Epilogue

1.7K 56 0
                                    

*5 years later*

Skye's POV.

                       Pumunta si Kyle sa bahay dala ang dalawang anak nila ni Scarlett at kinausap niya kami nila Mom and Dad maliban kay Scarlett.

"Uh... Mom, Dad... Bayaw." tawag niya samin at tumingin naman kami sa kaniya.

"Gusto ko po sanang mag propose ulit kay Scarlett e."

"Talaga???" excited na sabi ni Mom.

"Opo... Uhm, gusto ko po sanang magpatulong e." dagdag niya pa.

"Sure!" masayang sabi Dad.

"May plano na po ako kung anong gagawin at saan gaganapin."

"So, sa anong paraan mo gustong magpatulong?" tanong ko.

"Gusto ko po sana na magdahilan kayo na nawawala ang mga bata kapag pumunta kayo sa mall, pero ang totoo... Pakana lang yun at dumiretso po kayo sa address na ibibigay ko."

"Pano yun gagana?" tanong ko ulit.

"Uhm... Ganito, kapag pumunta po kayo sa mall kasama ng mga anak namin, tumawag po kayo matapos ang isang oras at sabihing nawawala ang mga bata. Tapos sasabihin ko kay Scarlett then pupunta kayo sa address na ibibigay ko. At doon na magsisimula ang plano ko. Ako nang bahala kay Scarlett." paliwanag ni Kyle.

"Oh... I see." sabi ko.

"Interesting..." nakangiting sabi ni Dad.

"Uhm... Mom, Dad." tawag ko sa kanila. Tumingin naman sila sakin at ngumiti ako ng malaki.

"May balak din po sana ako e." tumingin ako sa mata ni Dad at mukhang naintindihan niya naman.

"Don't tell me... May balak ka ring mag propose kay Raine." nakangiting sabi ni Dad. Napangiti naman ako ng malaki at nanatiling nakatingin sa kanila.

"Is that real, son?!" excited na tanong ni Mom.

"Yes Mom." agad na sagot ko. Actually, matagal ko nang balak na mag propose kay Raine pero hindi ko alam kung paano at kailan.

"Gusto ko po sanang makisabay sa proposal ni bayaw." sabi ko at tumingin kay Kyle.

"Okay lang ba yun, Kyle?" tanong ko.

"Oo naman!" sagot niya.

"Pero, patingin muna ng lugar kung saan ka magpo-propose."

"Sure. Tara, puntahan na natin ngayon." sabi niya at tumango naman ako.

"So pa'no Mom, Dad. Alis na po muna kami." paalam ko.

"Okay." sabi ni Mom.

"Hm. Mag-iingat kayo." sabi naman ni Dad. Tinanguan nalang namin siya bago sumakay sa kotse ni Kyle. Nagsimula na siyang mag drive papunta doon.

"Kailan mo pa binalak mag propose?" tanong niya.

"Uhm, actually matagal na... Pero hindi ko alam kung paano at kailan. Since, nabanggit mo samin na balak mong mag propose ulit sa kapatid ko. Doon ko na naisip na makisabay sayo. Hahaha!" sagot ko.

"Haha! I see... Let's go. Pasok tayo sa loob." tinignan ko ang kabuuan ng pinuntahan namin, abandonadong gusali???

"Bakit dito mo naisipang gawin?" takang tanong ko.

"*chuckle* Don't judge a book by its cover. Makikita mo rin yung sa loob. Mamamangha ka," sabi niya at sumunod naman ako sa kaniya, binuksan niya ang isang pinto at nilibot ko ang kabuuan ng kuwarto na yon.

Torpe [EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя