Prologue

9.5K 145 17
                                    

Skye's POV.

Simula pa lang noong high school ay marami na akong naranasan na rejections mula sa mga babaeng nagugustuhan ko, so ang ending, broken hearted ang kuya mo. Hindi ko nga alam kung bakit eh, guwapo naman ako at manang-mana ang kaguwapuhan ni Dad. Hindi rin ako pulang bandila, sa palagay ko nga ay berdeng-berde ako, pero rejected talaga lagi. Siguro that time mukha pa kong jejemon kaya gano'n?

Hay, ewan! Napapailing na lang ako kapag naaalala ko ang mga 'yon.

*Flashback*

•High school days•

~Grade 7~

Recess time namin ay lumabas ako ng room habang hinihintay na lumabas si Rachel, yung crush ko, magkatabi lang kasi ang room namin at balak kong ibigay ngayon ang love letter na ginawa ko para sa kaniya.

Maya-maya lang ay lumabas na siya ng classroom nila kaya naman patakbo akong lumapit sa kaniya habang suot ang matamis na ngiti sa aking labi.

"Uh... Rachel!" katamtaman lang ang lakas ng pagtawag ko sa pangalan niya dahil atensyon lang naman niya ang kailangan ko.

"Yes?"

Medyo nahihiya ko pang iniabot sa kaniya ang letter ngunit nilabanan ko, "Para sa'yo..."

Malawak naman siyang ngumiti pagkakuha ng letter mula sa akin. "Salamat!"

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha ngunit hindi ko iyon pinahalata, ngitian ko lang din siya pabalik at tumalikod na.

HAHA! One point!

Araw-araw akong naghihintay na sasagutin niya iyong letter na ibinigay ko ngunit walang dumarating, kaya naman naisipan ko na gumawa ulit ng isa pa. Pero noong araw na ibibigay ko na dapat sa kaniya ay nakita ko na may kasama siyang isang lalaki at mukha silang masaya.

"Uh... Rachel!" pagtawag ko sa kaniya nang malapit na nila akong maraanan.

"Oh, hi!" nakangiti niyang tugon kaya naman nawala ang angas ko.

"A-Ah... ako nga pala yung nagbigay sa'yo ng love letter 2 weeks ago. Eh... hinihintay ko kasi kung sasagutin mo eh, hehe. And uhm, sino nga pala iyang kasama mo?"

"Ah, oo ikaw nga! Sorry hindi ko na sinagot yung letter, magagalit kasi itong boyfriend ko eh." Tinignan ko ang kasama niya at agad din namang umiwas dahil masama ang tingin sa akin. "Anyway, mauna na kami." Tinanguan ko na lang siya at hinayaan na silang lumampas sa akin.

Nakasimangot akong muling pumasok ng room at pinunit ang letter na ginawa ko kagabi. Pinabanguhan ko pa man din 'yon galing sa ginagamit ni Dad.

At saka anong katwiran niya? Magagalit ang boyfriend niya kaya hindi na sinagot ang sulat ko? Eh bakit kasi tinanggap niya pa rin gayong may boyfriend na pala siya? Tss! Paasa!

~Grade 9~

Kasalukuyan akong nasa tapat ng gate dahil hinihintay ko si Grace, kaklase ko siya at may gusto ako sa kaniya. Hinihintay ko siya rito para sabay kaming pumasok sa loob patungo sa classroom namin.

"Good morning, Grace!" masayang bungad ko sa kaniya pagkaraan niya sa harap ko. Ngumiti naman siya sa akin na siyang bumuo sa araw ko.

Torpe [EDITING]Where stories live. Discover now