Chapter 15

8K 185 1
                                    

Nakatanga kaming dalawa ni Rafa dito sa loob ng boutique.

Habang sina Mama at Lemon ay walang sawang namimili ng mga damit.

Naku naman!

Naiinip na ko, buti pa tong si Rafa may dalang tablet at naglaro na lang ng clash of titan ba yun? Di ko matandaan basta online game.

Kung si Cathy siguro ang kasama ko dito di ako maiinip pero di eh.

Ang pinakamamahal kong ina ang kasama ko.

Don't get me wrong ha.

Mahal ko yan nanay ko.

Nanay ko yan eh.

Ang totoo nga nyan ay natutuwa ako na pinag uukulan ako ng panahon nito.

Di kaparis dati na puro sina Dad at Jonas lang ang inaasikaso nito.

Ngayon ako naman ang hinahunting nito.

Este inaasikaso nito.

Pero dun tayo sa last topic.

Naman eh!

Gusto ko nang umuwi na ng bahay kasi kung di bukas ng umaga, mamayang hating gabi na ang uwi ni Honey ko.

Gusto kong maipagluto ito ng pagkain kahit midnight snacks lang.

Pero pano ko yun magagawa, kinidnap na naman ako ni Mama.

"Rafa baby anong bagay sa akin tong white o itong ivory?"  Tanong nito kay Rafa.

Hawak nito ang dalawang blouse na puti.

"Mama kahit anu dyan bagay sa'yo" pakli ko dito.

"Heh di ikaw ang tinatanong ko si Rafa" inis na sagot nito sa akin.

Nanahimik na lang ako.

Binaba ni Rafa ang tablet na hawak nito at pinagmasdan ang dalawang hawak ni Mama.

Pagdaka ay tinuro nito ang nasa kaliwang kamay na damit na hawak ni Mama.

"Oh thank you hijo, i like you, may taste ka di kaparis nitong anak ko ewan ko dito kay Kenneth kung pano sya napalilibutan ng mga may Alam sa fashion eh nerd naman si Kenneth" tignan mo tong Nanay ko nilait pa ko.

Saka, Mama  dapat magpasalamat ka sa asawa ko kaibigan nya yan si Lemon eh.

Sa loob loob ko lang.

"Ma gumagabi na ah baka hinahanap ka na ni Dad" sabi ko dito.

Gusto ko na talagang umuwi.

"No, busy yun sa magiging apo nya kaya nanduon sila sa bahay nina Sylvia" nakasimangot na wika nito.

"Mama nanduon pala sila bakit di ka sumama?" Takang tanong ko dito.

Natigilan ito sa pagtingin tingin at pagsusukat ng mga damit.

Pagkaraan ay dali daling lumapit sa akin at binatukan ako.

"Aray naman Mama, bakit mo ko binatukan ang sakit nun Mom" nakangiwing tanong ko dito.

"Tatanong tanong ka pa eh obvious naman na kung sinama ako ng Papa mo eh di wala ako dito" inis na wika nito.

"Kung ganun di ka sinama ni Dad?" Di ko napigilang tanong uli dito.

Pero batok uli ang sinagot nito.

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

Sa Wakas  nakatakas din kami kay Mama.

Este natapos na ang pamimili nito nang mag yaya nang kumain si Lemon.

At pumayag naman si Mama di na ito umangal pa.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya nang umuwi si Lemon dahil may tatapusin daw syang paper works.

Hinatid ko na si Lemon,

Pagkaraan naman ay si Mama.

Pagdating ko sa bahay namin ni Cathy napansin ko na tulog na si Rafa kaya binuhat ko na lang.

In fairness ha may muscle na ako at medyo lumalaki na ang katawan ko bunga ng palagiang paggy gym ko.

Di na ako ting ting.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay bumukas na ito nang kusa pagkaraan ay inuluwa ang dyosa kong asawa.

Nakangiti itong humalik sa akin.

"Ginabi yata kayo ni Rafa" nakangiting kinumutan nito si Rafa.

Ang cute talaga nitong magkapatid na to.

Isang dyosa at isang kerubin.

Siguro maganda at gwapo ang magulang nilang dalawa excited na ko.

Sana ma meet ko na sila.

"Si Mama kasi nang makita si Rafa di na pinakawalan, gigil na gigil talaga ito kay rafa halos ipagtabuyan na ko para masolo itong si Rafa eh" wika ko dito.

"Really? Marami talagang na cucutetan kay Rafa eh alam mo nung bata pa ito halos magtago ito sa likod ko at ni Mommy pag nakakakita ito ng tao mahiyain kasi siya" nakangiting inakay na ako nito papalabas ng silid at marahan namin sinara ang pinto.

"Nga pala nakita ko ang album nito at nagulat ako nang makita ko ang larawan namin dalawa ni Rafa" sabi ko dito.

Nakita ko naman ngumiti ito ng maluwang.

"Yun ba, alam mo ba na dun sa larawan na yun ako agad nagka crush sa'yo" wika nito.

Namula ako sa sinabi nya at tumambol ng malakas ang dibdib ko.

"R-really h-hon?" Ayan na naman ang dila ko nabubulol na naman.

"Yeah kasi ikaw lang ang nilapitan ni Rafa eh nun time na yun, kasi di mo natatanong aloof yan sa mga strangers ikaw lang ang nilapitan nya" papasok na kami ng kwarto namin.

"T-talaga"

"Yeah at humanga ako talaga ng di mo iniwan at pinabayaan mag isa si Rafa kaya naisip ko na kung mag aasawa ako gusto ko ikaw na lang kasi alam ko na nasa mabuti akong kamay at isa pa ang Isang Lalake pag responsable ay malaki ang posibilidad na magiging mabuting ama, kaparis ni Dad gagabayan at iingatan ang mga anak at iga guide ito sa mabuti, pagsasabihan pag mali ito," nakangiting yumakap ito sa akin.

"But sadly that time na mahanap na kita may fiance ka na pala" lumungkot ang mukha nito.

Tinignan ko ito at hinaplos ang mukha nito.

Napapikit ito nang maramdaman ang palad ko maya maya pa dumilat ito at tumitig sa akin.

"Kaya nagpapasalamat talaga ako kay God dahil binigay nya ang tangi kong hiling na makasama ka at eto na tayo ngayon magkasama" wika nito.

Tinawid ko na ang distansiya ng mga mukha namin at hinalikan ko ito.

Mariin... 

Marubdob. .  ..

Masuyo....

Pinatay ko na ang ilaw sa tabi ng kama at giniya ko na sya pahiga sa kama namin.

My Gold Digger WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon