Untold Story

92 0 0
                                    

Untold Story

Loving him was the craziest thing I've ever done in my life.

I met Sunny way back 2013 in our company event. Pareho kaming nagtatrabaho bilang isang Data Base Encoder, pero magkaiba kami ng department. Halata sa kanya na gay siya dahil ang lambot lambot ng galaw niya. Pero iyong pormahan niya pang lalaki pa naman. But he's obviously a gay. Guwapo siya na maputi na average ang pangangatawan. Chinito. Kabaligtaran niya ako, moreno naman ako, pero sabi nila guwapo rin ako. Kahawig ko si Aljur Abrenica, iyong artista. And I admit it unang kita ko pa lang sa kanya noong gabing iyon na may sparks na between us. Medyo naguluhan pa nga ako sa sarili ko noon because I was having a girl crush with my other work mate. Nasaan ang hustisya? So, hayun nga. Nadiskubre ko na bisexual ako.

Noong gabing iyon sa company event. Nagkapalitan kami ng number ni Sunny.
That was the start. Nagkukulitan sa text, tawagan almost everyday. Then we decided na magsama na lang sa isang bahay. Nag-rent kami ng bahay iyong malayo sa lugar ko. Dahil ayaw kong may makakita at makaalam nang pinaggagawa ko sa buhay ko. Which is sobrang hirap para sa akin dahil ayaw kong madismaya ang family ko sa akin. Basta ang alam nila lumipat ako ng boarding house at may kasama ako. Only child ako kaya strikto din ang parents ko.

---

"Hon, uuwi muna ako sa amin. Okay lang ba?" paalam ko sa kanya. Nang tingnan ko siya nakasimangot na naman.

"Dan, bukas na lang puwede? Sinabay mo pa sa day off ko, ano?" may pagtatampo sa boses niya.
Tumayo siya at lumapit sa akin habang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin. Niyakap niya ako at malagkit na nakipagtitigan sa salamin. Biglang dakma niya sa pagkalalaki ko.

Tinanggal ko iyon at tinalikuran siya. Kinuha ko 'yong sapatos ko sa shoe stand at sinuot iyon.

"Kailangan kong umuwi. 2 years na tayong magakasama pero bilang na lang sa daliri ko iyong pag-uwi ko. May pamilya tayo, hindi naman laging ganito na walang laya sa isa't isa," mahinahon kong sabi.

Humalukipkip siya. "Anong ibig mong sabihin? Bakit nasasakal na ba kita? E di umuwi ka!"

"Kitid ng utak mo," wala sa sariling nasambit ko.

Pinamaywangan niya ako. "Ako? Makitid ang utak?" Tinuro niya pa ang sarili. "Sige, umuwi ka. Pero isasama mo ako!"

"Hayan ka na naman. Tigilan mo nga ako!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko. Kaya nawawalan ako ng gana. Ganyan naman siya. Gusto niya, siya ang laging nasusunod sa relasyong ito. Mahal ko siya pero minsan nagiging bayolente na rin siya.

Minsan hindi ko na alam kung hanggang saan ako dadalhin ng relasyon naming ito. May trust issues pa kaming kinakaharap. At siya lamang ang nagpapalaki ng lahat. Sa pagsasama naming ito ako ang nagpapakalalaki. Ako iyong may mahabang pasensiya, at siya naman iyong dinaig pa ang bungangangerang asawa. Siya ang umaaktong babae. Putak nang putak, selos nang selos ng wala namang dahilan.

Hindi naman kami ganito noong nagsisimula pa lamang kami. Noon sobrang saya, pero katulad nang normal na magkarelasyon dumadaan din talaga kami sa pagsubok.

"Sigurdo ka bang sa inyo uuwi? O baka naman kay Magda ka lang makikipaglandian!"

Nakasunod siya sa akin hanggang sa nakarating kami ng kuwarto.

"Pinag-iisipan mo nang ganoon iyong tao na walang kaalam-alam sa relasyon natin. Pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa trabaho. Walang malisya iyon," sabi ko nang harapin ko siya.

"Usap-usap? Kung makatitig sa iyo, pagkalagkit-lagkit!"

"Tigilan mo na 'yang kakaselos mo ng walang basehan. Ang dumi ng utak mo. Alam mo ba 'yon? Aaalis na ako—"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Collection of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now