Case 2

287 29 6
                                    

░▒▓█►─═  WHISPER  ═─◄█▓▒░
▶C a s e  2

"Ano nanaman ang pinanood mo kagabi at puyat na puyat ka?" Mabilis kong tinaasan ng gitnang daliri si Freya habang humihikab.

Bwiset yung nag text sa'kin kaninang madaling araw hindi ako pinatulog, bangag tuloy ako ng pumasok.

"I told you, kung manonood ka, pwede naman ng umaga sasabayan pa kita." Tumatawang sabat ng isa ko pang kaibigan habang inaakbayan ako.

"Fuck you, Gideon. "

"Oy, walang talo-talo kaibigan lang tayo." Tinaasan ko ng kilay si Freya ng nakitawa ito sa sinabi ni Gideon.

Ang bastos ng lalaking ito, kung ano ang ikinaganda ng pangalan niya ay kinabastos niya. Kung may choice lang ako, maghahanap ako ng ibang kaibigan.

"Shut up. Matutulog lang ako, sabihan niyo ako pag nandyan na si Ms. Reyes." Hindi ko na hinintay ang pag sagot nila, dumukdok na ako sa arm chair bago pa sila dumaldal.

Nasa gitna na ako ng pag gagawa ng tulog ng mag salita ang nasa tabi ko, "Good morning Ms. Rey--" Hindi niya pa natatapos ang sinasabi ay tumawa na ito ng malakas.

Mukha siguro akong tanga sa pag mamadaling umayos ng upo. Siraulo talaga ang lalaking 'to. Hindi na ako nasanay sa pag pa-prank niya.

"Ikaw nakakarami ka na sa'kin, nakikita mo 'tong kamao ko? Ibabaon ko 'to sa mukha mong hinayupak ka." Nginisian lang ako ng gago, nilabas pa ang dimples niya kala ata niya natutuwa ako.

"Chill, attendance lang. Wala daw si Miss." Great.

Yung halos tumakbo na ako umabot lang ako sa alas kwatro kong pasok dahil rush hour na at pauwi na ang mga tao habang ako papasok palang, tapos malalaman ko wala pala akong prof. Nakakainis dahil ito lang ang subject na pinasok ko ngayong hapon pero wala naman akong napala.

"Tara?" Yaya nito sa'kin pag katapos kong mag ayos ng gamit.
Nauna na si Freya, gaya ng nakasanayan ay pag maaga ang uwi o walang klase ay sa national library ang diretso nito. Masyadong grade conscious ang isang 'yon.

"Hindi ako sasabay, may dadaanan ako." Naalala ko ang panaginip ko kagabi, kailangan ko ng sagot, hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang tungkol doon.

"Saan naman? Samahan na kita."

"Wag na, dyan lang ako sa kabilang school, may titignan lang ako."

"Sige na, wala din naman akong gagawin sa bahay." Pangungulit nito

"Aling school ba?" Tanong nito. Napapalibutan din kasi ng iba't ibang university ang skwelahan namin, kung bibilangin ay nasa lima ang pwedeng lakarin mula sa school.

"Xavier." Maikli kong sabi. Kumunot ang noo niya, tila may iniisip.

"Usap usapan ng mga guard kaninang papasok ako ang Xavier, sabi may natagpuan daw na katawan sa likod ng school, hindi ko lang sigurado kung totoo." Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi.

"Are you sure?" Paninigurado ko sa kanya.

"Hindi naman ako chismoso, pero sa lakas ng usapan nila, sigurado akong tama ang  narinig ko." Seryosong saad niya.

"Okay, thank you!" Tatakbo na sana ako palabas ng hilahin niya ako.

"Don't tell me na kaya ka pupunta ay dahil doon?" Nakataas na kilay na tanong nito. Nginisian ko lang ito, hindi kinukumpirma ang paratang.

"Pulis na ang bahala doon Thryll, hindi porket ganyan ang pangalan mo ay lagi ka nang sasabak sa ganyan."

He doesn't know anything about my ability. Minsan ko na itong sinabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako kaya nag pasya akong wag na ipilit at hindi ko na ito sinabi kahit kanino, wala din naman maniniwala.

"Mind your own biz, Deo. Wala naman nagagawa ang mga pulis. Pag hindi na maresolba ang kaso ay itinitigil na nila. Paano naman ang hustisya?" Inis kong sabi dito.

"I'll come with you then. And stop calling me Deo, it's Gideon." Ngayon ay nag seryoso na ito. Alam niyang lagi akong tumutulong sa mga ganito, minsan ay nagpupumilit talaga siyang sumama sa'kin.

Hindi na ako nakipag talo, hinayaan ko na siyang sumama sa'kin. Atleast may kasama akong umuwi kung gagabihin man.

"Tulungan mo ako.." Halos mag taasan ang balahibo ko sa narinig, nasa harap na kami ng Xavier, napayakap ako sa sarili ngmakaramdam ng pag lamig ng paligid.

"Uwian na nila." Sabi sa'kin ni Deo, mukhang ako lang ang nakarinig at nakaramdam non. Hindi na bago sa'kin to pero hindi ko pa rin maiwasan hindi kilabutan tuwing nangyayari ito.

"The great Thryll Andrada is here." Nakangising sinaluduhan ko si Officer Flores, siya ang may hawak ng kasong ito sa tingin ko.

"Hello po." Malawak na ngiti ang ibinigay ko dito.

"Lagot nanaman kami sa lolo mo, diba sinabihan ka nang 'wag makielam sa mga pulis?" Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya.

"Gusto ko pong tumulong."

"Hay nako kang bata ka, pasalamat ka at ako ang may hawak dito. Pwede kang sumama pero hangga't maaari hayaan mong ang mga pulis ang gumalaw para dito." Napangisi ako sa sinabi niya. Alam naman niyang hindi niya ako mapapasunod sa ganoon.

Buti nalang malakas ako sa mga pulis. Sa sampung kaso kasi ng patayan dito sa lungsod namin ay dalawa lang ang mareresolba nila ng maayos kung wala ang tulong ko.

Hindi sa nagmamayabang ako, pero totoo. It's because of my secret. Advantage na nakakausap ko sila. Even without a witness, nalalaman ko ang tunay na ikinamatay ng biktima sa tulong mismo nila.

Creepy but yes, I can talk to them. Nakakausap ko ang mga taong pumanaw na.

║▌║█║▌│║▌║▌█ 

Anuenaaa sabi ko nag online ako para
gumawa ng thesis pero eto popost ko muna
yung naipon ko sa drafts HAHAHAHA pang pa
gana sa pag gawa ng research paper.

Drop some comments! Bawal silent reader,
baka mautot kakapigil. 😂

WHISPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon