Case 6

201 26 17
                                    

░▒▓█►─═ WHISPER ═─◄█▓▒░
▶C a s e 6

I was catching my breath when I stopped running. Fuck. Nasaan na ako? At talaga namang lowbatt pa ang cellphone ko.

Shit.

Tinakpan kong mabuti ang bibig ko para hindi gumawa ng kahit anong ingay. They are here, ano ba itong pinasok ko?

"Tol doon ka sa kabila, siguradong hindi pa nakakalayo ang babaeng 'yon." Kinilabutan ako sa boses ng lalaking may makapal na bigote. Fuck. Ang papanget nila, nakakatakot pa. Manyak na manyak ang itsura.

Calm down, Thryll. Pag alis nila ay tatakbo ka na palabas ng eskenitang ito.

Kanina kasing nag tanong-tanong ako kung taga saan si Kristin ay dito ako napadpad, ito ang dinadaanan niya pauwi ng bahay kapag nale-late siya ng uwi, bukod kasi sa mas mabilis ang daan dito, nakakatipid pa siya dahil hindi na kailangan sumakay pa ng tricycle.

On my way here, I discovered something. Delikado ang lugar na ito. Unang tapak ko pa lang ay mga lalaking may naglalakihang katawan at may tattoo sa braso ang naabutan kong umiinom sa isang kanto, pero dahil gusto ko makakuha ng impormasyon, pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit natatakot ako sa mga tingin na ibinibigay ng bawat makakasalubong ko.

Kung tutuusin ay tahimik ang lugar, iilan lang ang tao sa labas pag ganitong oras na. And that makes this place more dangerous.

Wrong timing pa kasi umulan, may naabutan pa akong mga lalaki na may binubugbog sa kabilang kanto. I tried to stop them, in the end, ako ang napag tripan nila.

"Hoy mga panget, ano yang ginagawa niyo?" Matapang kong sigaw pero mabilis din akong nagsisi ng makita ang tingin na ibinigay nila sa'kin.

Just great, Thryll. Dyan ka magaling, ang sumabak sa gulo ng walang dalang bala.

"Oh miss beautiful, napadpad ka ata dito?" Nanaas ang balahibo ko sa sinabi ng isa sa kanila.

Apat na lalaki ang kaharap ko ngayon, napasilip ako sa binugbog nila sandali ako nitong tinignan bago kumaripas ng takbo.

Anak ng! Pag katapos ko tulungan?

"Paano ba yan miss, umalis na yung libangan namin. Dahil dyan, ikaw ang pumalit. Tara, magsasaya tayo." Nalukot ang mukha ko sa sinabi ng lalaki, umakto pa akong nasusuka sa sinabi niya.

"Ew kuya ha! May taste naman ako. Kung kayo lang ay huwag na. Alam ba ng mga asawa niyo na ganyan ang ginagawa niyo-- oh wala kayo noon kasi walang nagkamali?" Pang aasar ko sa mga ito at tumawa sa sariling sinabi.

Pero mali ata ang ginawa ko, mukhang hindi sila natuwa o nangiti man lang sa sinabi ko.

Napasinghap ako ng seryosong naglakad ang dalawa dito palapit sa'kin.

"Kuya, joke lang. Kalma lang. Gusto niyo may irereto ako sa inyo. Makinis, maputi siya pero bat ganon-- joke. Mabait siya kuya saka mabait ulit. Ayun siya oh!" Sabay sabay silang napalingon sa tinuro ko, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para kumaripas ng takbo.

'Yon ang nangyari kaya't heto ako at hingal na hingal habang nagtatago sa isang maliit na eskenita.

Nawala ako sa pag iisip ng masilip na papalapit ang isang lalaki dito. Fuck. Kristin, ikaw nalang ang naiisip kong makakatulong sa'kin, mag pakita ka sa kanila.

"Tol, wala daw dyan, ang sabi noong binatang nakasalubong ko, nakita daw niya yung babae na tumakbo sa direksyon na 'yon." Sabi ng isa pang lalaking may mahabang buhok.

Fuck. I sighed in relief ng makalayo na sila. Tatayo na sana ako sa pinagtataguan ko ng may biglang humawak ng balikat ko.

"W-Wag po-" Natigilan ako sa sasabihin ko ng may isang lalaking nakatakip ang mukha na nagtakip ng bibig ko at hinila ako paslis ng lugar na iyon.

Wala akong nagawa, gusto kong sumigaw at mag pumiglas sa kanya, pero kung sisigaw naman ay baka makita ako ng mga humahabol sa'kin.

"Don't you ever come back here," The man said with full authority. Nanlambot ako sa boses niya lalo na nang mag tama ang mata namin. That deep voice, husky yet I feel something in it. I don't know that I can still feel softness in a man's deep voice.

"W-Who are you?" Hindi ko mapigilang hindi mangatog. Hindi lang ako sigurado kung dahil ba sa takot ko kanina o sa presensya niya.

Hindi niya ako sinagot. Lumingon-lingon siya sa paligid. Natigilan ako ng makita ang tinitignan niya. It's Geo! He found me. Mabilis ang takbo niya ng magtama ang mata namin, basang basa siya ng ulan.

Pero sa hindi malamang dahilan ay bumalik ang atensyon ko sa lalaking tumulong sa'kin.

"You're safe now." Huling sabi nito bago tumalikod paalis. I wanted to call him, I haven't said my thank you yet. Ni hindi ko pa siya kilala. Pero natameme ako. Pinanood ko lang siya hanggang sa hindi na siya naabot ng paningin ko.

"Damn it, Thryll. Are you okay?" Mabilis akong niyakap ni Gideon ng marating nito ang harapan ko.

I felt secured now that Geo's here. Pero hindi ko mapagkakaila ang naramdaman ko kanina sa lalaki. I never felt that secured and nervous my whole life. And the funny thing is, with a stranger.

║▌║█║▌│║▌║▌█

Anueeenaaa! HAHAHA AYAN NA HA MEDYO MAHABA NA ITO. Bawal silent reeeader! HAHAHA HINDI NAMAN AKO NANGANGAGAT, NANGDIDILA LANG. EW JOKE😂😂😂

WHISPERDär berättelser lever. Upptäck nu