Chapter 9

1.5K 56 2
                                    

Raine's POV.

                         Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Landwayne. Dumiretso agad kami sa room, at naabutan ko si Kai na nakadukmo sa desk.

"Kai..." tawag ko sa kaniya pag-upo ko. Pero hindi niya ko nililingon.

"Kai." tawag ko ulit sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. Gumalaw siya pero hindi niya ko nilingon. Tinagilid niya lang yung ulo niya sa kabilang side at umusog ng konti, palayo sakin. Iniiwasan na niya ko😔

                          Kasalanan ko rin naman 'to e. Hayy... Sorry talaga Kai, napakabuti mong kaibigan sakin pero ito ang ginanti ko.

"Okay class, listen. May meeting kami ngayon so wala kayong klase ngayong first class, lahat ng teacher nandun sa meeting's room. May disiplina naman kayo kaya nagtitiwala akong walang mag-aaway sa inyo dito, okay?" paliwanag ni sir pagpasok palang ng pinto.

"Yes sir." sagot namin.

"Okay, maiwan ko na kayo." lumabas na siya ng room,

"Uhm, Wayne... Labas lang ako ah." paalam ko kay Landwayne.

"Saan ka pupunta?"

"Sa c.r lang,"

"Ah sige." lumabas na ko ng room at dumiretso sa c.r. Pumasok ako sa isang cubicle.

"Grabe, narinig mo yung sigawan nila Skye at Raine kahapon?"-girl 1.

"Oo, kawawa nga si Skye e. Sana ako nalang yung minahal niya."-girl 2.

"Ano ka ba! Bakit? Crush mo si Skye noh?"-girl 1.

"Oo, pero diko malapitan e, nahihiya ako."-girl 2.

"Hayy ang hina mo naman."-girl 1.

                      Lumabas na ko mula sa cubicle para maghugas ng kamay.

"Totoo bang crush mo si Kai--I mean si Skye?" tanong ko sa kanila.

"O_O R-Raine... Narinig mo lahat ng sinabi namin?" tanong ng isa kong kaklase.

"Obviously, oo. So ano, crush mo nga talaga?"

"Hm... O-oo, sorry." sagot niya.

"Bakit ka nag so-sorry? Crush lang naman diba? Walang problema sakin." nginitian ko sila bago ako lumabas ng C.R

                          Bumalik na ko sa room pero may babaeng pumigil sakin.

"Uh... Hi! What's your name?" tanong ng babae.

"Raine."

"Oh, hi Raine! I'm Summer... Uh, may gusto lang akong tanungin. Actually lagi akong dumadaan dito sa room niyo, diba seatmate mo yung hot guy na yun?" tinuro niya si Kai.

"Oo, bakit?"

"Anong name niya?"

"Skye."

"Sky? As in. S.K.Y?"

"Hindi. S.K.Y.E."

"Ah, okay. Uhm, pwede ba pakibigay sa kaniya to?" inabot niya sakin yung letter.

"Love letter?"

"Hm. Crush ko kasi siya e, pwede ba pakibigay? Please..."

"Okay."

"Salamat! Bye!" tumakbo na siya palayo. Pumasok na ko sa room at umupo na sa upuan ko.

                      Nakaupo na ng maayos si Kai, nagbabasa ng libro.

"May nagpapabigay sayo." nilapag ko sa desk niya yung letter at ako naman yung dumukmo.

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now