Naglalakad parin ako sa corridor nung makasalubong ko yung isang teacher. Mukhang masungit siya. Hay nako late na kasi ako eh.

"Saan yung room mo?" tanong niya sa akin. Ay mabait naman pala siya. Akala ko kasi masungit.

"Ah sa Engineering Room po, Section One.," Sagot ko sa kanya

"You must be Mr.Natel Rodriguez. A new student from NY. Son of Mr. Nathan Rodriguez right? Sabay na tayo ako yung adviser niyo and Science teacher niyo," sabi habang nakangiti. Pero bakit nila kilala si dad.

Naglakad na kami papunta sa room namin. Pagpasok ko sa room, nagulat yung ilang mga students. Yung iba naman, nakatunganga. Anong ganap? Di naman ako multo? Ano bang nangyayari. First day ko palang sa school na to ah. Ganito na sila makatitig. Mukhang hindi ako makakasurvive dito ah.

"Ok everyone, he is your new classmate. Magpakilala ka muna anak,"sabi naman ng adviser namin.

"I'm Natel Louie Rodriguez, 18 , a new student from NY,"matipid kong sabi sa kanila.

Omg! Ang cute niya!
Ooops sa akin siya!

Akala ko naman snob sila pero nabighani pala sila sa kacute'an ko.Yan lang naman yung narinig ko mula sa kanila. Tsk. Cute daw? Eh mukha nga akong nerd eh! Pati boys umarangkada narin. Tapos ano andaming gwapo dito sa section one.

Biglang nagsalita si maam

"May naka upo ba sa tabi mo Mr. Valdez?," tanong ni maam sa isang lalaki sa likod

"Ah wala po ma'am. Dito na lang po siya uupo." sagot naman niya.

Infairness ang gwapo niya. As in. Shems ang swerte ko naman sa room na ito. Ang babait nila tapos mah makakatabi pa akong artista.

Naglakad na ako papuntang likod sa tabi ni pogi.Nasa pinakacorner yung upuan niya. Bale siya yung nasa side tapos ako tapos may katabi pa akong isa. Magulo ba? Text ko sa inyo yung seat plan.Joke.

"Ok! Be nice to Mr. Rodriguez. Bukas na magsisimula ang ating discussion. Goodbye class,"sabi ni maam

"Goodbye Mrs. Peres," sabi naman nila.

Pagkatapos umalis si maam, hinila ni Mr pogi yung upuan niya papunta sa tabi ko.

"Hi Natel! I'm Archie," masayang sabi niya.

Ang cute naman ng name niya. Bagay sa mukha niya.

Lumapit din yung iba kong mga classmates

"Hi! I'm Leiyan," sabi nung isa.
"I'm Kean, kambal ni Leiyan," sabi naman nung isa. Wow ang gwapo rin niya. Anlakas maka Daniel Padilla yung pormahan nito ah.

Nakipagkuwentuhan sila sa akin dahil wala naman yung prof namin. Hay nako. Akala ko maiisnob lang ako pero akala ko lang pala.

"Oh Natel sama ka sa canteen, kami muna yung kasama mo," alok sa akin ni Kean

Tumango nalang ako at sumunod sa kanila. Habang papunta kami sa canteen, pinagtitinginan kami ng iba pang mga students.

Naglalakad kami para kumuha ng food namin. Habang naglalakad kami, may humarang na isang matangkad, but gwapong lalaki sa akin.

"Move!" sabi niya sa akin.
Yumuko na lang ako ay umiwas.

"Di mo ba ako kilala?," sabi niya sa akin. Gwapo siya pero bat ang sungit.

Nagsalita naman si Kean sa likod ko. " Relax Devin he's just a new student here,"

"Whatever," sagot niya. Devin yung pangalan niya? Bat di nalang Devil? Mas bagay sa kanya.

Humanap na kami ng upuan namin.

"Natel, pagpasensyahan mo na yun.," sabi naman ni Kean

"Sino siya?," nagtatakang tanong ko naman

"Ah! He's Devin Jay Mathews. He is a Basketball player, top student, singer, dancer,campus crush and a bad boy," sagot naman ni Archie sa akin

Wow ha talented kaso bad boy. Duh! Nerd hates badboys.

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa room namin.

Wala naman kaming ginawa. Nagbasa na lang ako ng aking libro.

Lumapit si Leiyan sa akin.

"Hey Natel! Why are you wearing glasses? Can you please remove it?,"sabi niya

"I don't want to remove it. Sanay na kasi ako sa look na ito eh. Tska baka kung tanggalin ko, papangit lang ako,"sagot ko naman

"What are you talking, you are cute," sagot naman niya

Nagpuppy eyes na siya. Lumapit naman si Kean at Archie sa akin. Tinanggal ko na ang aking glasses.

Parang nagulat sila sa nakita nila. Ano? Pangit kaya ako sa paningin nila?

"Aeron?," sabi ni Archie
"Sinong Aeron?" tanong ko naman. Bakit nila ako tinawag na Aeron.

Biglang lumabas si Archie, sinundan naman ni Kean at Leiyan. Ako, naiwang mag isa. Bat umalis sila? Na turn off ba sila, isinuot ko na lang yung glasses ko. At lumabas ng room.

Tinext ko si kuya habang naglalakad sa corridor. Sa aking paglalakad, may nakabangga sa akin. Kaya ang drama, nahulog yung glasses ko.

"Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" Wow siya na nga tong nakabangga siya pang galit o malamang sinadya niya.

Pinulot ko yung glasses ko pero di ko pa ito sinuot. Tinignan ko siya. Mukhang nagulat ata siya

"Aeron," sabi niya sa akin

"Sorry po kuya ah pero Natel po ang pangalan ko," sagot ko sa kanya

Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at iniwan yung Devin na yun

Bakit ba nila ako tinawag na Aeron? Sino ba si Aeron?

____________________________________
End of Chapter One😘

When Pogi Meets PoGay
StoryOfABadboy

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now