Chapter 11

1.5K 49 3
                                    

Skye's POV.

                 Pumunta kami ng bahay at nanood ng movie sa sala.

"Oh, nak... Okay na kayo?" tanong ni Mommy nung dumaan siya sa sala.

"Opo Mom." nginitian ako ni Mommy.

"Magpapahanda ako ng meryenda para sa inyo."

"Sige po, salamat." sabi ko.

                        Nang matapos kaming mag meryenda at manood, pumunta na kami sa carnival.

"Saan mo unang gustong sumakay?"

"Roller coaster!" excited na sabi niya.

"Okay." nginitian ko siya. Pumila na kami para bumili ng ticket.

                        Marami kaming sinakyan na rides. Pumunta kami sa bilihan ng cotton candy pagkababa namin sa ferris wheel.

"Manong, dalawa nga po." sabi ko.

"Eto," binayaran ko na pagkabigay samin ng cotton candy.

"Raine oh." binigay ko sa kaniya yung isa.

"Thanks. Doon naman tayo!" tinuro niya yung dart. Pumunta kami doon at nagbayad.

"Ako muna." sabi niya, tumango ako.

                   Marami kaming nilibot sa loob ng carnival, at nagpahinga kami sa isang bench na nandoon.

"Hayy! Nakakapagod." sabi niya habang nakangiti.

"Gusto mo ng ice cream?" sabi ko.

"Ha?"

"Ayun oh, bibili ako."

"Ah, o sige."

"Hintayin mo ko dito ah."

"Okay." tumayo na ko at pumunta sa nagtitinda ng ice cream.

"Kuya, dalawa pong cheese flavor. Nasa cone po." binigyan niya ko ng dalawang cheese flavored ice cream at binayaran ko na.

"Oh?" hindi ko pinansin yung nagsalita sa gilid ko. Pagkakuha ko ng sukli ko, babalik na sana ko pero nagsalita ulit yung nasa gilid ko.

"H-Hi Skye!" nilingon ko kung sino yung nagsalita. Kumunot ang noo ko, sino ba to?

"U-Uh... I'm Summer, yung nagpabigay ng letter." naalala ko na.

"Ah! Ikaw ba yun? *chuckle* Ang cute ng sulat mo." yumuko siya, namula ata.

"Anyway. Thank you sa love letter." nginitian ko siya at bumalik na sa bench na inuupuan ni Raine.

"Oh." binigay ko sa kaniya yung isa at doon ko na realize na tunaw na yung ice cream.

"Sino yung kinausap mo?"

"Nakita mo?"

"Oo."

"Ah, si Summer daw. Yung nagpabigay ng letter sayo."

"Ah siya ba."

"Oh, bakit biglang nag-iba ang awra mo?"

"Ha? Panong nag-iba?" tanong niya, nagkibit balikat nalang ako.

"Nevermind." sabi ko.

"Tara na, uwi na tayo." sabi ni Raine.

"Okay, hatid na kita."

"Ah hindi na, mag ta-taxi nalang ako. Baka magalit si Landwayne e."

"Ah ganun ba. Sige."

"Bye Kai, salamat. Nag enjoy ako. Ingat ka." nginitian niya ko bago kumaway.

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now