The Art Of Letting Go

326 4 0
                                    

The Art Of Letting Go

Nakipagkita si Art sa dati niyang sekretarya na si Cecil. Gusto na kasi ni Art na makipaghiwalay at tapusin ang lahat-lahat sa kanila. Kaharap niya si  Cecil ngayon, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa, pabagsak niyang ipinatong ang makapal at maliit na brown envelope sa mesa, na naglalaman ng malaking halaga. Nagtataka naman si Cecil sa tinuran niya.

"A-Ano 'yan?" tanong nito kay  Art.

"Pera, kabayaran sa lahat ng serbisyong ibinigay mo sa akin sa loob ng isang taon." Walang emosyon niyang sabi.

"Hindi ko kailangan 'yan." Inusog ni Cecil ang brown envelope sa kaniya. Napayuko na lang si Cecil na waring maiiyak. Masama ang loob nito sa lalaki dahil pinagmumukha siyang pera.

"Tsk. Ngayon ka pa ba nag-iinarte? Pasalamat ka nga at binibigyan pa kita. Malaking halaga na 'yan tinatanggihan mo pa,"

"Alam mong hindi ako mukhang pera." Mahinahon at mahinang tugon ni Cecil. Hindi naman siya eskandalosa, saka, nasa isang restaurant sila. Alam niya kung saan siya lulugar sa buhay ni Art.

"Kung gano'n wala na rin pala tayong pag-uusapan pa." Mabilis na tumayo si Art, iniwan din nito ang pera sa ibabaw ng mesa. Naluluha naman si Cecil sa ginawa nito. Nawala agad sa paningin niya si Art, kaya naman sinundan niya agad ito dala ang perang iniwan nito sa kanya.

Nakita niya si Art sa may parking lot. Sasakay na sana ito sa kotse nito, pinigilan lang niya ito.  Nagulat si Art nang lumipad sa mukha nito ang libo-libong pera na ibinigay niya kay Cecil.

"Anong problema mong babae ka?!" Singhal ni Art rito. Hindi na nila alintana kung may mga tao man sa paligid. Matapang na nakipagtitigan si Cecil sa kaniya.

"Mahal kita, Art. Buong buhay ko inilaan ko sa 'yo. Noong mga panahong iniwan ka nang asawa mo, sinong dumamay sa'yo? Ako 'di ba!" Tuluyan nang napahagulgol si Cecil. Napaatras naman si Art. Hindi niya mawari kung maawa siya kay Cecil. Totoo naman kasi ang sinabi nito. "Bumalik lang siya sa 'yo. Tinanggap mo naman siya ulit. Tapos ako? Ano?! Balewala na lang?" Mahabang litanya nito.

"Akala ko bang hindi ka maghahabol? Alam mong darating tayo sa ganitong sitwasyon. Wala akong ipinangako sa 'yo ni kahit na ano. Ang sabi mo maayos tayo sa ganitong set-up." Naiinis na sabi niya rito. Kahit matagal niya nang nakasama si Cecil, ni minsan ay hindi siya umibig rito.

"Buntis ako," sabi nito. Basang-basa na sa luha ang buong mukha nito.

"What?!" Nagulantang siya sa rebelasyon nito. "H-Hindi puwede! Hindi! Sinabi ko naman sa 'yo, 'di ba, na mag-iingat ka!" Sita na naman niya.

"Maawa ka sa akin, Art. K-Kahit sa bata lang. Kahit hindi na ako..." Umiiyak na sabi nito. Hinawakan pa niya ang mga kamay ni Art, pero tinabig lang niya iyon. Saka siya malakas na itinulak dahilan nang pagsadsad ng pang-upo niya sa malamig na sahig. Nakaramdam siya ng sakit sa ibabang parte niya. Parang kumikirot ang puson niya. "A-Arayyy!" Sigaw niya na namimilipit sa sakit. Hindi naman siya pinansin ni Art. "T-Tulungan mo ako, ahhhh!" Kipkip niya ang sariling tiyan at hinimas-himas niya iyon na parang pinapakalma niya.

Nakatingin lang sa kaniya si Art. Blanko ang mukha nito. Ninerbiyos siya nang maramdaman niyang parang may mainit at basang likidong dumadaloy sa pagkababae niya. Hindi niya nakayanan nang makita niyang umaagos ay dugo pala, nahimatay siya dahil sa sobrang nerbiyos at kabang mawawala sa kaniya ang magiging anak nila ni Art.

---

Bumungad kay Cecil ang puting paligid. Nagtataka siya kung nasaang lugar siya. Ang huling natatandaan niya ay nahimatay siya dahil dinudugo siya. Bigla siyang kinabahan at hinaplos ang hindi pa umbok na tiyan. "Ang baby ko." bulong niya. Nangingilid ang kaniyang luha. Nagpalinga-linga siya, saka lang niya napansin na nasa isang silid siya ng hospital. Naka-dextrose rin kasi siya.

Collection of One Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora