chapter 46: Yaya Dong

22.5K 624 85
                                    

Nathan Pov

Mahirap palang suyuin ang isang dalagang Pilipina, well..... asawang pilipina. (Im already married to my wife) lalong lalo na sa pagkuha ng matamis na OO ng magulang.

Well even though it is hard, I really don't mind. I love my wife. Pag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Pag mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo, handa kang humarap sa mga pagsubok. Handa kang gawin ang lahat kahit......

lumunok ng bato...

(=___=)wala na akong maisip idugtong eh.. hehehehe...

Yeah it's hard but all will be worth it.

Premyo ko lang naman ang happiness ko!

Konsensya: Naks! Yun oh! May hugot!

Sa ngayon ay nagaakyat ligaw pa din ako. Isa sa kultura ng pinoy sa panliligaw ay dapat magtrabaho ang lalaki sa pamamahay ng babae.....

He has to work literally to get the approval of the father.

In my case, sa sariling pamamahay ako magtatrabaho.

" mag igib ka ng tubig. Mandidilig ako ng halaman sa hardin." Sambit ni Tatang.

" Papah! (wave) may water hose po ako sa bahay.. hindi na po kayo mahihirapan." Sambit ko.

" Nagrereklamo ka ba?" taas kilay na tanong ni Papah (wave)

" H-hindi po! Nagsusuggest lang.hehehehehehehe" sambit ko at tumawang kinakabahan.

"A-ano? Su-suggest?! Ano ba yang suggest suggest na yan?! Kinakain ba yan?" tanong ni Tatang.

" Hehehehe.. ano.. parang suhestyon po." Sagot ko.

" ah! Yun naman pala! Sa susunod walang English ha,,, ang sakit sa isip eh! Nagkakasakit ako sa isip" sambit ni tatang.

(=___=) SAKIT SA ISIP... Ipamental ko kaya si Tatang?

Pero baka isang malaking HINDI ang matanggap ko. Huhuhuhuhuhuhu....

"pag whose ang gagamitin.. malulunod ang halaman. Kung sa tabo. Makokontrol ko ang dami ng tubig na ipandidilig ko..." sagot ni Tatang.

Tumango ako. Ganon pala yun?

" sige po tatang.. iigib na po ako." Sambit ko at ngumiti.

Diretso ako sa banyo at kumuha ng balde. Pinuno ko iyon ng tubig. Pagkapuno ay kaagad ko iyong binuhat palabas.

Woah! ANG BIGAT!!

Halos namula mukha ko sa pagbubuhat. First time kong mag igib ng tubig. Kaya naninibago.

" Go sir! Go sir! Go sir! GO SIR!" nakadinig ako ng pag cheer.

Napalingon ako at nakita ko na sina Kuya Itim at ang member ng akyat ligaw gang ang kasama niya. With matching pom poms and banners.

" give me a D" sigaw ni kuya itim

Biglang may gumulong gulong na lalaki na may hawak na isang papel na may letrang G.

(=___=) di ba nila alam ang letters of the alphabet?

" ano ka ba naman Dang! Sabi ko D! hindi G! huwag kang bingi!" sigaw ni Kuya Itim.

"Ulit tayo!" sigaw ni Kuya Itim.

"Give me a D!" Sigaw ni Kuya Itim.

May gumulong na lalake sa harap at pagkalanding niya sa harap ay lumuhod ito sabay pakita ng papel na may D

Wanted: MommyWhere stories live. Discover now