Chapter 17: The Rules

28.1K 754 12
                                    

Neneng POV

Grabe.. dumudugo na ilong ko sa kakabasa ng sinulat ni Dong ha. Hindi naman English  pero hindi ko maintindihan. Parang paa niya kasi ang sumulat at hindi kamay eh. Ang pangit pangit ng pagkasulat.

Andito ako ngayon sa kusina at isa isang sinusubuan yung mga bata.

Maya maya ay lumabas na din si Dong mula sa kwarto niya.

“ Good Mo…….” Hindi ko natapos ang sasabihin ko at napatakip nalang ng mata.

Si Dong kasi naka short lang. yung maikling short tapos walang damit pang itaas. Kinakamot pa niya ata yung kwan niya…

 “ Neng, maghanda ka daw sabi ni Dad. Mag ta try daw tayo ng susuotin natin sa kasal.” Naantok niyang sabi.

“ Bat ka nakapikit diyan?” tanong niya sa akin.

“ Napuwing ako.” Pagsisinungaling ko.

“ Tsss.. Ang hot ko kasi.” Narinig kong sabi niya.

Ang yabang talaga nitong si Dong kung minsan.

Nathan Pov:

Tss ayaw pang umamin na nakakita siya ng hot na lalaki. Hehehehe..

“ Oh neng. Nabasa mo na ba ang kontrata na binigay ko sayo?” tanong ko sa kanya.

“ OO dong.” Sagot niya.

Napansin ko na maraming tissue sa mesa na may dugo.

“ Nanood ka na ba ng English na palabas? Yan tuloy nag blood flood yang ilong mo.”

“ Hindi Dong. Eto yung dahilan kung bakit nag nonosebleed ako.” Sabi niya at tinaas yung Kontrata.

“ Bakit? Eh tagalog naman yan.”

“ OO nga Dong. Kaso parang English din kasi hindi ko magets kung anong mga letra ba dito ang sinulat mo. Kamay ba yung ginamit mo? O kaya gising ka ba ng sinulat to?”

“ Iniinsulto mo ba ang penmanship ko?” sabi ko sa kanya at marahas na binagsak ang baso sa mesa.

“ Hindi Dong ah. Nagtatanong nga lang. Pero hindi naman sa kinukutya ko yung pagsulat mo ha… Ang pangit talaga eh. Promise.” Sabi pa niya.

Hindi daw kutya (=___=) eh kinukutya na niya ako.

“Babasahin ko na nga lang to.” Sabi ko at kinuha na sa kanya.

12 golden rules

Warning: Kahit sino sa ating dalawa ang lumabag ay kailangang magbayad ng 10 million bawat nilalabag na rules sa kontratang ito.

Rule no. 1: Walang pakialamanan kapag tayong dalawa lang.  Bawal magdemand sa isatisa

RULE NO.2: Dapat maging tapat sa  isat-isa

RULE NO 3: Walang sakitan.. physically,EMOTIONALLY AND ANY OTHER MEANS

RULE NO.4: DAPAT ay maging sweet sa isat isa kapag may kaharap na ibang tao.Ibig sabihin… magkikiss tayo o kaya holding hands. Depende sa sitwasyon.

RULE NO.5: Bawal makipagrelasyon sa iba habang kasal na tayo. Kung may magustuhan man, ok lang na crush muna pero hindi dapat umabot sa relasyon.

RULE NO.6:  Bawal magselos kapag may napupusuan ang isa. 

Rule no.7:  Walang mamagitan sa atin. Ibig sabihin walag pagtatalik na mangyayari.

Rule no. 8:   As a wife, dapat gawin ang responsibilidad tulad ng pagalaga sa mga bata  pag gawa ng mga gawaing bahay. Pag-alaga sa mga bata o kahit sa asawa kapag kailangan na kailangan.

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now