Chapter 1 part three

14.2K 236 1
                                    

"Damn them"bulong nya sabay tungga ng alak sa basong hawak nya.Muling dumaloy sa isip nya ang nangyari kanina.

"Kenneth,please let us explain"nagsusumamong wika ni Macy.

"Macy dapat nang malaman ni kuya ang lahat"sabi ni Jonas napatingin ako sa kanya, wala man lang bahid ng pagsisisi akong makikita sa kanyang mga mata.

"Jonas, please"

"Kuya noon pa may relasyon na kami high school pa lang kami, kami na napilitan lang kaming itago to sa lahat dahil sa yo" muling akong napabaling ng tingin sa kanila napayuko si Macy.

"Anong kinalaman ko sa- "

"Simple lang kuya nauna kang sinilang you know arrange lang ang kasal nyo pagsilang mo palang"alam ko yon kaya iniintindi ko si Macy kung distant sya at cold sa akin dahil pinagkasundo lang kami pero mahal ko siya,"At matagal na kaming may relasyon nang  malaman ni Macy na may pinagkasundo na sa kanya,the worst part is kapatid ko pa ikaw yon kuya,kaya pinilit ko di pala, wala pala akong kahirap hirap na lagpasan ka dahil mas lamang ako sayo sa maraming bagay at masyadong kang nagpapakasaya sa buhay mo,di mo makita ni maramdaman na ayaw sayo ni Macy na ako ang mahalaga sa kanya na ako ang mas prayoridad nya"hinampas nya ang balikat ko palayo kay Macy at niyakap nya to.

"Kuya umatras ka na sa kasal nyo ni Macy habang maaga pa"

"Bakit ako ang aatras bakit di ikaw ha, Macy"naluluhang umiling ito at umakmang lalapit sa akin pero kinabig ito ni Jonas  palapit sa kanya.

"Kung kaya ni Macy yun matagal na sana nyang ginawa pero di nya kaya dahil may sakit sa puso ang mama nya di ba"alam nya yun at mas malapit pa nga siya rito kaysa sa mama nya."di nya magawang umatras sa kasunduan nyo dahil minsan nang ginawa nya yun inatake si tita sylvia"natatandaan nya yun four years ago sumailalim sa minor operation si tita pagkatapos, nang okay na si tita pinag usapan na nila ang kasal namin noon ko lang nalaman na pinagkasundo kami ni Macy.

"Jonas please let me handle this,"pakiusap ni Macy.

"No it's about time na malaman na ni kuya to kaligayahan natin ang nakasalalay dito pati na ng anak natin"

"Anak ,Macy bun-"

"Oo kuya buntis si Macy sa anak namin, kuya  anak namin kaya di ako mananahimik lang sa isang tabi habang ikaw masaya sa mag ina ko"napapailing na lang ako papalayo sa kanila di ko matanggap,ang dalawang taong mahalaga sa akin matagal na pala akong pinagtataksilan and the worst part is nagkaroon pa ito ng bunga.......

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon