Chapter 16

1.4K 53 1
                                    

Skye's POV.

                        Kinabukasan, nagising ako dahil nakailang ring na yung cellphone ko. Kinapa ko sa bedside table yung phone ko at sinagot.

"Hello?" inaantok pang sagot ko.

("U-Uhm, Kai. S-Sorry... Nagising ba kita? E kasi tinatanong ka na sakin ni Papa kung nasaan ka na ba.") napadilat ako.

"Ha? Bakit? Anong oras na ba?"

("A-alas otso na. Kai, sorry pero kailangan mo nang pumunta.")

"Ha?! O-O sige, pakisabi sa kaniya na papunta na ko. Maliligo lang."

("O-O sige... Ingat ka ah.")

"Sige... Bye."

("Bye.") binaba ko na ang phone ko, bumaba ako saglit para mag almusal at umakyat ulit sa kuwarto ko para maligo.

                       After ng ilang minuto, nagbihis na ko at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na papunta sa bahay nila.

                       Bumaba na ko sa kotse at nag doorbell na.

"Uy, Kai..." bungad sakin ni Raine. At nagulat ako dahil bigla niya kong niyakap.

"Buti, dumating ka." sabi niya. Bumitaw na siya sa yakap.

"Hehe... Sorry, na late ba ko? Uhm, medyo malayo kasi 'tong bahay niyo sa bahay namin e. Sorry."

"Ano ka ba, okay lang. Halika na sa loob?" tinanguan ko siya. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa kanila at nagsisimula na rin akong kabahan... Relax lang Skye, you can do it. Okay? *inhale* *exhale*

"Anong ginagawa mo?" gulat akong napatingin kay Raine. Nakita ko siyang nakatingin sakin na natatawa.

"H-Ha?"

"Hahaha! Ano ka ba! Wag kang kabahan okay? Hindi naman sila nangangain e. Sabi ko sayo, mababait sila." tumango ako.

"O-Okay." nginitian niya ko kaya nginitian ko rin siya. Nakapasok na kami sa loob nila at nando'n sila naghihintay sa living room. O....kay... Relax....

"Uhm, tita... Papa, si Skye po. Yung kaibigan na kinukuwento ko. And, Kai... Si tita at si Papa." pagpapakilala niya. Buti hindi namamawis yung kamay ko kapag kinakabahan.

"Uhm, hello po... Good morning, sir... ma'am." sabi ko. Nag shake hands kami.

"Hello," sabi naman nila.

"Halika, tuloy tayo sa dining room. Nagpahanda kami." naglakad kami papunta doon at umupo sa dining table. Katabi ko si Raine.

"Naikwento ka samin ni Raine, nung gabing kinuha namin siya kila tita niya." panimula ng Papa niya kaya napatingin ako.

"Ah g-ganun po ba. Ano pong sinabi niya t-tungkol sakin?" shett! Nauutal ako,

"Marami siyang kinuwento samin... Salamat sa pagiging mabuting kaibigan mo sa anak ko."

"Uhm. W-Wala pong anuman, sir." natawa siya. Bakeettt???

"Tito at tita nalang itawag mo samin, masyado kang pormal." sabi ng papa niya.

"O-Opo. Tito..." tumingin ako kay Raine at nginitian niya ko, kaya nginitian ko rin siya.

"Naikuwento niya rin pala samin na... May gusto ka raw sa anak namin?" dO_Ob... Gulat akong napatingin kay tita.

"U-Uhm... O-opo." ano ba Skye! Ayusin mo nga yung pananalita mo! Nakakahiya ka, kalalaki mong tao! d>_<b

"Wala kang balak na ligawan siya?" dO_Ob at nagulat naman ako sa itinanong ni tito sakin. Hot seat ako, shett! d>_<b… napatingin ako kay Raine. Raine, tulungan mo ko...

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now