Chapter 37

6.9K 183 3
                                    

"Lemon, pakifax naman ito please kailangan kasi ni Mr. Chua ng kopya ng kontrata namin" pakiusap ko kay Lemon sabay dito ng folder nang kopya ng pinirmahan namin.

"Okay" anito at kinuha na sa kamay ko ang folder at pumunta sa desk niya.

"Kuya sira yata itong fax machine" kunot noo na puna ni Lemon habang pindot nang pindot dito.

"Ha? Naku panu ba ito" agad na nag isip ako nang paraan.

"Pupunta na lang ako kuya sa secretarial pool kuya para matapos na itong ipinapafax mo sa akin then para makapag request na din ng kapalit nitong sira" ani Lemon at nagpaalam na ito para umalis.

Nang nakaalis ito ay agad na binalikan ko ang mga paperworks ko para basahin ang mga ito.

Maya maya pa ay may naramdaman ako na pumasok pero dahil nga subsob ako sa ginagawa ko ay inakala ko na si Lemon lamang ito at nakabalik na.

Pero nagtaka ako nang maramdaman ko na parang nakatayo lamang ito sa harap ko.

"Yes? May kailangan ka?" Di tumitingin na tanong ko dito.

"Yeah....ikaw" agad na nanlaki ang mga mata ko nang di boses ni Lemon ang sumagot kundi si Sharleze.

"Ahm...Sharleze" agad na nag angat ako ng paningin at nakita ko na si Sharleze ang nasa harapan ko. "Ikaw pala .....m--may kailangan ka?" Alanganin na tanong ko dito.

Mabilis na pinasadahan ko ito nang paningin at napansin ko na nakasuot ito nang red sleeveless dress na umabot lamang sa kalahati ng hita nito at naka boots ito nang itim na may mataas na takong na three inches yata ang taas,
At heavy ang make up nya, bakit ko nasabi?
Ang pula pula kasi nang labi niya para na syang manananggal na elf version.

Ba't pag si Honey ang nag make up nang makapal ang ganda ganda pa din?
At saka sina Avi at Dawn din pala,
Pero pag si Mama at itong si Sharleze ang nag make up nang makapal nagmumukhang ewan? Takang puna nang isip ko.

Di ito nagsalita at lumapit pa lalo sa sa desk ko ikinailang ko.

"A---ano nga ulit ang kailangan mo d---di ko kasi naintindihan?" Kinakabahan na tanong ko dito at umiwas nang tingin ang mga mata ko pagkat dumukwang na ito sa mesa ko at dahil mababa ang neckline nang suot nito ay nakikita ko na ang puno nang dibdib nito.

Shit! Parang napanood ko na ang eksena na ito ah! Dagling pumasok sa isip ko ang pamilyar na eksena kung saan...
Ginawa na din ni Honey 'to sa akin,
Kitchen version pa nga wala pa kasi si Rafa nun tapos si Mama kaya malaya kami ni Honey ko, naalala ko pa nga na papasok ako nun sa opisina tapos si Honey dumukwang para iabot sa akin yun kanin eh gandang ganda ako sa Misis ko kaya titig na titig talaga ako dun sa mayabang at matayog na hinaharap nya na kitang kitang ko sa puting tube na suot nya.
Tapos napansin ni Honey yun tinitignan ko kaya napangisi ito, akala ko nga magagalit eh,
Kaya kabado pa ako nang pumunta ito sa gawi ko at baka pagsasampalin ako kaya nagulat pa ako nang kumandong ito sa akin at saka niya sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

Ang sabi pa nga yata nun ay "dapat Honey ko sinabi mo agad na gusto mong sumubsob sa dibdib ko para di ka na tingin nang tingin pwede mo nang hawakan pisilin at umunan sa akin" tatanggi pa sana ako pero nagpatuloy na uli ito.
"Eh para nga sa'yo halos magpabili na ako nang factory ng gatas kay Daddy para inumin ko at nang lumaki ang dibdib ko kasi flat chested kaming tatlo nina Dawn At Avi at halos patayin na nina Dawn at Avi si Mavi pag sinasabihan nya ang dalawa na pader ang hinaharap nang mga ito, dati wala naman sa akin yun,
Mainam nga yun para mabilis na makatakbo ako at di mabigat ang katawan ko pero nun makita na kita at marealized ko na inlove na pala ako kulang na lang magpa enhance ako nang dibdib para agad na lumaki na sila pero nagkasundo kaming tatlo nina Dawn na uubusin muna namin ang mga gatas sa pilipinas para inumin namin at pag di nag work saka kami pupunta sa salamat dok,
And thank god nag work talaga yun kaya ......" tumingin ito sa akin at hinawakan ang mukha ko at kinintalan ako nang halik sa labi ko at saka ngumiti sa akin. "Will you pet me for my hard work?" Tanong nito sa akin kaya ang ending ay ang unang pag absent ko sa trabaho ko sa loob ng apat na taon na pagtatrabaho ko sa kumpanya namin.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon