Chapter 1

3.8K 83 0
                                    

Skye's POV.

Breaktime namin ay nagpunta na ko ng cafeteria para bumili ng pagkain. Mag-isa lang ako at walang sinasamahan na grupo, nakikipag-usap naman ako pero hindi talaga ako sumasama dahil kadalasan ay lapitin ng babae ang mga kapwa-lalaki kong estudyante rito. Iwas na ko sa ganoon kaya mas okay sa akin na mag-isa lang ako. Tahimik din ang buhay.

Napansin ko na bagong linis na naman ang hagdan habang paakyat ako sa second floor upang bumalik sa classroom namin. At dahil bagong linis nga ang hagdan ay kailangan mag-ingat dahil madulas.

“Ahh!” mabilis kong sinalo ang babae na nadulas sa basang hagdanan. May hawak siyang libro at nagbabasa siya habang naglalakad pababa sa hagdan kaya siguro hindi niya napansin na basa. Paharap ko siyang nasalo kaya hinawakan ko ang bandang pwetan niya para hindi siya makitaan dahil batid kong tumaas ang palda niya. May kaigsian kasi ang palda nilang girls kaya kailangan kong agapan.

“Ahhh! Bitiwan mo ko, bastos ka!” nagpumiglas siya sa akin kaya binitawan ko rin siya agad. Umayos siya ng pagkakatayo at pinagpag ang suot na uniform. “Manyak ka! Bastos!” asik niya habang masamang nakatingin sa akin. Siya iyong ipinakilala ni Mrs. Brix sa amin kanina.

Kunot-noo naman akong tumugon. “Ha? Ako?”

“Oo, ikaw! Sino pa ba?” masungit niyang sagot.

Napaawang naman nang bahagya ang labi ko dahil sa akusasyon niya at bahagyang natawa dahil hindi ako makapaniwala na iyon pa ang igaganti niya.

“Miss, sandali lang, ah? Ako na nga itong nagmalasakit eh. Hindi ako manyak, bastos, or anything, okay? Maigsi ang palda ninyo, and I just helped you para hindi ka makitaan.” Depensa ko sa sarili ko.

I don’t know why am I even explaining to her, but, I want to clear my image.

Hindi na siya nagsalita pa at umirap na lang bago ako binangga sa balikat.

Tss!

Naiiling na lang akong nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan at hindi na siya pinansin pa. Hindi na nga siya nagpasalamat, hinusgahan pa ang pagkatao ko.

Dire-diretso na lang din akong pumasok sa room at agad na naupo sa upuan ko dahil anytime soon ay mag-start na rin ang next class namin.

Ilang minuto nga ang lumipas at dumating na rin si sir, kasunod niya iyong new classmate namin na nalimutan kong seatmate ko nga pala.

Ano na nga ulit ang pangalan nito? Raine?

Psh! Whatever! Ano namang pake ko?

Bumati na ang prof namin at after no’n ay nagsimula na rin siyang magklase. Tahimik kami at nagre-recite lang kung alam ang sagot sa itinatanong ni sir.

Uwian ay sumakay na ko sa kotse ko at nag-drive pauwi ng bahay. Pagkarating ko ay dumiretso na rin agad ako ng kuwarto ko at hinanap yung camera ko. Naroon kasi ang mga mahahalagang picture shots para sa documents. Kailangan ko nang asikasuhin ang pag-print at pagsasaayos ng documents dahil pasahan na sa isang araw.

Nang hindi ko makita sa kuwarto ko ang camera ay nagpasya ako na tignan iyon at hanapin sa kuwarto ng kapatid ko. Hiniram ko kay Mommy ang spare key ng kuwarto ni Scarlett at saka sinimulang halughugin ang kuwarto niya, ngunit wala rin akong nakita kaya bumalik na ulit ako sa kuwarto ko. Madalas niya kasing hiramin ang gamit ko na walang paalam kaya naghanap din ako sa kuwarto niya.

Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung saan ko ba nailagay ang camera ko. Hindi ko sigurado kung naiwan ko lang sa loob ng locker ko pero iche-check ko pa rin bukas.

Nagtungo na lang ako sa study table ko at kinuha ang bag upang gawin ang iba ko pang gawain sa school kaysa naman tumunganga lang ako rito buong magdamag kakaisip sa camera.

Torpe [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon