Deadly Revenge

236 3 0
                                    

Deadly Revenge

"May lead ka na ba sa kaso ng kapatid ko?" tanong ko kay Agent Menard.

"Meron na. Hawak na siya ng isang bata ko," sabi niya na nakangisi.

"Good job! Let's go to our business," sarkastiko kong sabi.

Hinagis ko kay Menard ang susi ng kotse ko. Pagkasakay namin, wala na siyang inaksayang oras pa. Pinaharurot niya ng sobrang bilis ang kotse. Kalahating minuto lang ay nakarating na kami agad sa Underground. Isa iyong safe na hide out. Na tanging kami lang ni Menard ang nakakaalam at ng ibang tauhan nito.

"Nasaan siya?" narinig kong tanong ni Menard sa isang malaking lalaki.

"Nasa torture room, Sir," sagot naman ng lalaki.

"Sige lumabas ka muna," utos ko naman sa lalaki.

Ngumiti lang siya sa akin. Kami naman ni Menard ay dumiretso sa isang kwarto na kulay itim ang pintuan. Nang makalapit na kami roon sa pinto, ay ubod lakas ko iyong sinipa. Bumungad sa amin ang lalaking nakatali sa upuan, nakagapos ang mga kamay at paa nito. Nakapiring din ang mga mata.

"S-sino kayo?!" hiyaw na tanong niya. Nakangising nagkatinginan lang kami ni Menard.

"Police Officer, Leandro Baldemor. May asawa't kabit. Dalawa ang anak na babae sa legal na asawa. At may isa ring anak na babae sa kabit. Nakatira sa Maligaya Street. Bagong Bayan, Quezon. House number, 666!" Malakas kong saad. Nanggigigil ako sa hayop na ito! Kaya pala mukhang demonyo! Mukha ngang hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha. Mukhang dugyot. Nakuha pang mambabae. Tsk! Isa rin pala itong tiwaling pulis. Habang papunta kami kanina rito ay binasa ko ang report tungkol sa taong 'to.

"Maawa po kayo. Ako lang ang inaasahan ng dalawang pamilya ko." Pagsusumamo niya. Hindi naman siya mukhang nakaka-awa.

"Wala akong awa, ikaw ba Pare, may awa ka ba?" seryosong sabi ko kay Menard. Ngising aso lang ang tinugon niya sa akin.

"Pakawalan ninyo ko rito! Ano bang kailangan ninyo?!" pasigaw na sabi niya. Nagpupumilit itong makawala sa silyang kinauupuan niya.

Sa sobrang inis ko'y marahas kong hinila ang piring na nakatakip sa mga mata niya. Laking gulat nito nang mapatingin siya sa akin. Nanlalaki ang mga mata nitong parang nakakita ng multo.

"L-Lia? Buhay ka! Imposible!" natatakot na sambit niya.

"Ang ingay mo!" Maikli kong sabi. Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanya na pinatama ko sa bunganga niya. Pumutok ang buong bibig nito. Napaigik ito sa sakit.

"Tang ina mong babae ka!" Pasigaw na sabi niya.

"Tang ina mo rin!" ganting sabi ko.

"Kilala mo ba kung sino 'to?" Tukoy ni Menard sa litratong hawak nito.

"Siya 'yan," tukoy niya sa akin. Nakuha pa niyang inginuso ako kahit na duguan na ang bunganga niya.

"Well, hindi ako 'yan. Kapatid ko lang naman 'yan."

"Tama, tama. Ahahahaha! Nabanggit nga ni Lieutenant Lia na may kapatid siya." Nababaliw niyang sabi.

"Nasaan si Lia?" Tanong ko.

"Patay na siya!" Pasigaw na sabi niya. Nanggagalaiti ako sa galit.

"Hindi ko ako naniniwala sa 'yo! Ano bang alam mo? Mag-kwento ka naman!" Naiirita kong sabi.

"Kahit ano pang sabihin mo, wala kang mahihita sa akin." Mayabang na sabi niya na labis na nakapagpakulo ng dugo ko. Kinuha ko ang plier sa isang drawer.

Collection of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon