Chapter 48 part two

5.8K 137 4
                                    

Kapwa kami abala ni Lemon sa pag rereview nang mga papeles na kailangan na namin maipasa sa Accounting Department nang walang anu ano'y bumukas bigla ang pintuan at iniluwa nun si Mavix.

"Yoh musta na Kenneth, Lemon miss ko na kayong dalawa" masayang bungad agad ni Mavix sa amin.

Kapwa kami nagkatinginan ni Lemon at maya maya pa'y nagkibit balikat si Lemon.

"Kakakita ko pa lamang sa iyo Kuya Mavix kahapon" pakli ni Lemon dito.

"Kakahiwalay lang natin nang landas kaninang umaga Mavix" sagot ko naman dito.

Napatingin ako sa orasan na nasa dingding.

Two thirty na pala nang hapon.

Ngumisi bigla si Mavix at saka mabilis na pumunta sa likuran namin at inakbayan kaming pareho ni Lemon.

"Yun na nga eh ang pakiramdam ko ang tagal tagal na nun eh kaya naman naisip ko na puntahan na kayong dalawa dito ngayon, ako ba di nyo na miss?" anito.

Inikutan ito nang mga mata ni Lemon at asar na inalis ang braso ni Mavix sa balikat nito.

"Hindi Kuya Mavix! kotang kota na ako sa mukha mo pirme na lang ikaw nandito at nangungulit" sagot dito ni Lemon.

"Naks Lemon eh! Hayaan mo palagi na ako dito pupunta para di mo ako lagi mamiss" tumatawang sabi ni Mavix dito.

Nakasimangot naman na napailing na lang dito si Lemon.

Ako naman ay napailing na lang.

Ang lakas talaga nang tama ni Mavix, ang daming energy sa katawan!
Natutulog pa kaya siya? Natanong na lang nang Isip ko.

"Tsk! Insane!" nadinig ko na bulong dito ni Lemon na kinangiti ko na lang.

"Nga pala Mavix ba't napadalaw ka dito sa Opisina?" Takang tanong ko dito.

Naupo muna ito sa couch na nandoon saka nakasimangot na humalukipkip at dume kwatro.

"Kaasar kasi yung talent na dapat gagawan ko nang music video di daw makakadating sabi nung road manager kasi may puyat daw!" inis na sagot nito saka nakasimangot pa din na pumangumbaba.

"Si Jazzie Cruz?" Tanong ko pa dito.

"Mismo!" Napapapitik na sagot nito.
"Puyat daw! hello ako nga wala pang tulog naglamay pa nga ako sa harap nang laptop ko para maayos ko na lahat nang mga scene na dapat Ireshoot sa Teleserye na ginagawa ko at yun mga kailangan pang gawin sa  concert pa nakalimutan ko na nga na makipag skype sa Anicel ko eh tapos maaga pa akong lumakad para masiguro na maayos na ang Set nang pagdating nya ayos na lahat tapos sya puyat lang ipapaurong na yung shooting kaloka!" Asar pa din na pagkukuwento ni Mavix.

Yung tinutukoy ni Mavix na si Jazzie ay si Jasmine Tuviero na kasalukuyang free loader sa bahay namin.

Hmm...naalala ko tuloy bigla na di pa nga pala ako nakauwi sa bahay namin ni Honey,
Diretso na kasi ako dito sa Opisina.

"Baka nga Mavix puyat sya at di nya kaya na magtrabaho naalala ko kasing bigla na ngayon nga palang araw na ito sya aalis nang bahay namin para lumipat" sabi ko dito.

Lumabi si Mavix sa akin.

"Ewan ko lang talaga ha! Pero nakakaamoy talaga ako nang Iba d'yan sa free loader nyo dapat mapaalis mo na yan sa bahay nyo kasi pag natuwa si Kat Kat d'yan baka balatan nya nang buhay yan...well sa akin okay lang yun makabawi man lang ako nang konti sa babae na yun" kibit balikat na tugon nito sa akin na tinawanan ko na lamang.

Alam ko naman yun meaning nung word na natuwa...

Pag natuwa ang Asawa ko kay Jasmine patay sya!

Masama pa naman magselos si Honey nagdedeclare nang World War.

"Oh Kuya Mavix Ikape mo na lang yan" mula sa may pantry nang opisina ay lumabas si Lemon na may bitbit na tray na may lamang mga tasa nang umuusok pa na kape at tatlong platito na may nakalagay na mga slice nang chocolate mousse na pinadeliver pa mismo ni Honey dito sa office.

And yes upgraded na ang Opisina ko nagpalagay na ako nang Pantry although maliit na division lamang sya patungo sa comfort room may sink duon at malaking mirror at may personal ref kami dito courtesy of Lemon.

Mahilig kasi ito na magdala ng mga pagkain at mahilig din itong kumain kaya naman napagdesisyunan ko na magpalagay nang maliit division at gawing parang pantry nang opisina ko para di na kami labas nang labas pa.

"Thanks Lemon wow mukhang masarap ito ah!" Nakangiting sabi ni Mavix nang mailapag na ni Lemon yun tray sa center table.

"Nambola ka pa talaga Kuya Mavix, talagang masarap yan galing yan sa Kitchen nyo gawa yan nang Mommy mo eh" naiiling na sagot ni Lemon dito.

"Talaga? Ba't di ko alam na nag bake pala ang Momma ko tapos kayo meron ako wala" angal ni Mavix.

"Natural wala ka dun at present si Ate Avi at Ate Kat Kat kaya sila meron ikaw wala kaya bokya ka" ani Lemon dito.

Napasibi si Mavix dito pero maya maya lang ay napangiti na din ito nang matikman yun chocolate mousse.

"Wow masarap talagang mag bake ang Momma ko!" Bulalas ni Mavix.

Napatayo na ako sa Swivel Chair ko at naglakad papunta sa dalawa  at saka naupo sa katapat na Sofa para saluhan na din silang makakakain.

Dinampot ko yun tasa nang kape ko at marahan na hinipan ito.

"Nga pala pahiram naman nang laptop makikinood ako"  pakiusap ni Mavix pagkuwan.

Kapwa kami tumango ni Lemon dito kasi may extra naman na laptop na di namin nagagamit.

"Sure Kuya Mavix" sagot dito ni Lemon. "Ano bang panonoorin mo Kuya Mavix baka mam'ya bold yan ah ma Virus pa yun laptop" dagdag pa ni Lemon.

Natawa naman si Mavix dito saka napailing.

"Di naman oy Isip mo ah Virgin ito mula katawan hanggang utak" natatawang depensa nito.

"Eh ano ngang panonoorin mo?" Pangungulit dito ni Lemon.

Ako naman ay tahimik na humigop na nang kape.

"Cinderella" sagot dito ni Mavix na Ikinabulinghat nang tawa ni Lemon at kinatapon naman nang kape ko.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon