Case 16

143 13 9
                                    

░▒▓█►─═ WHISPER ═─◄█▓▒░

▶C a s e 16

Halos nakatulala ako buong araw sa klase, hindi maalis sa isip ko ang pinag usapan namin ni Kaede noong isang gabi.

Oh gosh, hindi na maganda ito, buong gabi na siya nasa isip ko, hanggang dito ba naman?

Napailing-iling ako at hinampas ang parehong pisngi. Hindi maganda ito, walang pumapasok sa sinasabi ng aking guro

"Yes, miss Andrada? Do you have anything to say?" Huh?

Takang bumalik ang atensyon ko sa taong nasa harapan ko, nakatayo ang prof ko na nakapamewang sa harapan ko.

"U-Uhm pardon, maam?"

"Kababaeng tao, hindi nakikinig! Ilang beses ko na kayo pinagsabihan na kung inaantok kayo sa klase ko, bukas ang pintuan para sa inyo. Get one whole sheet of paper, mag-quiz tayo mukhang wala naman kayo lahat natututunan."

"Walang magbinigay ng papel! Ang mahuli kong magbigay pupunitan ko ng papel. "

"Uhhh! Thryll naman!" At 'yon ang dahilan kung bakit halos patayin na ako sa tingin ng mga kaklase ko.

Rinig na rinig ko ang inis na binabato nila at ang ilan ay nagdadabog pa. Aba bakit ako?

Kasalanan 'to ng Kaede na 'yon!

"Bwiset ka Thryll! Buti nalang nandito si Freya sa tabi ko." Naiinis na sabi ni Gideon at sabay lahad ng kamay sa harapan ko para humingi ng papel.

"Mr. Alonzo! Wala ka nanamang papel!" Anak ng. Paborito talaga kami ng prof namin pagalitan, kung si Freya ang paborito niya sa klase, si Gideon ang kinakaasaran niya, nadamay nalang ako dahil pakiramdam niya ay gumagaya ako sa katamaran nito.

"Kayong dalawa, lumabas kayo at abangan niyo ako sa labas ng office ko!" What the hell!

Binigyan ko ng nakakamatay na tingin si Deo bago pasimpleng nagdabog at inapakan ang paa niya bago magdesisyong tumayo.

"Freya, una na muna kami, exempted ata kami sa quiz ang lakas ko talaga kay ma'am haha." Parang tangang tumawa pa ito, inirapan lang siya ni Freya tapos ay tumingin ito sa'kin ng may pag aalala sa mata.

Nginitian ko lang ito at nag thumbs up sa kanya bago tuluyang lumabas. Lagot talaga sa'kin ang Deodorant na 'yon.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay rinig ko na ang ilang ingay at tilian sa hindi kalayuan, may ilang babae din akong nakasalubong na nagmamadali.

"Shit, miss excuse me nagmamadali kami!" Halos malaglag ang panga ko sa ginawang pagtulak sakin ng isang grupo ng babae kahit hindi naman ako nakaharang sa daan.

"Dali Jing! Baka hindi natin maabutan ang mga Sarmiento!"

"Oh my gosh, bakit kasi walang pasabi, ano daw ba ang ipinunta dito?"

"May hinahanap ata?"

Sarmiento? Sila Night? O baka naman may iba, madami namang Sarmiento sa mundo.

"I've seen Keros in person, sobrang gwapo shet halos malaglag panty ko."

"My gosh, you mean, Eros fucking Sarmiento? Hoy crush ko 'yon!"

Now it's confirmed. It's them. I wonder if Night is here too?

"What's with that face? At bakit ang daming nagkakagulong babae, palabas palang naman ako?" Napailing nalang ako kay Deo. Hindi ko pa din nakakalimutan kung bakit kami nasa labas ngayon.

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon