Chapter 13

1.4K 47 2
                                    

Raine's POV.

Nagpatuloy ang party, pero bigla akong hinatak ni Landwayne sa garden ng venue. Umupo kami sa gazebo.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kaniya.

"Honey... Happy monthsary." nginitian niya ko at niyakap.

"Happy monthsary." niyakap ko rin siya pabalik.

"Honey..."

"Hm?"

"I want this to be my gift."

"Ha? This? Anong this?" bumitaw siya sa yakap at bigla niya nalang akong hinalikan. Hindi ko alam ang gagawin dahil pakiramdam ko, iba ang pamamaraan niya ng halik.

"Landwayne." tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya tumitigil. Pababa na yung halik niya.

"Landwayne, ano ba?!" tinulak ko siya. Ngumisi siya sakin at lumapit ulit. Nagpupumiglas ako pero hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa likuran ko.

"Hmmm!!! Tulong!!!!" tumulo ang luha ko.

"Shut up." nanggigigil na sabi niya.

"Tulong!!!! Tulungan niyo ko!!!!!" sigaw ko.

"I said, shut up!" sinampal niya ko. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya sakin.

"Tulong--Mmmp!!! Mmmp!!!" napahagulgol na ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"I said... Shut the f*ck up!!!" napapikit ako sa biglang pagsigaw niya. Hindi ko akalain na may ganitong ugali pala si Landwayne.

"Hayop ka!"

*Boogsh!!!*

Napadilat ako nang maramdaman kong may humatak sakin.

Skye's POV.

Nakita kong hinatak ni Landwayne si Raine pero hindi ko alam kung saan niya dadalhin. Inaya ko si Summer na pumunta ng garden pero ayaw niya.

"Ako nalang pupunta." sabi ko.

"Ayy! Teka lang, Skye!" hinatak niya ko pabalik.

"Wag mo ko iwan dito, dito nalang tayo please."

"Ayoko na dito. Gusto kong magpahangin sa garden. Kung ayaw mong sumama, maiwan ka dito."

"Ahh--" magsasalita pa siya pero tinalikuran ko na siya. Naramdaman kong may kumapit sa braso ko kaya napatingin ako.

"Sama na ko." ngumiti si Summer sakin.

"Tignan mo, mapipilitan ka rin sumama." sabi ko at nginitian din siya.

Pero pagkapunta palang namin sa garden, may narinig akong sumisigaw.

"Tulong--Mmmp!!! Mmmp!!!"

"I said... Shut the f*ck up!!!" tumakbo ako palapit sa gazebo. At sinugod agad si Landwayne.

"Hayop ka!"

*Boogsh!!!*

"Skye!" sigaw ni Summer sakin pero diko pinakinggan. Hinatak ko papunta sakin si Raine, hinubad ko ang suot kong coat at ipinatong sa kaniya.

"Raine, tahan na... Wag ka na umiyak, okay?" tumango-tango siya. Binalikan ko si Landwayne na dahan-dahang tumatayo habang pinupunasan ang labi niyang pumutok dahil sa suntok ko.

Hinatak ko siya sa kuwelyo patayo.

"G*go ka! Balak mo pang gahasin si Raine! Wala kang respeto sa kaniya!" ngumisi lang siya sakin.

Torpe [EDITING]Onde histórias criam vida. Descubra agora