Epilogue

26.2K 520 124
                                    


2 years after

NENENG pov

" Hey Neneng, thanks for delivering the cake. It was the best bake cake I ever tasted." Sambit ni Mrs. Amer. Siya ang naging isa sa mga suki ko sa aking cake business. Ito ang naging hanap bihay ko sa America. Ito ang naging trabaho ko upang ma supportahan ang aking pamilya.

Dalawang taon na din ang nakalipas simula ng umalis kami sa Pilipinas. Sa mga taong ito ay wala akong naging balita kina Kuya Jadon, Dong at sa iba...

Oo naging mahirap noong una,pero pag umiyak lang ako ng umiyak,anong mangyayari sa amin nina mommy? Nina psalms?

Habang naglalakad ay may napansin akong isang poster. May lalaki doon na nasa poster. Nanlaki ang mata ko at kaagad lumapit sa poster.

Yung mga magagandang mata,matangos na ilong, magagandang ngiti,lahat ng katangian ng nasa larawan ay kahawig ni dong.

Hinawakan ko ang larawan ng lalaki. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Naramdaman ko nalang na may basang bagay na tumulo sa braso ko...

Luha ko na pala. Namimiss ko na siya...

Bakit parang ang saya niya sa larawan na ito? Nakalimutan na niya ba ako? Hindi ba niya ako na miss? Akala ba niya hindi ko siya mahal? Akala ba niya iniwan ko siya?

Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman niya ang buong katotohanan. Ang katotohanan na mahal ko siya at hindi iyon nabawasan sa dalawang taong nahiwalay kami.

Tinignan ko ang nakasulat sa poster.

"HEADGuitars World Tour Concert"
REUNITE
NATHAN. MICHO.LAURENCE. LANCER.
MAY 26,2016 8:00PM
GRAND ARENA L.A CALIFORNIA
TICKETS HOTLINE 5087889

Napatingin ako sa screen at nakita ko sa balita ang pagdating nila mula sa airport.

Naiiyak ako sa tuwa. Kasi naman, nandito na siya! Mabibigyan na akong pagkakataon na makita siya. Nanatili ang mga mata ko sa screen. Sa kanya lang ako nakatingin.

Kumakaway siya sa mga fans niya na kumukuha ng larawan nila.

Mas lumapit ako sa glass upang makita pa siya. Unti unti akong napangiti dahil maayos siya.Ginawa nga ni Kuya Jadon ang sinabi niyang magiging ligtas si Dong.

Tapos parang may babaeng sumalubong sa kanila at may hawak itong batang lalaki......

Teka. Diba-si Ate Sabel at Ydrian yan? Nakita ko na yinakap nila si Dong at masayang masaya si Dong pagkakita sa kanila.

Nakita ko din ang... ang paghawak ni Dong sa kamay ni Ate Sabel at tinignan si Ate sabel ng punong puno ng pagmamahal.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko....May relasyon na ba sila? Paano si Naizer? Paano...

Paano na ako?

Lumipat sa reporter ang camera.

as you can see, the HeadGuitars members have just arrived. That woman and that boy, are they whom Nathan referred as his loved ones? A woman and a boy he missed? Keep on watching and we will bring you updates!" Nakangiting sambit ng reporter.

Tapos bigla na lang nag commercial. Napaisip ako sa sinabi ng reporter. A woman and a boy? The one he missed and loved so much?

Eh paano kami ni na psalms, exodus at rev? Nakalimutan na ba niya kami?
Bigla kong naramdaman ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

Unregistered number ang nakasulat. Sino kaya ito? Sinagot ko na lang iyon.

"HELLO?" Bati ko.

" Is this Ms. Elena Mariana RosaAnita Millagrosa Villamor?" Tanong ng caller na lalaki ang boses.

Wanted: MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon