"Tignan mo nga, o!" singhal ni Jenny, "Ang laki ng boobs mo! Pinagkasya mo diyan sa bestida kong masikip! Luluwang ang tela. Kabibili ko lang niyan!"

Sa aming dalawa, si Jenny ang may sense of fashion. Pwede niyang suotin kahit anong cute at revealing outfits kasi walang revealing sa katawan niya. Hindi katulad namin ni Deedee. Pumuslit ako sa kwarto ni Jenny kanina para maghagilap ng outfit. Aba! Bagong bili pala ang nakuha ko sa walk-in closet niya. Branded pa.

Importante ang araw na 'to. Kailangan maganda ako.

"Hahaha!" tawa ni Deedee, "Hello, Jenny! Congratulations! Rinig ko tanggap ka na daw sa airline! Kailan ang simula ng training mo bilang flight attendant?"

"Thanks, Ate Deedee," umusok ang ilong ni bunso, "Next week ang simula ng training ko sa Beneventi Airline. At suot ni Ate Jaira ang planned attire ko!!! Kita pa ang cleavage niya! Hoy, paano ka nakalabas ng bahay na ganiyan ang suot mo? Kakalbuhin ka ni Mama."

Parehas kami ng best friend ko. Malaki ang dede namin ni Deedee. Ewan ko lang sa kaniya, pero authentic ang boobs ko. Tatalbog sila 'pag tumakbo ako sa Palawan Beach suot ang two-piece swim suit.

"Shhh! Aahitin ko 'yang kilay mo pag umawit ka kay Mama at Papa," babala ko, "Kailangan ko lang talaga."

Ngumiwi si Deedee, "Hayaan mo na ang Ate Jaja mo. Pupunta ngayon ang Tsekwa na may-ari ng 156 Shopping Mall. Araw ng singil sa renta."

Kinuha ko ang paboritong items ni Jenny sa tindahan ko. Nagbebenta ako ng Korean beauty products. Galing pang Korea ang supply ko. Kahit pa Divisoria ito, katulad ng aking boobs, authentic ang aking paninda. Favourite ni Jenny ang ivory BB cream, red matte lip stick, aloe vera gel, at volcano ash mud pack. Kahit kapatid ko siya, walang libre-libre. Money was thicker than blood. Pero dahil kailangan ko hiramin ang damit niya...

"O, ito! Libre na. Tumahik lang ang kaluluwa mo," nilagay ko ang mga paboritong beauty products ni Jenny sa paper bag at inabot sa kaniya, "Darating ang Tsekwa sa Divisoria. Ang pinsan mong si Teresa, naku! Ewan ko kung anong oras siya dadating kasama ang pera pambayad ng renta."

"So you're like gonna seduce the building owner with your boobies?!" tumaas ang kilay ni Jenny, "My God!"

Kasosyo ko sa negosyo ang pinsan kong si Teresa. MWF ako nagbabantay sa pwesto, TThS naman siya. Sarado kami pag Sunday. Pahinga. Umutang ng pera si Teresa sa tindahan namin para bayaran ang tuition fee ng mga anak niya.

"Are you insane?!" asik ni Jenny, "Bakla si Chua Ma Qui! Totoo! May relasyon sila ng driver niya!"

"Isa ka pa," sabat ni Deedee, "Chismis lang 'yan. Gawa-gawa ng mga tenant na walang pambayad sa renta at madalas pagalitan ni Tsekwa."

"Whatever," kinuha ni Jenny ang paper bag. "Akin na 'to, ha? Walang balikan! Good luck sa cleavage mo. My radar sensed him waving the rainbow flag. He's super gay." Iyon lang at umalis na si Jenny.

"Ang bitter ng kapatid mo," sabi ni Deedee, "Sariwa pa ang sugat sa ego niya."

Tumawa na lang ako. Flight attendant material si Jenny. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila sa kursong Tourism. Nag-intern siya sa Seoul, South Korea bilang flight attendant sa loob ng isa at kalahating buwan. Five feet four inches height, maputi, at sa sukat ng katawan niya, kaya niyang sumiksik sa economy cabin para maglagay ng luggage sa overhead compartment. Kaso hindi pa rin sapat ang kamandag niya para pansinin ng mailap na Tsekwa. Nasaktan ang ego ng kapatid ko sa tuwing dinededma ni Chua Ma Qui ang kaniyang beautiful eyes. Tinawag pa niya ang Tsekwa gamit ang Filipino name nito na Maki Reyes. Parang multo ang kapatid ko at walang third eye si Chua Ma Qui kaya dedma.

Totoo pala 'yon. Ang mga Chinese, Japanese, at Koreans, kapag naging Filipino Citizens at gustong magtayo ng malaking negosyo, gagamit sila ng Filipino name para iwas aberya ang application nila ng administrative services sa government offices.

Cage My Spiritحيث تعيش القصص. اكتشف الآن