Chapter 33: Tagalog Nosebleed (>.<)

30.5K 743 203
                                    

NATHAN POV

Napamulat ako ng aking mga mata. Nananakit ang batok ko dahil dun sa biglaang pagbatok sa akin ng mga grupo ng mga panget......

(O_O) T-teka! NASAAN NA ANG ASAWA KO?!


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-aalala.

Ano kaya ang ginawa nila sa asawa ko?

T-TINANGAY BA NILA ang asawa ko?!

KONsensya: Malamang Dong? kita mo naman yun kanina diba? Heavy action nga eh! Mweheheheh.

(=_=) Konsensya! wala akong oras sa pagbabara mo!! Nag-aalala ako ngayon at galit ako kaya huwag na huwag kang iinsert kung ayaw mong ikaw ang unahin kong patayin!

KONSENSYA: WOOOOOOOOHHHHH NAKAKATAKOT! (>.<)


Subukan lang nilang saktan o galawin ang asawa ko.. hahabulin ko sila hanggat sa kamatayan. PAPATAYIN KO SILA KAHIT NASA EMPYERNO NA SILA KASAMA ANG DEMONYO!

Biglang nag ring ang cellphone ko.

Unregistered number ang nakasulat.

Kaagad ko yung sinagot. Baka eto na yung mga kumidnap.

" Hello?"

" *evil laugh* Kilala kita pero hindi mo ako kilala...mweheheheheheh....." intrada ng caller.

" Malamang..(=_=)" sagot ko.

Napatigil naman yung pagtawa ng caller at tumikhim ito.

" Ahem! Hawak ng boss namin ang misis mo." Pananakot niya.

" ALAM KO. (=_=)" sagot ko

" Tssss... wala man lang effect yung intro ko! Parang hindi man lang natakot pare... sana binago ko nalang..."bulong ng caller sa kasama niya.

(=_=) Teka... maluwag ata turnilyo ng mga to.

" Ahem! pumunta ka dito sa pinagtataguan namin kung gusto mo pang makita ang misis mo! Tapos dapat mag-isa ka lang!Huwag kang tatawag ng kasama o pulis! Yun lang! Sige Bye.... INGAT ka sa byahe!" sigaw ng caller at binaba ang phone.

" TEKA!"

(=_=) Grabe lang... Sinabi niyang puntahan ko sa pinagtataguan nila. Eh hindi man lang sinabi kung saan. Tapos may gana pang sabihing mag ingat daw ako.

Tinawagan ko yung unregistered number.

" Oh? Napatawag ka? Paano mo nakuha number ko?" sagot ng caller na nagtaka pa talaga.

Napaikot ang mata ko sa sagot ng kidnapper na to. Wala na atang tatalo sa kabobohan nito eh.

" Tinawagan mo kaya ako kaya nasa call list ko number mo." Sagot ko

" Wow ah! HihihihI.... Oh bat ka PALA napatawag? Mabuti na at ikaw na ang tumawag kasi wala na akong pang call eh.. ubos na..Medyo malayo ang tyangge dito na nagloload tapos may utang pa ako dun na isang daan. " sambit ng tanga.

Napahawak ako sa sintido ko. Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa sa isang to.

"Saan niyo dinala ang asawa ko?" kalmado kong tanong.

" It is por uth to know and por you to pind out! *evil laugh*" sagot ng kidnapper.

(=_=) Taengna! Umiinit na talaga ang ulo ko sa kidnapper na to.

" TANGA KA BA?! PAANO AKO MAKAKAPUNTA KUNG HINDI MO SASABIHIN?!" napasigaw na ako sa lalaking to.

" OUCH HA! Nag pra practice lang akong mag English! eto naman galit agad...." SAGOT NG KIDNAPPER

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon