Chapter 52

4.5K 125 14
                                    

"So...Claribel hija..you meant to tell us that Catherine tricked you and that's why you go to Brazil?" Di makapaniwalang tanong ni Papa kay Claribel after na magpaliwanag nga ang Dalaga.

"Yes Tito Edmund, I'm sorry po talaga but I really like your Son to the point na handa akong maging Mistress nya and sadly nalaman ng Babaeng nyan" turo ni Claribel sa Honey ko na prenteng nakaupo sa tabi ko at umiinom ng Milk Tea na hinanda ni Lemon sa amin.
"She make a move, niloko nya ako, pinaniwala sa isang kasinungalingan at ang tanga tanga ko kasi naniwala po ako" naluha na ito at agad naman na dinaluhan ni Papa ito.

"Don't blame me Miss Bitchy" ngumiti ng matamis ang Honey ko dito that makes me shivers.
"If you just stay quiet and never approach me and my husband then proudly said to me to annull my Wedding to him because you says so ay never kong gagawin na lokohin ka, besides it's just a joke" natatawang sagot ni Honey dito.
Pero nagulat talaga ako sa nalaman ko,
Na si Claribel mismo ang lumapit sa Honey ko at nag utos na Idissolve ang kasal namin....uulitin ko ang KASAL namin!

Kung ako yun malamang humingi na ako ng tulong sa Mama ko para talakan nya etong si Claribel ng magtigil na at matauhan.

Yung bunganga pa naman nun parang Baril, ratatat ng ratatat na hihilingin mo na lang na mawalan ka na ng pandinig.

"How Dare you!"

"Besides he's mine, my Husband, don't you think that I'm just an Idiot na papakawalan ko ang Asawa ko just because you says so" dagdag pa ni Honey ko.

Go Honey!

I love you na talaga!

"Pero Catherine kahit san man tayo magpunta mali pa rin ang ginawa mo" sansala ni Papa.

Napakamot na lang ako sa batok ko.

Like seriously? Mali nga ang Honey ko sa pinaggagawa nyang kalokohan pero okay lang sa akin yun kasi simula pa lang alam ko na, na ganun talaga ang ugali nito na ang kanya ay kanya at ang umangkin ay mananagot ng bonggang bongga sa kanya.

"Papa pero mali naman din ang ginagawa ni Claribel, sinabi ko na dati na tigilan nya na ang malaking joke na yan kasi wala akong plano na makipaghiwalay sa Asawa ko pero makulit sya at yan tuloy ang napala nya" singit ko saka bumaling sa Honey ko na nakatingin din pala sa akin.

"Thank you Hon, I know na maiintihan mo ang ginawa ko and Papa Edmund" bumaling ito sa Ama ko.
"I just protect what's mine, at dahil alam ko na tama ako dito ipaglalaban ko ito, at kung may masasagaan man ako ay humihingi na ako ng pag unawa pero hinding hindi ako hihingi ng tawad" anito na tila nagpapugto sa paghinga ko.

Lalo tuloy akong napahanga sa Honey ko at tanga lang ang papakawalan ito.

Well maraming Bobo sa mundo pero naitutuwid naman ito pag natuto na sila pero ang Tanga matagal tagal na proseso pa kasi kailangan muna nilang matauhan bago nila matanggap na nagkamali nga sila.

"Tito Edmund see? Just how rotten the personality of that Daughter in law of yours" apela ni Claribel sa Ama ko.
"Wag nyong hayaan na mahulog pa lalo si Kenneth sa kanya, just like what happen to Tita Minerva" dagdag pa nito na kinatiim ng bagang ng Ama ko.

Tignan mo etong babaeng ito, ginagatungan pa ang Ama ko.
Hindi ba puwede na natauhan lang ang Mama ko at naisip nya na ang sarili naman nya ang uunahin nya ngayon,
Isa pa Ex Girlfriend kaya ni Papa si Tita Sylvia na Nanay lang naman nya na ikina iinsecure ni Mama dahil mahal nga dati ni Papa yun tapos nun naging sila ay nagtaksil pa si Papa dito at ang ibinunga ay si Jonas.

"Hay naku Claribel wala kang alam sa Pamilya namin at wag mo nang gatungan pa yang si Papa at baka ako na naman ang pagdiskitahan nya like seriously isinilang lang ba ako sa mundong ito para maging shock absorber ng Pamilya ko?" Sa isip isip ko lamang ko.
"Buti na lang talaga at nandito ang Honey ko sa piling ko tapos gusto pa nila kaming paglayuin ng Honey ko like what the fuck?"

"Ahm....Papa Edmund si Mama Minerva nga pala nag text sa akin na imeet ko sya sa Lyka's Diner nasabi ko kasi sa kanya na masarap ang mga pagkain dun" nakangiting sabi ni Honey dito.
"If you want ite text ko si Mama Minerva na kayo na lang ang susundo sa kanya tapos mag dinner kayong dalawa don't worry po kasi kapatid naman ni Raine ang may ari kaya libre nya po yun sa aming apat kasi may favor syang hinihingi sa amin if gusto nyo lang naman" sabi pa ni Honey kay Papa.

Napatango tango ako kasi naalala ko na malapit nga palang ikasal sa simbahan ang Kuya ni Dawn at ang The Crayons ang kakanta lang naman sa Kasal nila.

Actually dun nga kami magda date ni Honey ko ngayon eh,

Natigilan si Papa at tila nag isip kung anung gagawin at pagkatapos nun ay tumayo na ito.

"I need to go and Claribel I think you should go home na at nami miss ka na nina Sylvia" nagmamadaling sabi nito bago tuluyan na lumabas ng Opisina ko.

Nang kami na lang tatlo ang naiwan ay ngumiti ng matamis si Honey ko kay Claribel.

Yung Ngiti ng Tagumpay.

"I hate you!" Sigaw ng huli sa Honey ko.

"Same here pero panalo ako ngayon kasi kami pa rin ng Honey ko and see tanggap na tanggap nya ang personality na meron ako at ikaw? Isinusuka ka pa rin" sagot naman ni Honey dito.

Naku ang Honey ko nagmamaldita na naman, paktay na nito si Claribel!

Nagtaas baba ang dibdib ni Claribel na tila pinipigilan nito ang galit nito na umalpas pero ng di na ito nakatiis pa ay tumayo na din ito at nagdadabog na lumabas ng Opisina ko.

At kami na lang dalawa ni Honey ang naiwan dito.
Nagulat pa ako ng umupo sa ibabaw ko si Honey at hinalikan ako sa labi ko na agad ko naman na tinugon...

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon