Chapter 61: The Real Parents

16.7K 387 79
                                    


Neneng Pov:

" Kuya Jadon... kamusta na ang mommy ko?" naiiyak kong tanong. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa kanya na gumising na si mommy.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ni mommy sa ospital.

" M-mommy......" tawag ko sa namumutlang babae at may tubo sa bibig. Nanghihina ito at nakahiga sa kama.

Hindi ko napigilan ang mga luhang unti unting pumapatak sa mga mata ko.

Na-alala ko pa.... 15 taon na nakakaraan. Maaliwalas ang mukha ni Mommy. punong puno ng saya. Maganda. Yun ang huling mukhang nakita ko bago ako nawala.

"Mommy!" napatakbo ako papalapit sa kanya at kaagad na niyakap siya.

" Ye.... Sha?..." nanghihinang tawag niya. Halata ang gulat sa namumutlang mukha niya.

" Ako nga mommy.... ako to... si yesha... ang princess mo mommy." hagulgol kong iyak.

" Ye.. sha....." nanghihinang sagot ni Mommy. Naramdaman ko na gumanti ito ng yakap. Walang lakas ngunit ramdam ko ang pananabik niya.

" Bu.. hay ka... buhay..ka.. anak...." Nanghihina nitong sambit. Hinaplos niya ang aking pisngi at nakita kong ngumiti siya sa akin.

Ang mata niyay may mga luha na naguunahan din ang pagbagsak.

" Ikaw... nga.. a-anak..." sambit ni Mommy.

Ngumiti din ako sa kanya habang umiiyak

" hindi na kita iiwan mommy.... H-hindi na.." sambit ko at mahigpit na hinawakan ang nanlalamig na kamay ni mommy.

"Anak.....ang..princessa ko.." sambit ni mommy at yinakap ako...

Nagiyakan kami at nag ngitian. Malungkot dahil sa maraming taon na nagkahiwalay kami. Masaya dahil sa wakas nagkita na din kami.

" Magpagaling ka mommy ha.... Huwag mo akong iiwan." Sambit k okay mommy.

" Oo anak... oo." Sambit ni mommy.

" Sino ka?!" nakadinig ako ng isang baretonong tinig.

Unti unti akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Nakita ko ang isang lalaki na kasing edad lang ni Tatay pogi. Unti Unti akong napatayo.

" Daiselle?" tanong niya sa akin.

" Hindi po Tito...... siya po... siya po ang totoong si Iesha Margeux Veloso." Sagot ni Kuya Jadon.

" A-ano?! Imposible! Matagal ng patay ang batang yun." Bulalas ng lalaki at tumingin sa akin.

Bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha.

" Hindi po. Nakaligtas po si Maggie mula sa pagkakahulog sa barko. May kumopkop sa kanya Tito." Sambit ni Kuya Jadon.

" Baka impostor siya! Baka nagpapanggap lang siya!" bulalas nito at marahas na tinuro ako.

" Hindi po... dahil meron siyang.... Balat.... ang tanging palatandaan ni Iesha Marguex." Kalmadong sambit ni Kuya Jadon.

Hindi parin kumbinsido ang lalaki.

" Tito daddy......" tawag ko sa kanya.

Ikinagulat niya ang pagtawag ko sa kanya. Yan ang tawag ko sa kanya dati.

"Y-yesha?" gulat na gulat na tanong niya sa akin.

" I love you to the moon and back." Sambit ko sa kanya na nakangiti. Tinuro ko ang gilid ng pusod ko at saka ang puso ko.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now