Case 13

162 19 2
                                    

░▒▓█►─═  WHISPER  ═─◄█▓▒░
▶C a s e  13


Kristin's Journal

Entry #1

To the person who will be reading this in the future,

Hi! I'm Kristin. I don't know why I'm writing this.. No, maybe I know. It's just that lately I feel so scared. I feel like someone's always following me on my way home. Hindi ko masabi kila mama kasi alam kong mag aalala sila. I'm not a fan of diaries but I want to leave it here to calm myself. Natatakot na kasi talaga ako. Last night, I think someone's on my window, if find it creepier kasi sigurado akong iba ang lalaking yun sa sumusunod sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung sana may kaibigan akong mapapagsabihan, kaso wala din. HAHAHAHA ANG DRAMA KO. Baka pag tawanan ako ng makakabasa nito. Hanggang dito nalang, matutulog na ako, andito nanaman siya, sana umaga na para umalis na ulit siya.

Natatakot,
Tintin

◾◾◾

Entry #2

Ginabi nanaman ako ng uwi, kinailangan kong dumaan ng ilaya kasi wala na akong pamasahe pauwi, may nadaanan kasi akong bata na umiiyak, nawawala. Tinulungan ko siyang umuwi kaya ubos ang natira kong pamasahe, pero ayos lang hindi naman ako nagsisisi. I'm happy to help, actually. Kanina ng dumadaan ako sa ilaya, natatakot ako kasi ang daming nag iinuman, muntik pa akong maharang ng mga lasing. The funny thing is, nabawasan ang kaba ko ng makita ang lalaking sumusunod sa'kin ay yung taong laging nasisilip ko sa bintana. Hindi ko mapaliwanag pero kapag andyan siya, hindi ko nakikita ang mga nakakatakot na taong sumusunod sakin sa ilaya. Ang mas nagpakampante pa sakin ay ng malaman kong naging kaklase ko na ito sa isang subject. Napahinga ako ng maluwag doon. Somehow, nasanay na ako sa presensya niya. Sometimes I want to thank him for walking me home. Noong una natatakot ako sa kanya, pero mukhang hindi naman nangangagat ang isang ito. Kasi kung may masama siyang balak noon pa sana niya ginawa. Ayoko mag assume but if he was a stalker, I'm thankful kasi mas may lakas na akong lumakad sa madilim na mga eskinita ng Ilaya with him behind me.

◾◾◾

Entry #3

I asked for his name, sa teacher namin. He's Dylan. Gusto ko siyang iapproach pero nahihiya ako, hindi kasi ako marunong makipag kaibigan. Natatakot ako na baka pag kinausap ko siya, lumayo siya sa'kin. Sa ngayon, sapat na sakin tong hinahatid at binabantayan niya ako sa labas. I could not ask for more. Pero sana, magkaroon ako ng lakas para makausap siya.

◾◾◾

Entry #4

Natatakot ako. Saan ako pupunta? Hinahabol nila ako. Ayoko pang mamatay. Nakita ko, puro dugo putok ng baril. Natatakot ako. Sobra. Nawawala ang bag ko, nahila nila kanina, nandito ako sa isang sulok, nagtatago. Hindi sana nila ako makita, gusto kong iwan tong sulat na ito, ayoko man isipin pero baka ito na ang huling araw ko. Sana may makakita sakin. Sana may makapulot nito, iiwan ko siya dito sa zone 1 sana hindi pa huli ang lahat. Sana mahanap mo ko, tatakbo na ako, baka mahuli nila ako. Tulungan mo ko, pakiusap. Pulis. Pulis siya, may peklat sa kaliwang pisngi, nakita ko! Natatakot ako kasi madami sila, wala akong mapag sumbungan. Tulong, pakiusap abutan m fcj eto nsd


. . .

Dugo. Mga marka ng dugo ang bumabalot sa notebook na ito. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa nabasa, bakit ganito ang kinahantungan niya?

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon