Chapter 15 : Wedding Planner

28.1K 734 17
                                    

Neneng PoV

Nitong mga nakaraang araw napansin ko na laging nakabusangot si Dong.  Tinatanong ko nga siya kung ano ang nakakapagbumabagabag (Nabubulol naman ako sasalitang toJ haha!) sa kanya.

Titingin lang siya sa akin at sasabihin na “ NONE of your business “.Teka iintindihin ko nga yung sinabi niya.

“none is wala in tagalong.. your sa tagalong ay ka at Business ay Negosyo..” Ibig sabihin, tuwing tinatanong ko si Dong kung kay problema ba siya... ay   “ Wala kang Negosyo!” ang translation ng sinabi niya. Yun ang problema niya!

Naku! Galing ko na magintindi ng English (^_____^). 

Sa totoo lang tama siya. Dahil wala naman talaga akong negosyo.

Teka!  Baka yun ang problema ni Dong! Sige mag iisip ako ng patok na negosyo para Masaya na siya uli. Ahihihihihi..

“ Im home.” Sabi ni Dong na walang kagana gana.  Napatingin ako sa kanya at ayan na naman ang nakabusangot niyang mukha.

“ Dong! Wag ka nang malungkot diyan. Hayaan mo at bukas na bukas ay magtatayo ako ng negosyo.Laki pa naman ng bintana ng bahay mo.Pwede na yang simula sa itatayo kong sari sari store” Sabi ko sa kanya ng makadating na siya sa sala kung nasaan ako.

Nagtatakang napatingin si Dong sa akin. “ Ha? Anong negosyo ang pinagsasabi mo?” tanong niya sabay pindot ng control ng t.v.

“ Eh kasi Dong lagi kang sad face.” Sabi ko at pinalungkot ang mukha ko. “ Para maging smiley ka na… naiisip ko na tumayo ng negosyo. Lagi ka kasing nagsasabi na.. None of your business. Sa tuwing tonatanong kita kung ano problema mo.problemo mo ay wala akong negosyo! Kaya para masaya kana at magkapera tayo, magtatayo ako ng negosyo.” Dagdag ko at ngumiti.

Pinitik niya bigla ang  noo ko. Aray ha! (>0<)

  “  You are such an idiot.I can’t believe that Im going to marry you on on Monday” Sabi niya.

(-____-) Ayan na naman siya. Enenglish na naman ako.  Teka ano daw? Can’t believe?

“ Dong.. you should believe you can fly. You should believe you can touch the sky. Think about it every night and day.. spread your wings and fly away..” sagot ko.  (napapakanta na tuloy ako sa isip ko.hahaha)

“ I believe I can soar.. I believe through that open door. I believe I can fly..” sagot niya na walang gana.

“ Waaaaahhhh! Dong! Paano mo nalaman ang sasabihin ko? Grabe ang galling mo naman!” bulalas ko.

“ Eh kanta naman yang sinasabi mo.” Sagot niya at pinaikot pa ang mata niya  sa akin.

Ang taray naman nitong si Dong.

“ Eto. Pumili ka dito ng damit. “ sabi niya saka may binigay sa akin. 

Tinignan ko ang binigay niya sa akin. Aklat na puro larawan ng magagandang damit pambabae.

Hala! Bakit may ganito si Dong? Hinihingi niya ata yung suhestiyon ko sa pagpili ng damit para sa kanya.

Tinignan ko siya ng mabuti. Hala.....

" ano na naman ang iniisip mo?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Ahehehheheh...wala naman." Sagot ko at tumingin sa binigay niya.

Mahilig pala si dong sa mga Gown?  Siguro nahihiya lang siya na sabihin sa akin. Ahihihihihiihih.. Para maging happy na siya..Pipili ako ng pinakamaganda at bagay sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing. “ Pipili ako ng pinakamagandang damit dito Dong.”

“ Suit yourself.” Walang kagana gana nitong sagot at lumakad na papuntang kusina.

“Shoot myself dong? Saan ko I shoshoot ang sarili ko? Bago na ba ang patakaran sa basketball?tao na ang sinushoot?” tanong ko sa kanya.

“ Ang ibig kong sabihin ay ikaw ang bahala.” Sagot ni Dong at napasalampak sa sofa.

Ay dapat pa akong magsanay. Mali ang pagintindi ko.

Tapos biglang may tumunog. Mukhang galing sa napakalaking pinto. Ang astig talaga ng bahay ni Dong kasi tumutunog ang malaking pinto ng bahay niya. Kahit yung kahon na linulutuan o kaya yung  relo niya sa may mesa at saka yung telepono na  fire alarm ang tunog. Music House ata tong bahay ni Dong! Ahihihihi..

“ Andyan na ang wedding planner sa kasal natin. Pagbuksan mo nga ng pinto.” Utos ni Dong sa akin at kinuha na yung maliit na telepono mula sa bulsa niya.

(=_______=) Ang sungit sungit naman ng isang to. Magsisimula na nga ako ng negosyo at pipili ng magandang damit para sa kanya pero ang sungit parin niya.

Pinipindot pindot niya yung salamin ng telepono niya. Gawin ko nga yan mamaya dun sa salamin sa kwarto ko.  Mukhang masaya. Si Dong kasi tumatawa magisa habang pinipindot pindot yung salamin.

“ Bilis na.” sambit ni Dong ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Amp! 

Umalis na ako dun sa sala at pinagbuksan ko na ng pinto ang wedding planner.

 “ Oh! HI Neneng! Ako to si Lancer.. Naalala mo pa?” nakangiting sabi nito.

“ Ay! Oo naman! Hello Lance. Ikaw pala ang wedding planner namin sa kasal?” tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.

“ Huwag kang mag alala mareng Lance.. ligtas ang sekreto mo.” Sabi ko sa kanya at kinindatan siya.

Hay.. sayang din tong si Mareng Lance. Gwapo ang lahi niya.pero...hai....

“Pasok ka. “ sabi ko at pinatuloy na si Lancer sa bahay at naglakad kami papuntang sala.

Nakaupo si dong dun at nanonood ng tv habang umiinom ng tubig.

“ Dong eto na ang wedding planner natin sa kasal.” Tawag ko sa kanya.

Walang gana siyang tumingin sa akin habang iniinom yung tubig.

Nanlaki ang mga mata ni Dong at saka nasamid.

“ L-lancer!” bulalas ni Nathan at natigilan.

Ano naman kaya ang problema? Bat ganyan makatingin si Dong kay Lance? Nagandahan ata to ng sobra kay Lance eh. Sabagay  pagkagandang bading naman talaga ni mareng Lance. Hihihih

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now