Chapter 24: Missing

291 51 0
                                    

Third person point of view.

"Madam I already give to her." Pahayag ng isang babae sa kausap nya.

Naka luhod ito bilang pag bigay galang at bahagya pang nanginginig-nginig ang kanyang kamay dahil sa mga ahas na pakalat kalat sa paligid,

"Magaling, magaling, magaling!" Papuri naman ng babaeng tinawag na 'Madam' nakaupo ito sa isang malaking upuan na napapalibutan ng mga ahas habang naka ngisi. "Mag padala ka ng tatlong tauhan upang dalhin sya sa ignicio." Humalakhak ang babae ng nakaka panindig balahibo.

"Madam, ipag paumanhin nyo po pero bakit hindi nalang natin sya ilagay sa inferno?" Pangahas na tanong ng babaeng nakaluhod.

"Bobo! Mas magandang makipag laro pag hindi kilala ang kalaban!" Angil naman ng kanyang 'Madam'

Napatungo ang babae at hindi na muling nag salita dahil sa takot nitong muling ma angilan.

"Oh ano pang hinihintay mo dito? Lumayas ka sa harapan ko at dalhin nyo na sya! Pamihadong tulog na yon." Muli na naman itong humalakhak ng mala demonyo samantalang ang mga ahas naman na naka palibot sa kanya ay nag labasan ang mga pangil na para bang handa ng mangakat.

"The teasing game is begin." Turan nito sa isip.

Sa takot ng babae, kumaripas na sya ng takbo papalayo upang kausapin ang mga sinabing tauhan ng kanyang 'Madam'

-

-

"Ma'am hindi ba talaga pwedeng bumalik na ulit kami doon?" Tanong ni Miko sa gurong nasa sasakyan nila.

Simula kanina nung umalis sila sa silid na pinag lalagyan kay Mia, hindi na sila natigil sa pangungulit sa gurong sumundo sa kanila.

"Paulit-ulit ko na yang sinagot Miko!" Asar na sagot naman sa kanya ni Jainar.

"Pero ma'am gusto pa namin syang makasama!" Pangungulit din ni Milo.

"Hindi paba sapat yung isang araw na sinamahan nyo sya?"

"HINDI" Sabay sabay na sagot ng mga babae.

Sama-sama kasi ang Royalties sa iisang sasakyan kaya naman kahit sikip na pinag siksikan nila ang mga sarili nila kaya mukha silang mga sardinas.

"Hay nako, tigilan nyo ko!" Malakas din na sagot sa kanila ni Jainar.

"Ma'am alam nyo ba ang ganda-ganda nyo ngayon." Nag simula na si Klosh sa pambobola.

"Ay pare napansin mo din pala?" Pag patol naman ni Zinco dito.

"Oo e. Kanina ko pa nga pinag mamasdan si ma'am akala ko anghel na pinadala sa lupa." Gatol naman nito.

"Nako ako tigil-tigilan nyo sa kaka ganan nyo ha! Hindi yan uubra sakin!" Angil sa kanila ng kanilang guro.

Nag hagikhikan ang mga babaeng nakarinig noon lalo na sila Lira at Arielle, kaya naman pinan lakihan sila ng mata ng dalawang lalaki.

"Seryoso nga ma'am, anong ginawa nyo at ang fresh at ang ganda nyo ngayon?" Pahabol na tukso ni Trump.

"Isa ka pa! Matulog ka na nga lang dyan! Saka anong ngayon lang? Lagi naman akong ganito" Napakamot nalang sa ulo si Trump habang natatawa.

"Yun oh!" Sigawan ng lahat dahil sa narinig nila.

Si Jainar kasi ay nasa 25 years old pa lang kaya naman hindi sya nahihiralang makipag sabayan sa mga Royalties kahit na hindi nya ito naka sama nung mga bata di tulad nung ibang guro.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now