Case 9

193 22 18
                                    

░▒▓█►─═  WHISPER  ═─◄█▓▒░
▶C a s e  9

"Anong nangyari kagabi?" Seryosong bungad sa'kin ni Freya na tila sinusuri ako.

"I saw you with Gideon, malapit sa delikadong lugar na 'yon."

"Ilaya. You know that place?" Nagtatakang balik ko ng tanong dito.

"Y-Yeah, sikat ang lugar na 'yon dahil delikado, pugad daw ng mganmasasamang tao ang lugar na 'yon." Naiilang niya na sabi bago ayusin ang salamin niya.

"It is. Bakit ka napadpad doon, diba sa national library ka?" Nag aalalang tanong ko dito.

"May kaibigan akong malapit doon, may ibinalik lang ako." 

"That place is dangerous, 'wag ka nang lalapit doon, okay?" Pag paapaalala ko sa kanya.

"If that's the case then why are you there with Geo? At talaga naman basang basa pa kayo ng ulan!" Tumatawa nitong sabi. "Kayo ha, hahanap nalang ng lugar para mag date doon pa ang napili niyo." Dagdag nito.

Wala siyang alam sa kakayahan ko, gaya ng sabi ko si Gideon lang ang sinabihan ko, mabuti na ang ganito, wala din naman maniniwala, pag tatawanan lang ako.

"'Yong mokong na 'yon? Ka date ko? Asa! Mukhang pwet ng manok si Geo 'no!" Pareho kaming natawa sa sinabi ko ng saktong dumating si Geo na nakanguso.

"Anong sabi mo? Girls were dying to touch this face. Mahihiya ang ikukumpara dito, Thryll." Mayabang nitong sagot pag katapos ay may inabot na papel sa'kin.

"Ayoko na sana ibigay 'yan pero alam ko naman na hindi ka titigil hanggang hindi mo naaayos, ako na ang naghanap ng impormasyon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Nakita ko kung paano kumunot ang kilay ni Freya ng abutin ko ang papel at agad itinago.

"Hindi mo na 'to kailangan gawin. Pero salamat, Deo." Nakangiti kong sinabi dito at pilit inabot ang tenga niya kahit matangkad siya at piningot.

"Pasaway ka talaga e," bulong ko dito.

"Kahit ano naman gagawin ko para sayo." Sabi nito sa malambot na mukha. Na touch naman ako sa sinbi niya.

"Yuck! Joke lang HAHAHAHAHA. ASA KA!" Pag bawi nito kaya mabilis ko siyang binatukan. Okay na sana e.

"Bwiset ka talagang Deodorant ka!" Akmang sasapukin ko na ito ng hulihin niya ang kamay ko.

"W-Wag Thryll, awat na, joke lang!" Tumatawang sabi nito habang pilit na inilalayo ang kamao ko sa mukha niya.

"Ehem. May kasama po kayo." Natawa kami pareho sa sinabi ni Freya.

"Eto naman, selos agad. Bakit kasi hindi ka humanap ng lablayp mo para hindi ka naiinggit sa'min ni Thry--" Ngayon ay tuluyan ko ng nasapok ang mukha niya, napakawak ito sa ilong habang tumatawa.

"Hoy ang kapal mo, love life ka dyan? Uuuy! Asa ka, magkaibigan lang tayo."

"Aray friend zoned agad, wala pa man din." Sabay sabay kaming napalingon sa nag salita.

Nakangisi ito sa'min ng makitang nanlaki ang mata namin ng nakita siya.

"Oh my gosh, Night! Kailan ka pa bumalik?" Mabilis ko itong sinalubong ng yakap.

"Noong isang linggo pa, may inayos lang ako kaya hindi agad ako nakapasok." Pag papaliwanag nito bago mariing tumingin sa'kin. What's wrong?

"Long time, Night." Naalis lang ang tingin niya sa'kin ng magbatian sila ni Deo.

I can't believe it! Kryptonite Sarmiento is here. He's really back! At lalo siyang gumwapo! Damn heart, kapit lang, tama ng noong high school ay naging crush ko siya.

"Kamusta na ba?" Tanong nito samin.

Isang taon din simula ng umalis siya, hindi namin alam kung saan siya pumunta, ang sabi ay may importante siyang kailangan gawin.

"Gwapo pa din. Etong si Freya at si Thryll manang pa din." Pareho namin sinamaan ng tingin ni Freya si Deo. Ang kapal ng isang ito.

"'Wag mong pansinin ang isang yan, kulang lang sa atensyon yan kaya ganyan." Natawa si Night sa sinabi ko.

"Bakit ka nga pala napunta dito, bukod sa namiss mo kami, siguradong may ibang dahilan at napapunta ka kahit may klase pa kami." Nagtatakang tanong ko dito.

Nakita kong nawala ang ngiti sa mukha niya kaya kinutuban ako.

"The truth is, I need to talk to you," Seryosong sabi nito sa'kin bago sulyapan ang dalawa pa naming kaibigan.

Nilapit nito ang mukha sa tenga ko. "In private." Mariing bulong niya na nagpataas ng balahibo ko.

║▌║█║▌│║▌║▌█

Say hi to Kryptonite Sarmiento!
HAHAHAHA LABLAB KO YAAAAN
ACTUALLY HINDI TALAGA DAPAT DITO SA
STORY NA 'TO SI NIGHT EH. 😂

But anywayyyyss, happy reading!
Last update for tonight labyu all!

P.S. Busy si ako bukas kaya nilubos ko
ang ud di ako sure kung meron bukas,
buttt who knows haha baka Enigma muna
bukas kung maaayos ko yung chapter.😂

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon