Case 15

134 19 6
                                    

░▒▓█►─═  WHISPER  ═─◄█▓▒░
▶C a s e  15

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo papasok ng ospital.

He was shot! Dylan was shot because of me! Ako dapat 'yon!

"Sorry miss pero hanggang dito nalang po kayo." Hindi na ako nakipag talo ng harangin ako ng ilang nurse papasok.

Oh God, 'wag niyo po siyang pababayaan.

Hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. That was supposed to be me, ako dapat ang nag aagaw buhay ngayon!

"Thryll!" Agad tumakbo palapit sakin si Gideon at Freya ng makita akong nakaupo sa isang gilid.

"Oh my gosh, Thryll! Ayos ka lang?" Mabilis akong niyakap ni Freya, namumula ang mga mata nito tila nangaling sa pag iyak.

"We rushed and went here immediately when we heard the news!" Sabi nito na puno ng pag aalala ang boses. Umalis ito sa pagkakayakap at sinuri ako mula ulo hanggang paa, "Sure kang hindi ka natamaan? God! Sobrang kinabahan kami, halos ilipad ni Gid yung kotse, muntik na kong mauna sayo!" Tuloy tuloy na sabi ni Freya na naging dahilan ng pag sulyap ko kay Deo na tahimik na nakatingin sakin, seryoso ang mukha.

"Ilang beses mo pamilalagay sa panganib yung buhay mo para dyan sa pag tulong mo?" Napayuko ako sa sinabi niya. I know he's just concern pero hindi niya naman ako kailangan pagsabihan ng ganito ng may malamig na mata.

"Gideon, I'm not asking you to understand me but atleast respect my decision. I know what I'm doing and I'm happy with it." Matapang kong sagot dito, nakita ko ang saglit na pag bakas ng sakit sa mukha niya pero agad din itong napalitan ng mas malamig na titig.

Nakita ko kung paanong magpabalik-balik ang tingin ni Freya sa aming dalawa na tila walang naiintindihan sa pinag uusapan namin.

"Of all people, of all the years we've been together, talagang tingin mo hindi kita naiintindihan? Mali bang mag alala dahil ayokong mapahamak ka?" Pumiyok ang boses nito sa huling sinabi. Napapikit ako doon.

Bigla akong nasaktan para sa kanya. I was hard on that part, I got carried away.

"Gid, tama na. Thryll he's just concerned. Whatever that is that you did, mag iingat ka palagi dahil hindi maiiwasang mag-alala kami sayo." Mahinahong sabi ni Freya na pumagitna sa aming dalawa.

Napahinto ako ng tumunog ang cellphone ko. From that unknown number..

Napatingin ako sa harapan ko, malamig natitig ang ibinigay ni Gideon sakin napaiwas agad ako at tinignan si Freya para magpaalam na sasagutin ko lang ang tawag. Hindi ako pinansin ni Gideon, nakatingin lang ito sa'kin at ng bumaba ang tingin nito sa telepono ko ay mabilis ko itong iniwas at tumalikod na ako sa kanila.

Kinakabahan man, itinapat ko sa tenga ko ang cellphone ko.

"H-Hello?"

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa tawag na ito, walang nagsalita sa kabilang linya pero rinig ko ang paghinga niya mula sa kabilang linya.

"H-Hello, bakit?" Ulit ko.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong marinig ang boses niya. Gusto kong kumpirmahin kung ano talaga siya o sino siya pero kung ayaw niyang magsalita, baka nga napindot lang ito.

"A-Are you there? P-Papatayin ko na i-

"Don't hang up yet," Fuck.

Para akong dinuyan sa lamig ng boses niya. Buong-buo ito pero hindi nakatakas sa'kin ang pagkagaralgal nito sa huli, para itong galit sa kung ano.

"Let's have a deal. If you don't want to stop helping souls, help me then. Let me be your next case to solve, detective." Natulala ako sa sinabi niya.

Is he still insisting this? Him, being a soul?

What would I get in return?

Wtf Thryll. Kailan ka pa humingi ng kapalit sa pag tulong?

"Just don't..." Napaawang ang labi ko ng marinig na nahihirapan siya na ituloy ang sasabihin. "Don't make me worry again." Dugtong nito na tuluyang nagpalaglag ng panga ko, at naging dahilan ng pag kapit ko sa railings ng hagdan. Naramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko.

When did this stranger had this kind on effect on me?

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon