Untold Story 1

149 1 0
                                    

Untold Story I
Maggie & Peter

TINANGGAP ko ang alok ni Percy na magtrabaho sa kompanyang pinagtatrabauhan niya. Magiging assistant niya ako, may sarili kasi itong office. Sayang din naman kasi ang pinag-aralan kong Secretarial kung mabuburo lang ako sa bahay. Saka matalik na kaibigan ko si Percy at alam kong hindi niya ako pababayaan.

At kahit ayaw ng aking asawa, wala siyang kaalam-alam sa mga desisyon ko, sinunod ko pa rin ang gusto ko. Paano ba naman kasi nabuburo na ako sa bahay namin. Hindi ko rin naman siya kasama, madalang pa sa patak ng ulan kung umuwi man 'yon. Minsan nga, kung hindi ka mag-demand, wala. At least malilibang ako kapag nagkatrabaho ako.

Nagtataka na nga ako minsan kung bakit ayaw niya akong kasama sa apartment niya. Minsan nag-iinsist na akong puntahan siya, ayaw pa rin niya. Masyadong masungit ang asawa ko.

Saka next week na ang start ko sa work. Handa na lahat ng mga gamit ko at mga papers na ipapasa ko kay Percy. Sana wala nang aberya.

PAGTAPAK ko pa lang sa Manila, kabado na ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ni Peter. Nag-text ako ngayon sa kaniya na sunduin ako dito sa Cubao Terminal. Linggo ngayon kaya alam kong nasa apartment lang siya.

Hinihintay ko ang reply niya, pero wala pa rin. Pero makaraan ang 30 minutes ay may taong tumapat sa akin, walang iba kundi ang
pinakaguwapo kong asawa! Naku naman, mukhang mainit ang ulo niya? Magkasalubong kasi ang mga kilay niya. Galit yata? Pero binalewala ko na lang 'yon.

"Why are you here?" he asked coldly.

"Ahmm, tinanggap ko na kasi 'yung offer ni Percy, remember?" I answered him nervously at hindi pa rin maipinta ang mukha niya.

"I thought we're already clear on that? Noon pa ayaw ko nang magtrabaho ka!" he shouted on me.

"I know, hindi ka papayag. But please, try to understand. Nami-miss kasi kita lagi. At sobrang nababagot na ako. Useless din ang pagtatrabaho mo kung malayo naman tayo sa isa't isa!" Inis kong sabi sa kaniya. Naiiyak na ako pero tiningnan lang niya ako, ganoon lang ba siya ka insensitive? Ni wala siyang pakialam sa nararamdaman ko? Kabanas siya!

"Halika na!" Sinigawan pa niya ako at hinablot ang dalawang bag na dala ko.

"Saan tayo pupunta? Doon na lang ako kay Percy tutuloy!" pagmamaktol kong sabi sa kaniya.

"I'm your husband! Doon tayo sa apartment!" galit niyang sabi.

HALOS isang buwan na ako dito sa Maynila. Salamat sa Diyos at maayos naman ang trabaho ko. Nakakapagtaka lang si Peter kasi madalas nasa out of town siya. Minsan magte-text siya na sa labas na lang din daw siya mag-didiner. Minsan naman, sa office na siya natutulog dahil marami raw paper works. Ang dami niyang dahilan, kaya iyong niluluto ko nasasayang lang din.

Nakakatawa lang kasi pati sex life, halos wala na. As in coke, iyong zero. Pagdating naman niya rito sa bahay halos kain-tulog na lang ang ginagawa niya, tapos aalis na naman. Ano ba ako sa kaniya? Katulong? Hinihintay ang amo sa kaniyang pagdating. Ang saklap! Pasalamat siya mahaba ang pasensiya ko.

NAGTATALO kami ni Trixie, dahil nalaman niyang nakatira na si Maggie sa apartment.

"Paano na tayo niyan? Ganito na lang ba tayo?" naiiritang tanong ni Trixie sa akin.

"Ano pa ba'ng gusto mo?! Halos na sa 'yo na lahat ng oras ko!" galit na sabi ko.

Nanahimik si Trixie at saka ako sinamaan ng tingin. Si Trixie, matagal ko na siyang kilala. She's my ex. Nagkataon lang na sa kanila ang company na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko siya mahal at lahat ng ito ay para lang sa mga pangngailangan ko bilang lalaki. Maganda si Trixie, sexy, napupunan niya ang pangangailangan ko pagdating sa kama. Pero mahal ko ang asawa ko. Kapag nag-aattempt akong makipaghiwalay kaniya, pinagbabantahan niya akong magpapakamatay siya.

Collection of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now