Chapter 20

1.4K 46 3
                                    

Gael(Skye's Father)'s POV.

                        Pagkadating namin sa ospital nakita ko kaagad si Raine sa labas. Bakas sa itsura niya ang pag-aalala.

                         Agad kaming bumaba at nilagay si Skye sa stretcher papunta sa E.R

"Tito, ano pong nangyari?! Bakit po siya nabaril?!" nag-aalalang tanong ni Raine.

"Hindi ko pa alam ang buong pangyayari, pero sabi niya kinuha daw ang Mommy at kapatid niya." sagot ko. Hindi na siya sumagot at tumingin siya kay Skye.

"Kai..." hinawakan niya ang kamay ni Skye.

"Kai... Wag kang bibitaw! Nandito ako, nandito kami! Lumaban ka!" pumatak ang luha sa mata ni Raine.

"R-Raine..."

"Kai, wag ka na magsalita. Ipunin mo yung lakas mo."

"M-Mahal... K-Kita..." sabi ni Skye habang hawak ang kamay ni Raine. Napahagulgol si Raine.

"Mahal din kita, Kai." nakita kong napangiti pa ng bahagya si Skye bago tuluyang ipasok sa E.R

"Sir, Ma'am. Hanggang dito nalang po kayo. Bawal po kayo sa loob." sinarado na nila ang pinto ng E.R

"Raine! Anak!" si Victor.

"Pa..." humahagulgol na sabi ni Raine, niyakap siya ni Victor.

"Kamusta si Skye?" tanong sakin ni Victor.

"K-Kapapasok niya palang sa E.R."

"Ano bang nangyari?"

"Nabaril siya... Tapos yung mag-ina ko, nakuha."

"Ano?!"

"H-Hindi ko pwedeng iwan si Skye dito... Kailangan niya ko."

"Makakayanan niya yan. Okay? Be strong..." tumango ako. Bumaling naman siya kay Raine.

"Raine, are you okay?"

"No, Pa. Hindi ako okay hangga't hindi ayos si Kai." umiiyak pa ring sabi ni Raine.

"Don't worry... He'll be alright."

                       Lumipas ang mga oras at lumabas din ang doctor.

"Sino ang magulang ng pasyente?" agad naman akong lumapit sa doktor. Naramdaman ko ring lumapit sila Raine at Victor.

"Success ang naging operasyon. Stable na ang pasyente."

"T-Talaga doc? Wala po bang na damage sa natamaan ng bala?" tanong ko.

"Wala naman po. Maya-maya lang po ay ililipat siya ng room at pwede niyo na po siyang makita. Yun lang po, may iba pa po akong pasyente so excuse me."

"S-Sige po doc, salamat." tinanguan niya lang ako at umalis na.

"Haaayyy salamat naman." nakahinga kami ng maluwag sa sinabi ng doktor.

Landwayne's POV.

                             Busy akong nanonood ng tv ng biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?" sagot ko.

("Hello, my dear cousin.")

"April... What do you want?"

("Hm... I need your help.")

"Need my help? For what?"

("Pumunta ka sa bahay nila Scarlett.")

"Ha?"

("Si Scarlett ay kapatid ni Skye. Kilala mo naman si Skye diba?")

"Hm."

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now