Chapter 46 part two

6.1K 135 4
                                    

Nahinto ang pag uusap namin ni Papa nang may kumatok sa pinto at pagkatapos ay iniluwa nun ang secretary ni Papa.

"Sir Edmund nasa line two si  Mr. Sandoval at may mga gusto syang itanong regarding dun sa mga products natin na naka line up nang lumabas next week" wika nito kay Papa.

"Ah okay.....well next time na lang natin ituloy ito Kenneth kilala mo naman si Mr. Sandoval gusto nya nang matagalan na usapan" sabi ni Papa sa akin kaya naman agad na tumayo ako at sinamsam lahat nang mga papeles na nakakalat sa lamesa at saka tumango kay Papa.

"Sige po Papa mauna na muna ako" paalam ko dito saka sumabay na sa secretary nito papalabas nang Opisina nito.

Papunta na ako sa opisina ko nang mamataan ko si Lemon na tila papaalis naman.

"Lemon!" Tawag ko kay Lemon na agad naman na lumingon sa akin.

Huminto ito saka hinintay na makalapit ako dito.

"Ikaw pala Kuya Kenneth" sabi naman nito sa akin.

"'San ka pupunta Lemon?" Tanong ko dito.

"Ah sorry Kuya pero kasi biglang tumawag si Papa sa akin  kailangan daw nya ako para kausapin yun mahalagang kliyente nya kasi busy daw sya, In short proxy nya ako" nakangising sagot ni Lemon sa akin.

"Ah ganun ba?" Tinignan nya ang wrist watch nya para tignan ang Oras.

Wow twelve thirty na pala kaya naman pala kumakalam na ang tiyan ko kasi naman gutom na pala ako!

"Sabay na din ako sa iyo Lemon paglabas mo nagugutom na kasi ako"  natatawang sabi ko dito.

"Sige Kuya" kaya naman magkasama na kaming lumabas nang building.

"Kenneth! Lemon!" Kapwa kami napalingon ni Lemon nang makita namin si Mavix na papalapit sa amin.

"Anung nakain ni Kuya Mavix at namwisita na naman sa atin yan Kuya Kenneth?" Bulong ni Lemon sa akin na tinawanan ko lamang nang mahina.

Nakalapit naman agad si Mavix sa aming dalawa ni Lemon.

"Buti naman at inabutan ko kayong dalawa" nakangising sabi ni Mavix sa aming dalawa.

"At bakit Kuya Mavix wala ka naman makasama dahil pinagtaguan ka nang mga girls nuh?" Nang aasar na tanong ni Lemon kay Mavix.

Napasinghap at nanlaki ang dalawang mata ni Mavix at saka umiling iling kay Lemon.

"Di naman namiss ko lang kayong dalawa" kaila nito saka pumagitna sa amin ni Lemon ito at inakbayan kaming dalawa.

Naiinis na agad na binaklas ni Lemon ang nakaakbay na kamay ni Mavix dito saka mabilis na lumayo dito.

"Well too bad Kuya Mavix may meeting ako sa client ni Dad kaya di ako pwede" sagot dito ni Lemon at tamang tama dahil may taxi na dumaan kaya naman agad na pinara ni Lemon ito.

"Next time na lang Kuya Mavix, and goodbye" anito saka sumakay na ito sa taxi at naiwan kaming dalawa ni Mavix sa harap nang building.

Shit di ito maganda.....  di pa ako naglulunch tapos mukhang wala na akong choice pag hiniling ni Mavix na samahan ko sya.....
Dahan dahan na lumingon ako kay Mavix at napalunok ako nang masiguro na tama ang hula ko.

"Sasama ka di ba?" Nagsusumamo ang mga mata ni Mavix sa akin at di lang yun hinawakan pa nya gamit nang dalawa nyang palad ang mga kamay ko. " di ba?" Nilapit pa nito ang mukha sa mukha ko.

"Ah....kasi Mavix....."   di ko malaman ang isasagot dito.

Shit di ako makaisip nang idadahilan ko kay Mavix.....

Naman Utak ko gumana ka!

"Di mo naman ako matitiis di ba?" Nakasibi si Mavix at lalo pang nilapit ang mukha sa mukha ko na dahilan para pagtinginan kami nang mga empleyado sa building na sakto at papalabas na din na siguro katulad ko ay kakain din nang lunch....

Napalunok ako lalo pa't nagbubulungan ang mga ito at nagtatawanan pa nang palihim.

Shit talaga...wala na talaga akong choice kundi....

"Oo na! Oo na! Ilayo mo lang yan mukha mo sa akin ang sagwa kasing tignan tayong dalawa" napipilitan na sagot ko dito.

"Thanks Man sabi ko na eh di mo ako matitiis"Ngumiti ito nang maluwang at sa pagkataranta ko ay hinila ako papunta sa naghihintay na Itim na SUV nito.

Yaman talaga nitong si Mavix  iba't ibang sasakyan ang minamaneho nito pag nakikita ko ito minsan Sedan minsan Jazz minsan Montero, last week Lambourgini baka next time Jaguar naman ang idinadrive nito pag nagkita kami tapos may Limousine pa sila dun sa garage nila Tito Vincent....alangang alangan talaga sa postura nyang Gangster kasi pag naka ganyan get up sya at di si Ares  na nuknukang nang gwapo saka makisig at maskulado ay nagmumukha syang Carnapper ....

"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko dito nang makasakay na kaming dalawa sa sasakyan nya.

"Malalaman mo din maya maya Kenneth" sagot nito at saka sinimulan nang paandarin ang sasakyan papunta sa di ko pa alam na balak puntahan ni Mavix...

Gutom na ako di pa ako nakakapag lunch nahuli na agad ako nitong si Mavix....haist...pag minamalas ka talaga naman Oo.......!!








My Gold Digger WifeWhere stories live. Discover now