Chapter 12

1.4K 48 1
                                    

Skye's POV.

                       Kinabukasan, pumasok na ko sa School. Naabutan ko si Raine pero wala si Landwayne.

"Hindi kayo sabay ni Landwayne?" bungad na tanong ko pagkaupo ko sa upuan.

"Hm. Male-late daw kasi siya kaya pinauna na niya ko."

"Ah. Ayy! Ito na pala yung hiniram ko sa kapatid ko." binigay ko sa kaniya yung paper bag. Kinuha niya naman agad.

"Salamat."

"Sayo na daw yan. Sabi niya." natigilan siya at napatingin sakin.

"Talaga?"

"Hm."

"Naku, nakakahiya sa kaniya."

"Wag ka mahiya dun. Marami naman siyang ganyan e." tumango siya at ngumiti.

"Pakisabi, salamat." tumango ako.

"Makakarating."

                       Pumasok na yung teacher namin sa first subject kaya tumahimik na kaming lahat. Nagsimula na kaming magklase.

"Ayy siya nga pala class. Next week is Valentines day. May program tayo ng umaga sa quadrangle, mga 4-5 hours siguro gaganapin, then sa hapon wala nang pasok kasi 7 pm kailangan nasa venue na kayo para sa valentines party, maliwanag?"

"Yes sir." natapos na ang tatlong subject namin at recess na. Pumunta kami sa canteen ni Raine.

"Recess na, pero wala pa rin si Landwayne." nag aalalang sabi niya.

"Nag-aalala ka. Tawagan mo kaya."

"Ginawa ko na yan. Di naman sumasagot."

"Baka naman on the way na kaya hindi sinasagot."

"Hindi naman ganun yun e, kahit nag d-drive yun sasagutin at sasagutin niya parin."

"Hayaan mo na. Papasok din yun. Wag ka na mag-alala." tumango siya, pumila na kami para bumili ng pagkain.

                            Pagkatapos ay bumalik na kami sa room para sa dalawa pang subject bago ang lunch.

"Lunch na e. Wala pa rin siya, di yata papasok yun. Di man lang ako tinext." sabi niya. Nasa cafeteria na kami, kumakain.

"Mamaya mo na alalahanin yan, kumain ka muna."

"E hindi ko kasi maiwasan e."

"Hayy... Si Summer kaya? Hindi ko pa nakikita mula kanina yun ah."

"Bakit mo siya hinahanap?"

"May tatanungin lang kasi ako."

"Ano yun?"

"Kung saan kami banda magkikita sa venue. Kasi sigurado ako na malaki ang venue na kinuha ng school na to."

"Sa bagay..." nagpatuloy na kami sa pagkain.

                         Uwian, sabay kaming lumabas ng room ni Raine.

"Mag ta-taxi ka nalang?" ayokong mapahiya kaya yan nalang ang tinanong ko.

"Ah, oo. Sige, dito na ko dadaan." sabi niya, tinanguan ko nalang siya at dumiretso na sa parking lot.

                        Hindi ako pumasok ng umaga sa school, hindi ako interesado sa gagawin nilang program sa quadrangle. Naglibang nalang ako dito sa bahay habang hinihintay ang oras. Alam kong boring sa bahay, pero mas boring yung gagawin nilang program. Bitter na kung bitter pero... Ayoko talaga ng mga program na yan pagdating sa Valentines day.

                      Nagbabasa ako ng libro nang may biglang pumasok sa isip ko. 'Ano kayang itsura ni Raine mamaya? Bagay kaya sa kaniya yung damit?' at dahil sa naisip ko, bigla akong na excite pumunta ng party. Para na ngang sinisilihan yung pwet ko dito e.

                     Pagpatak ng alas siyete, nag drive na ko papunta ng venue. Nakausap ko na si Summer. Hihintayin niya raw ako sa labas ng venue.

                        Nag park na ko at bumaba mula sa kotse ko, inayos ko muna yung suit ko bago komportableng naglakad.

"Hi Skye." malawak ang ngiting bungad sakin ni Summer.

"Hi Summer, let's go?" kumapit siya sa braso ko at pumasok na kami sa loob. Naka red na dress gown siya na bumagay sa kaniya dahil sa maputi siya. Pero excited na kong makita kung anong itsura ni Raine.

                         Pumunta kami sa isang table at naupo na.

"Sabi na e, filipino time ang mangyayari." sabi ko.

"Okay na yun. At least maaga tayo at hindi pa VIP." sabi naman ni Summer.

"Yeah." kumuha kami ng wine at ininom habang nagku-kuwentuhan.

"Kai, ang aga niyo ah." napalingon ako sa nagsalita, alam kong si Raine yun kaya agad akong humarap sa kaniya.

                  Pero hindi ako nakagalaw dahil nakatitig lang ako sa kaniya. Light make up lang pero maganda na siya, at isa pa... Bumagay yung binigay sa kaniyang dress gown ni Scarlett.

"Wow~" bulalas ko.

"Kai, anong nangyari sayo?" inosenteng tanong niya.

"Ang ganda mo Raine." diretsong sabi ko na ikinatawa niya.

"Ito naman, masyado kang O.A. Lagi naman akong maganda ah."

"Yeah..." para akong tangang nakatitig lang sa kaniya. Feeling ko, mas nadagdagan ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Uhm, Honey... Let's go?" biglang sumingit si Landwayne kaya kunot-noo akong tumingin sa kaniya.

                       Namamalikmata ba ko? O nangyari talaga yun??? Nakita kong may sinabi si Landwayne kay Summer na tanging silang dalawa lang ang nakakaintindi. Ano yun???

                      Umupo na sila sa katabing table namin.

"Okay, quiet! Hello ladies and gentlemen, tonight..." hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng mc. Ang iniisip ko, ano ang sinabi ni Landwayne kay Summer? At ang ipinagtataka ko... Magkakilala sila? Saan? Paano? Kailan?

"Skye... Let's go?" aya ni Summer.

"H-Ha? Saan?" tanong ko.

"Ano ka ba, hindi ka nakikinig noh?"

"Sorry... May iniisip kasi ako, saan tayo pupunta?"

"Sa dance floor." sabi niya.

"Sasayaw agad?" natawa siya.

"Alam mo, ikaw. Wala yung utak mo dito sa party. Ang sabi ng mc, sasayaw daw muna para magising tayong lahat."

"Ganun? Dami nilang alam."

"Bakit parang badtrip ka?"

"Wala. Tara na." pumunta na kami sa dance floor at nagsimula nang sumayaw. Napatingin ako kila Landwayne at Raine. Nag focus ako ng tingin kay Landwayne. 'Siguraduhin mo lang na wala kang kalokohan na gagawin. Dahil kapag meron, hindi ko alam ang magagawa ko sayo.'

"Huy... Skye..." inalog ako ni Summer.

"Uh... Sorry, bakit?"

"Skye, ano bang nangyayari sayo?"

"Sorry, sorry... Uhm m-may sinasabi ka ba?" napakamot ako sa kilay ko.

"Nevermind. Balik na tayo sa table." tumango ako at bumalik na kami sa table.

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now