain na ako mamaya, ikaw naman mag bantay ng tindahan ko."

Ngumiti ako. "Okay. Salamat, Deedee!" Lumabas na ako.

Nandoon ang Tsekwa sa katabing tindahan. Tinignan ko siya habang pababa ako ng hagdan. Lumingon siya sa gawi ko na parang alam niya kung sino ang tumitingin sa kaniya. Ang mokong... Hindi man lang nag-iwas ng tingin hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko, sinundan ako ng eye contact hanggang sa pagbaba.

Dumiretso ako sa food court. Umupo ako sa harap ng bakery. Ngumiti ako nang malungkot kay Lolo.

"O, bakit ganiyan ang mukha mo? Sinigawan ka din ba ni Chua Ma Qui?"

Lumabi ako at umiling. "Maluwag siya sa mga katulad namin ni Deedee. Bata pa kompara sa inyo."

Kumuha ng pande coco si Lolo Pepe, dalawa. Alam niyang bababa na ako sa bakery ng ganitong oras kaya nagtimpla na siya ng kape. Lumabas siya ng bakery at umupo sa tabi ko.

"Salamat, Lo! Akin na braso niyo. Kukunan ko kayo ng blood pressure."

"Wag na," iritableng sabi niya, "Ayos lang ako. Sanay na ko sa lalaking iyon. Amin na 'yang kamay mo. Patingin ako."

Ngumiti ako. Heto na naman po kami. Isa 'to sa mga sideline ni Lolo—palm reading. Talo pa niya ang Lola sa labas ng Quiapo na may hawak na tarot cards. Wag ko daw 'to tatawagin na hula kasi totoo daw ang pinagsasabi niya. Diyos daw ang lumikha ng linya sa mga palad ng tao, and blah...blah...blah...

But since his day was ruined, I didn't want to destroy it any further. I gave him both my palms.

Kumunot ang noo niya at sinipat-sipat ang linya sa mga kamay ko.

"Lo, mahal kita. Alam mo 'yan. Pero sana wag naman tungkol sa love life ko ang prediksiyon mo ngayon. Sawa na ako. Pwedeng tungkol naman sa career? Babangon ba ako at dudurugin si Chua Ma Qui?"

Cage My SpiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon