Untold Story 2

92 3 0
                                    

Untold Story II
Sandy & Jared

LOOKING at my husband now was the biggest accomplishment I made in my life. I am now the happiest woman in the world. I'm two months pregnant at isa rin ito sa nagpadagdag ng kasiyahan ko pati na rin sa aking asawa. Ang tagal na naming mag-asawa, we're married for almost 3 years at ngayon lang ako nalamnan.

Kailangan nang magbuntis kasi hindi na raw kami bumabata sabi ng mga magulang namin. They already want a grandchild, kaya nga nagpursige kaming makabuo.

Hinuli niya ang aking kamay, hinahaplos ko kasi ang maamo niyang mukha.

"Pinagnanasaan mo na naman ako, ano Mahal?" tanong niya sa akin na gamit ang napakalambing na tono.

"Ang guwapo mo kasi, hindi ako magsasawang titigan ka," sabi ko sa kaniya na hindi mapalis ang ngiti sa aking mga labi.

"Talaga lang ah? Noong nakaraan sabi mo ang pangit ko. Sabi mo pa na hindi ako guwapo kundi ma appeal lang ako." Sinabayan pa niya ng malakas na pagtawa.

Napasimangot ako. "Sinabi ko lang iyon kasi naman lahat ng babae sa may department store sa may baby section ay ikaw na lang ang kinakausap. Hindi ba ako ang nagtatanong? Bakit sa 'yo sumasagot? Ang babastos nila kala mo ang gaganda, e ang kakapal lang naman ng kolorete nila sa mukha."

"Selos ka na naman, Mahal," nakangiting sabi niya.

"Siyempre, sino ba ang hindi magseselos? Ang guwapo at macho ng asawa ko. Tapos paglalawayan lang siya ng mga harot na babae." Kunwari naiinis ako. "Sa susunod na bilhan natin ng gamit si baby sa palengke na lang tayo bibili," dagdag ko pang sabi.

"Bakit naman doon, Mahal? Grabe ka naman magselos. Huwag naman doon baka isipin ng parents mo namumulubi na ako. Bahala ka, kapag doon tayo namili pagkakaguluhan lang ako ng mga tao doon kasi baka mapagkamalan nila akong artista," sabi niya. Malakas pa siyang tumawa na lalong nagpasimangot  sa akin.

"Hmp! Ewan ko sa 'yo. Nagugutom si baby gusto daw niya ng asadong siopao." Parinig ko sa kaniya.

"Bakit nagsasalita na ba si baby?" biro niya.

"Aba't pilosopo ka! Isa! Bibilhan mo ba ako o hindi? Sige na naman mahal oh." Napanguso pa ako.

"Seryoso, Mahal? It's already 2 am." Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwalang uutusan ko na naman siya.

"Meron naman sa may 7 eleven dito. Bilis mo na!" Tinulak ko pa siya para ganahan siyang umalis ng higaan. Tumayo ito at nag-unat-unat pa ng katawan.

"Si Tatay Karyo na lang, Mahal?" Tukoy niya sa matandang driver namin.

"Ayaw! Ikaw na ah, iistorbohin mo pa iyong matanda."

"May trabaho pa ako mamaya." Palatak niya.

"Sige huwag na lang." Tumalikod ako ng higa at nagkunwaring nagtatampo.

Nang mapansin niyang hindi na ako kumikibo ay lumapit siya sa akin at niyugyog ang balikat ko.
"Mahal, bibili na ako. Huwag ka ng mag-senti," malambing na sabi niya.

I smiled at him and sat up on the bed and kissed him fully on his lips. We kissed for a minute, later on his hands traveling on every part of my body. Tangka niya nang tatanggalin ang suot kong pantulog, buti na lang at napigilan ko ang malanding hormones ko. "Before anything else, siopao muna, Mahal," sabi ko at napangisi siya na kakamot-kamot pa ng ulo niya.

"Hashtag bitin," bulong pa niya sa akin na labis kong ikinatawa.

"Tara na nga samahan na kita, gutom na si baby. Ang kulit mo kasi." Kunwaring maktol ko.

Collection of One Shot StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora