Chapter 14

1.5K 47 2
                                    

Skye's POV.

                          Hindi nagpumiglas si Raine. Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang siya naman ay nananatiling umiiyak.

"Ssshhhh..." sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ang likod niya, hindi siya kumikibo at nagsasalita. Tanging pag hikbi niya lang ang naririnig ko.

"Tara sa kotse." inalalayan ko siya papasok ng kotse at nag drive ako papunta sa pinakamalapit na park. Inalalayan ko rin siya sa pagbaba, baka kasi biglang matumba sa sobrang pag-iyak. Umupo kami sa isang bench.

                      Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang bumubuntong hininga. Pinupunasan niya yung luha niya, kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at binigay sa kaniya.

"Salamat." sabi niya pagkakuha sa panyo.

"I'm sorry." pagbasag ko sa katahimikan.

"Para saan?" tumingin siya sakin.

"Sa nagawa ko kanina." bumuntong hininga ako. Ngumiti siya sakin ng pilit.

"Okay lang yun. Salamat na rin." suminghot siya at pinunasan ang natirang luha sa mata niya. Nanahimik nalang ako.

"Akala ko talaga..." napatingin ako sa biglang pagsalita niya. Suminghot siya.

"Akala ko talaga sincere yung pagmamahal niya sakin... Yun kasi yung nakikita ko e." pinahid niya yung luha niya. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinayaan siyang magsalita.

"All this time, lokohan lang pala lahat ng yun." suminghot siya at humikbi. Hinawakan ko ang likod niya at hinaplos.

"Heto naman akong si tanga... Uto-uto." natawa siya ng bahagya.

"Minahal ko siya Kai e." tumingin siya sakin. Masakit sakin na makita siyang nasasaktan ng ganito, nasasaktan din ako.

"At hindi ko inaasahan yung ginawa niya kanina. Parang ibang tao yung kaharap ko... Pagpapanggap lang pala lahat ng pinakita niya sakin." naramdaman kong nanginginig yung balikat niya. Umiiyak nanaman siya.

"Sa tingin ko kailangan mo nang magpahinga." sabi ko sa kaniya.

"No, Kai. Gusto kong ilabas lahat ngayon. Kasi alam ko na mamaya, wala nakong makakausap para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Baka nga dumagdag pa si tita e." suminghot siya.

"Pero wala rin namang pakialam sakin yun... Pare-parehas lang sila, walang pakialam sa mararamdaman at nararamdaman ko." sabi niya at pinunasan yung luha niya.

"Buti nalang nandiyan ka, Kai." nginitian niya ko, yung totoong ngiti. Nginitian ko rin siya. Hinawakan ko ang baba niya at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"I'm always here for you."

"Salamat, Kai. Ikaw lang nakakaintindi sakin." yumuko ko siya.

"Tama nga ang kutob ko... Una palang iba na ang pakiramdam ko sa Summer na yun e." tumingin siya sa kawalan.

"Yung feeling na, ang bigat ng pakiramdam ko sa kaniya. At sa tuwing makikita ko siya... Kumukulo ang dugo ko." tumingin siya sakin.

"Kaya nga ayokong lumalapit sayo yun e." nginitian ko siya.

"Hayaan mo na sila. Sila rin naman ang magbabayad sa mga ginawa nilang panloloko't pananakit." hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang nakatakip sa maaliwalas niyang mukha.

"At ayoko nang nakikitang ganyan. Mas nasasaktan ako..." nakita ko ang tumulong luha sa mga mata niya, pumikit siya.

"Sorry Kai..." nangunot ang noo ko. Dumilat siya at tumingin sakin ng diretso.

"Sana, ikaw nalang pala ang minahal ko." niyakap ko siya.

"Sssshhhh... Tama na, hihilom din yang sugat sa puso mo. Basta nandito lang ako, di kita iiwan." sabi ko sa kaniya at hinaplos ang buhok niya.

                       Bumitaw na ko sa yakap at tumingin sa kaniya, napabuntong hininga nalang ako.

"You don't deserve him." sabi ko. Napatingin siya sakin.

"You deserve much better than him." napangiti siya at napatango.

"Sana lang mahanap ko na yung 'much better than him'."

"Nasa harapan mo na nga e." sandali siyang natigilan at maya-maya'y natawa.

"Oo nga." napangiti ako.

"Uhm... Gabi na oh. Hatid na kita sa inyo?"  tumango siya. Tumayo na kami at sumakay sa kotse.

                         Tahimik siya buong biyahe. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"Salamat sa lahat, Kai." nginitian niya ko.

"Ingat ka, good night. Bye!"

"Good night din." nginitian niya ko bago isara ang pinto ng kotse. Dumiretso na ko sa bahay namin.

"Son! What happened to your face?" nagulat ako nang biglang bumungad si Mommy.

"Wala lang po ito Mom. Bakit po gising pa kayo?"

"I'm worried about you. Kaya hinintay kitang makauwi. Anong nangyari diyan sa mukha mo? Teka, diyan ka lang. Gagamutin natin."

"Mom... Wag na po, matulog na po kayo. Ako na pong bahala dito."

"Sigurado ka?"

"Yes Mom. Salamat sa paghihintay." tumango siya.

"Okay. Sleep well, okay?" tinanguan ko siya.

"Good night, son." hinalikan niya ko sa pisngi.

"Good night, Mom." nauna na siyang umakyat sa taas.

                        Naupo muna ako sa sofa, para makapagpahinga.

                        Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina, hayop na Landwayne yon. Pasalamat siya hindi ko pa siya tinuluyan.

                       Umakyat na rin ako sa kuwarto ko at naligo. Pagkatapos ay humiga na ko sa kama ko.

                        Kinabukasan, kasabay kong mag-almusal sila Mom and Dad, sunod ding bumaba ang kapatid ko. Pero nagmadali ring umalis.

                        Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive papuntang school. Pagpasok ko sa room, nakita ko kaagad si Raine na nakadukmo. Umupo na ko sa tabi niya at tinapik siya sa balikat.

"Kai?" sabi niya pagkaangat ng ulo niya.

"Are you okay, now?" umiling siya. Napatingin ako sa upuan ni Landwayne. Wala pa ang hayop. Narinig kong suminghot si Raine kaya napatingin ako sa kaniya.

"Umiiyak ka nanaman." kalmado pero may halong pag-aalalang sabi ko. Umayos siya ng upo pero nanatili siyang nakayuko.

"Sorry..."

"Wag kang mag sorry, normal lang yan. Pero sana wag mo masyadong dibdibin. Nandito pa ko oh." tumingin siya sakin at ngumiti.

                      Dumating na ang teacher namin at nagsimula nang mag discuss.

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now