Chapter 25.2 Undeserving part2

22.4K 597 15
                                    

Neneng Pov

Ang sakit talaga ng sinabi ni Dong kanina.... Ewan ko ba kung bakit siya nagalit na pinuntahan ko siya.

Nandito kami ngayon sa canteen. Ililibre kasi kami ni Mareng LANCE NG TANGHALIAN EH...

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko ka agad siya. Matalim ang tingin niya sa akin....

" Sa susunod ay huwag mo ng gawin to! Ayoko na makita ka ng mga kaibigan ko dito sa skwela.. Naiintindihan mo? Magpanggap kang hindi ako kilala kapag nariyan ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Ayaw kong mapahiya ng dahil lang sayo. Ito na ang huli na paghatid mo ng tanghalian sa akin"

Parang may kumikirot sa puso ko sa mga sinabi ni Dong....

" M-Mareng L-Lance... U-uuwi na lang kami.. D-doon nalang kami sa bahay kakain." Sabi k okay Lance at magsisimula na sanang hilain ang mga bata.

Bigla niya akong pinigilan.

" Naku Neng! Magbyabyahe ka na naman? Ilang minuto ka makakauwi? Lalagpas ka sa tanghalian at magugutom ka.. Diba sabi mo masama magpagutom?" nakangiting sambit ni Mareng Lance.

" Huwag kang mag-alala . Ako bahala. " dagdag ni Lancer at hinila na kami ng mga bata papasok ng Canteen.

Hindi ko nalang tinignan si Dong.

"" Sa susunod ay huwag mo ng gawin to! Ayoko na makita ka ng mga kaibigan ko dito sa skwela.. Naiintindihan mo? Magpanggap kang hindi ako kilala kapag nariyan ang mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Ayaw kong mapahiya ng dahil lang sayo. Ito na ang huli na paghatid mo ng tanghalian sa akin"

May naramdaman ako biglang tumulo sa mga mata ko.

" N-neng? B-bakit ka umiiyak? " nag-aalala na sambit ni Mareng Lance.

Bigla kong pinunasan ang mga luha ko.

"Aheheheheh.. Napuwing lang ako m-mareng L-lance.... W-wala ito." sabi ko at ngumiti na din kay Lancer.

Umorder si Mareng Lance at nagaantay ng pagkain namin....

" Hey.. Ayon si Nathan oh....T-teka tatawagin ko.." sabi Ni Mareng Lance at kakaway sana kay Dong pero pinigilan ko siya.

Napatingin bigla si LANCER SA AKIN.

"Huwag n-na Mareng Lance...." Sabi ko at nagmamakaawang tumingin sa kay Mareng Lance..

Baka mas magalit lang si Dong.

Nagtatakang tinignan ako ni Mareng Lance.

" Please.." bulong ko kay Mareng Lance at pinilit kong ngumiti.

Umayos nalang siya ng upo.

"O-ok...." Sambit nito.

Tapos dumating na ang mga pagkain na inorder ni Mareng Lance..

" W-wow!! Sige na Neng! Kain na tayo." Nakangiting sabi ni Mareng lance.

Alam ko pinapangiti niya lang ako.

"Waaaaaahhh! Mareng Lance! Ang sarap naman neto! Anong tawag dito?" bulalas ko nung tinikman ko ang isa sa mga pagkaing inorder ni Mareng Lance.

" Hahahahah.. fettucini yan.! Sige Kain lang ng kain" nakangiting sambit ni Lance.

"Ang sosyal naman ng pagkain nato!"

Ngumiti na din ako at kumain na lang kami at syempre sinubuan ko na din ang mga bata.

Si Lance ay ganoon din. Paminsan minsan sinusubuan niya yung mga bata.

Nathan Pov

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now