Chapter 11: BAON

29.6K 783 52
                                    

NATHAN pOV:

Hindi pwedeng si Neneng ang crush ng kaibigan ko!

It can't be! Nabangga ba tong si Lancer kaya na damage ang mata nito?O sadyang naasinta ni Kupido yung mga mata niya kaya nabulag siya? Lagot sa akin ang batang anghel na walang brief na yun!

Lumapit sa amin si Neneng na ang lapad ng ngiti.

"Hello Dong!" Nakangiti niyang bati sa akin at napatingin siya sa katabi kong tulala sa kanya.

" Hello Chong.." Bati naman niya kay Lancer.

Buwahahahahahahahahahaha.. Natawa ako sa tawag niya kay Lancer. Kulang nalang go para maging Chonggo.

" My name is Lancer." sagot ni Lancer na ipinakita ang tinatagong seductive smile niya. Aba! Nagpapacute siya kay Neneng.

" Hhehehehe.. Hello Lance.." nakangiting sagot ni Neneng.

Mas lalong lumapad ang ngiti nitong si Lancer. Palayaw kasi nito ang Lance.

" What's your name?" tanong ni Lancer. Iba ang timbre ng boses nito. Parang naging paswabe.

" Ha? Name?..... As in pangalan??" tanong niya kay Lancer.

Hindi Address mo ang tinatanong ni Lancer. Tssss...

" Oo." sagot ni Lancer na nakangiti ng sobrang lapad. Kita ang mga malalim na mga  biloy sa pisngi.

" Elena Mariana Rosa  Anita Millagrosa.. uhmmm...Neneng sa short. "sagot ni Neneng na nakangiti.

Buwahahahahahaha.. Neneng sa short? Anu yun? damit lang? sana sa panty nalang. buwaahahhahaha.... Neneng's panty! Hahahahah.

" Ang haba naman ng pangalan mo.. pero maganda..." sabi ni Lance.

Tsssss.... For the first time in forever na nambola tong si Lancer ah... Inaapply na ata nito ang mga the moves ko na tinuturo sa kanya.

" S-salamat." sabi ni Neneng na namumula ang mga pisngi.
(-____-) tsss... naniwala naman na maganda ang pangalan niya. Tsss. Uto uto.

Nahihiya itong tumingin kay lancer. Nagpapacute pa eh. Hindi naman cute.

" Oy! Bakit ka nandito?" tanong ko kay Neneng na medyo naiinis ang tono.

Bigla akong siniko ni Lover boy.

"Dude.. Talk to her nicely." suway nito sa akin.

Aba! May tagapagtanggol na tong si Neneng ah!

" Ah.. hehehehhe.. Eto pinagluto kita ng tanghalian mo... Baka kasi hindi ka naman kumain eh.." sabi ni Neneng na binigay ang luch bag sa akin.

Woah! This is the first time na may naghanda sa akin ng lunch.......

Napatingin ako sa lunch bag.

"Sa akin to?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"T-thanks..." sabi ko at tsaka kinuha yung lunch.

" Walang anuman Dong.. utos kasi sa akin ni Tatay pogi na......"

Sinasabi ko na nga ba! She doesnt really care! Utos lang pala ni Dad na ipaghanda niya ako ng lunch.

Now I dont like to eat this. Hindi na ako nakinig sa sinabi niya.

" Ok.. You may go." sabi ko at saka tumalikod bago pa mapagalitan nitong si Loverboy.

" Bye Dong!" sabi ni Neneng."

" Wait Elena.. If you want pwede kang sumabay sa akin mag lunch.. treat kita.' nadinig ko na sabi ni Lancer.

Wait? Tama ba narinig ko?

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now