Kabanata Tres

Começar do início
                                    

Tumawa siya, "Hindi ko talaga maimagine yung itsura ng kambing na may bangs na yan,"

Hindi ako natawa. Iba pala kasi yung pakiramdam na maka upo sa lap ni Zeus. Parang chicken ang dating. Heaven.

"M-magbihis ka na," Sabi ko

Tatayo na sana ako pero bigla niya akong niyakap, "Tinatamad ako. Pwede bang mamaya na?"

"Pero magagalit si Ate Kath,"

"Di ba manager mo din siya? Siya yung nag bibigay ng mga photoshoots mo?"

"Pano mo alam?"

"Sabi na ikaw yun."

"Ha? Saan?"

Bigla siyang tumayo kaya nahulog ako sa lapag. Napaka bastos!

"Sige magbibihis na ako," Sabi niya sabay hubad

Nanlaki yung mata ko. Grabe. Alam ko dapat sa mga oras na to malamig dahil umuulan pero ngayon, bakit ang init?

Bakit hindi iinit? Yung lalaking nasa harap ko, may six packed abs lang naman. Uwaa. Hindi halata sa katawan niya pero ang gwapo ng buong pagkatao niya

Wait, what?! Gwapo ng buong pagkatao? grabe. Iba na talaga ako mag describe ng tao ngayon. Kulang na lang maging alien siya sa paningin ko.

Naramdaman ko na lang nang bigla niyang isara yung bibig ko, "Do not let anyone else see you jaw dropped like that. Baka akalain nila, in love na in love ka sa akin. Which is really true," Sabi niya sabay kindat

Napatayo ako, "Alam mo. Totoo nga sigurong crush kita. Oo. Inaamin ko naman yun at lahat naman ng tao sa school alam yun. Pero wag kang masyadong kampante sa sarili mo. Dahil crush lang to. Madaling mag move on. Tandaan mo yan."

Sinabayan ko ng alis yung speech ko. Oo nga, crush ko siya pero hanggang dun lang yun. Sa yabang at nakakapikon na ugali niya? Baka nga bukas makalawa pag sinabi kong ayaw ko na sa kanya ay hindi ko pansinin ang hangin na dating niya.

Hinanap ko na agad yung make up artist niya at pinapunta dun sa dressing room niya. Ayoko na muna siyang makita. Napaka antipatiko niya.

Aish. Okay lang kahit hindi ko nakikita yung abs niya. Madaling mainilip. Charot lang.

Hay. Minsan talaga, nangingibabaw ang ugali ng isang taong gwapo. Kahit ang gwapo gwapo niya at ang bango bango niya, nakakainis pa rin pag nagya yabang siya.

"Macey, anong ginagawa mo dyan?"

"Ah wala ate Kath."

"Okay ka lang ba? Sorry ha. Dapat hindi na ikaw kinuha ko dahil model na kita eh. Pero kasi ikaw ang unang pumasok sa ulo ko."

"Okay lang yun ate." Medyo natawa pa ako ng konti

Naupo siya sa tabi ko habang minamasahe yung ulo niya

"Okay ka lang ate?"

Umiling siya.

"Problema?"

"Wala naman. Ang tagal lang ni Helga."

"Bakit kasi si Helga? Bakit hindi si Kisses?"

"May issue pa si Kisses kaya hindi na muna siya pwede lumabas sa mga print ads. Isa pa, mature yung photoshoot ngayon,"

"Ah," Sabi ko sabay nod. Kaya pala.

"Manager Kath, unahin na natin si Zeus habang wala pa si Helga,"

Tumayo na si Ate Kath, "Sige." Humarap siya sakin, "Mace paki kuha na si Zeus. Take na tayo in in one minute,"

Nag nod ako saka bumalik sa dressing room ni Zeus

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora