Case 12

157 21 6
                                    

░▒▓█►─═  WHISPER  ═─◄█▓▒░
▶C a s e  12


Mabilis nawala ang antok ko sa nabasa. Hindi pa man rumerehistro sa utak ko ang nabasa ay tumawag na si Night.

"H-Hello?" Kinakabahan ako, ayoko ng iniisip ko.

"Thryll!" Anito sa seryosong boses.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I came back to help you and my cousin."

"W-What do you mean? Sinong pinsan? Kairo? Karius or Keros?" Naguguluhan kong tanong. Madami silang magpipinsan pero ayon sa pagkakatanda ko, ang tatlong 'yon lang ang kilala ko at nakasalamuha ko na.

"Not anyone of them." Malalim na boses nitong sagot.

"Then.. who?" I got a feeling. Lalo na sa text niya kanina, ayoko lang paniwalaan dahil kung totoo ang naiisip ko, I'm doomed.

"Kaede." Nabitawan ko ang cellphone ko.

Nanginginig ko itong pinulot. That can't be! That guy, the one who's texting me.. What the fuck! Baka magkapangalan lang?

"Hey, are you still there?"

"Y-Yeah.." Mahina kong bulong.

"You knew him." He stated. Naramdaman ko ang muling pagbilid ng puso ko, kinakabahan.

Siya nga?

"I-I don't." Pag tanggi ko. No, that can't be him.

"You do, Thryll. 'Wag mo nang itanggi. Wala ng oras." Napabuntong hininga ako.

"Alright." Pag suko ko dito. He's good at this, hindi ako nakakapagtago ng kahit ano sa kanya. "Someone's texting me, asking for help. He told me that his name was Kaede. Are they o-one?" Maingat kong tanong, iniiwasan magkamali.

"Yes." Isang salita lang ang sinabi niya pero iba nalang ang naging balik nito sa'kin.

"What is my connection to him? Bakit kailangan mo kaming tulungan?" Sunod sunod kong tanong.

"Calm down Thryll, I'll tell you. But will you promise to help us? Will you help him?"

"I will.." Tumatanggo kong sabi na tila ba nakikita niya ang ginawa kong pagsangayon.

"Good. By any chance, may sinabihan ka bang iba tungkol sa kakayahan mo?" Seryoso nitong tanong.

"Wala." I tried, kay Geo. Pero hindi naman siya naniwala kaya tingin ko hindi siya kasali sa bilang.

"That's great. As soon as it was kept a secret, the better. People with different ability like ours didn't need to tell the world our capability. Hindi nila tayo maiintindihan." So he really is not normal? Lahat ng Sarmiento, ba?

"As long as you keep it by yourself, you're safe for the mean time."

Muli akong napatanggo sa sinabi niya. Kaya ba si Geo ay tinawanan lang ako noong sinabi ko? Mali ba talagang ipagkalat ang kakayahan ko, kahit kaibigan pa?

I smiled bitterly. It's fine. Atleast I found someone who can understand me now. That's enough, I guess.

■ ■ ■ ■

Short ud muna. Happy readings everyone!
Comments are highly appreciated.

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon