Chapter 7: False Alarm

Start from the beginning
                                    

(-_____-)---------> Mukha parin niya.

Napakamot ako ng ulo.

" Uhmmm...."

"Ilalagay ko na nga lang to sa kwarto mo." sabi niya at naglakad na papuntang kwarto ko.

(^____^) Ay! na gets nya rin pala kahit konti. Ako nalang maglalagay sa ibabaw ng cabinet. Heehehhehehe

So ayun inalagaan ko na ang mga bata.

Maya maya...

Driiiiiiiinnnnnnnggggggg

Teka anong tunog yun?

Narinig ko na ata yun...

Yung kapag may sunog!

" Oh hala! May sunog!" sigaw ko.

" Dong! Dong! Sus! May Sunog!" pagsisigaw ko. 

Ay ano bayan! Paano ko dadalhin ang tatlong to?

Sinuot ko sa likod ang baby Carrier.. Nilagay si si....si Psalms?

Tapos kinalong ko nalang sina Revelation o Exodus? at Revelation o Exodus o psalms??? Ah bahala na kayo readers manghula. Huhuhuhuhihi

Tumakbo ako sa kwarto ni Dong.

" Dong sunog ................" 

Hindi ko natapos sasabihin kasi lumabas si Dong mula sa sosyal na banyo.

May mga sabon pa ang buhok , nakatali ang towel sa baywang at natarantang lumabas..

(>O<) waaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh.

Binastos akon nakita! Nano man nga tiyan nga! 

(Ang laswa ng nakikita ko! Ano ba naman nga chan!")

Nathan POV:  

"mAY suNOG! Dong May sunog!" narinig ko na sigaw ni Neneng.

Sunog? Oh hala! Ang mga anak ko!

Tae! Babies pala. (-____-)

Lumabas ako mula sa Cr. Hindi ko na natapos ang shower ko. Tinali ko yung towel sa baywang ko at natarantang lumabas.

Una kong nakita ang gulat na gulat na mukha ni Neneng. Mula sa mukha ko ay bumaba sa tyan ko ang tingin niya.

bigla siyang namula.

 Tsssss... ang hot ko talaga. Buwahahahaha.

Diniinan niya ang pagpikit ng mata niya. Hindi nya matakpan ng kamay niya dahil nakakalong ang dalawang anak ko.

" D-dong! May Sunog D-Dong! ga Alarm! p-Payr Alarm!" nabubulol niyang sabi

"DRIIIIIINNNNNGGGGGGGG!!!!"  nadinig ko na tunog ng telepono.

(=____________=) Telepono lang pala. Akala ko kung ano na. 

Tinignan ko si Neneng. Nakapikit parin ang mga mata. Nakita ko na pulang pula ang tenga at buong mukha  niya.

Yung isang anak ko...este baby... nakangiti sa akin.. yung isa nakatingin sa akin habang sinusubo ang daliri.. Yung isa tuwang tuwa sa likod ni Neneng.

" Dong!! S-sunog!" sigaw ulit ni Neneng na madiin parin ang pagpikit.

*Evil smile

" Teka.. neneng... ang init na ng apoy.." sexy voice kung sabi..

Dumilat siya

Wahahahahahaha

" Ha?" 

Ang lapit lapit ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang pagdilat niya.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now