Case 14

142 20 5
                                    

  ░▒▓█►─═ WHISPER ═─◄█▓▒░

▶Case 14 

 "How does it feel to be in a position you don't deserve, officer Flores?" Kunot noo niya akong dinapuan ng tingin ng mapangahas akong pumasok sa opisina nila.

May ilan ang pumigil sa'kin pero dahil na rin siguro sa takot nila na masaktan ako dahil apo ako ng nakakataas sa kanila ay hindi nila ako ganoon pinag bawalan.

"What brings you here? Is our little detective have gotten clues already?" Natatawang sabi ng tao sa likod ko, may pagmamaliit sa boses nito.

"I-It's him.." She's here.

Fuck. I knew it. Napakuyom ako ng kamao sa galit na namuo sa katawan ko.

Hearing that voice makes me want to puke, hard. Noon pa ay ayaw ko sa kanya dahil bukod sa panget ang tabas ng dila niya, ayoko ng tingin na ibinibigay niya sa'kin.

Hindi na ako nakapagpigil ng maramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko, mabilis ko siyang hinarap at binigyan ng malakas na sipa sa pinaka iniingatan niya, nakakadiri siya.

"What the fuck!" Malakas na sigaw nito na napatukod pa sa upuan sa harapan.

"Don't you dare touch me with your dirty hands, you rapist!" Nakita ko ang pamumutla niya at pag ngiti ng hilaw.

"W-What the hell are you saying?" Nakita ko kung gaano ito nagpipigil ng galit, I can feel that any moment, he might burst out, he might punch me! But I'm not scared.

Bakit ang taong dapat pumoprotekta satin sila pa ngayon ang bumabawi ng buhay? Sino sila para abusuhin ang posisyon na ibinigay sa kanila?

"Iha, kumalma ka, baka naman nagkakamali ka lang," Nilapitan ako ni Officer Flores pero mabilis din akong umatras.

Hindi ako makapaniwalang pinagtatakpan niya ang lalaking ito o kasali siya dito? Ilang taon ko siyang nirespeto, nakakagago.

"Kaya ba ayaw niyong makialam ako, may iniingatang pangalan, officer?" Mapakla kong tanong dito, nagpipigil lang ako ng galit.

"Alam mo bang mabigat ang paratang na ibinibigay mo, alam mo ba ang pwedeng kapalit nito?" Ngayon nakabawi si officer Gamad, ang lalaking may peklat sa mukha. Ang lalaking tinutukoy niya.

Oo padalos dalos ang pagsugod ko, nakakatakot kung sakaling may gawin sila sakin sa ginagawa kong pagkompronta sa kanila, pero ang magpakita ng takot ay ang pinakahuli kong gagawin. I won't give them that satisfaction, they don't deserve my fear, sa aming lahat, sila ang dapat matakot dahil buhay pa sila, sinusunog na ang mgs halang nilsng kaluluwa sa impyerno.

"You know me better, officer. I never failed you, wala pang nagkakamali sa lahat ng kasong inimbestigahan ko, baka lang nakakalimutan mo." Matapang kong sabi na nagbigay ng galit sa mukha niya.

"Ikaw matagal na akong nagtitimpi sayong pakielamera ka, kung wala ka lang kapit sa taas, matagal ka nang nakatikim sa-" Natigil ang sasabihin ni officer ng may pumutol dito.

"Continue what are you going to say,  you will defenitely regret your existence." Maikli lang ang sinabi niya pero ang takot na ibinigay nito sa mukha ng mga taong kaharap ko ay hindi na maipinta.

May rason kung bakit siya nakakataas. He's not in his position for nothing, and I'm proud of him. Wala siyang pinapanigan, wala siyang kinakatakutan.

"Lo!" Mabilis akong lumapit at humalik sa pisngi niya. Even since, sa kanya na ako lumaki. My parents were working abroad, doon ang main branch ng company ng lolo ko kay daddy. Sa kanya ko din nakuha ang tapang ko at ang kagustuhan kong tumulong sa kapwa.

"I told you to stop interfering with cases like this. Alam mo namang nag-iisang apo kita," Nakita ko ang saglit na pagbahid ng lambot sa mukha niya pero agad din nawala ng harapin nito ang nasa likod ko.

"C-Chief you got it all w-wrong. Ang kulit kasi nitong si T-Thryll-" Napahinto ito sa pagsasalita ng ibato sa kanya ni lolo ang asang notebook.

Kristin's journal to be exact.

"Nandyan ang ebidensya ng kawalang hiyaan mo, Gamad!" Umugong sa apat na sulok ng silid ang sigaw ni lolo.

Nakita ko ang pag bahid ng takot kay Gamad. Kulang pa yan.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi niyo, pulis ako! Tapat ako sa tungkulin-" Bago pa siya makatapos ay may lalaki ng sumungab at sinuntok siya.

"Damn you! I-I will kill you! Fuck!" Galit na mukha ni Dylan ang nakita ko ng makitang mabuti kung sino ang lalaki.

"Dylan," Mabilis ko siyang dinaluhan para pigilan.

"Hayaan na nating ang batas ang magparusa sa kanya." Mahina kong bulong dito, nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon niya, tinignan niya ako na tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Thryll? T-This bastard just raped my girl! H-He even killed her! P-Paano mo nasaning ilagay sa kamay ng batas kung siya mismo na alagad ng batas ang tumapos sa buhay.." Hindi niya natapos ang sasabihin, nanghihina itong napaluhod sa harapan ko.

I understand him. Agad ko siyang dinaluhan at pinilit itayo.

"I understand you, Dylan but I promise that this time, I'll make sure that this bastard and his company will roth in jail. You see this honorable man is my grandfather, he's with us, tapat siya sa sinumpaan niyang pangako. He will give us the justice that we all want." Hustisya na hinihingi niya..

Kristin, we made it. Makukulong na ang gmawa nito sayo.

"Y-You bitch!" Natigilan ang lahat dahil sa malakas na putok ng baril, nanlaki ang mata ko ng makita ko mismo sa kamay ko ang bakas ng dugo.

Napapikit ako ng mariin at kasabay nito ang pagbagsak ko.

  ║▌║█║▌│║▌║▌█   

Kamusta yung bagong cover? HAHAHAHA 
I

made it myself kaya medyo sabaw hindi 
ganto yung naimagine kong cover pero for 
the mean time yan muna ulit haha.


unedited yung chapter na ito as in walang proof read!

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon